First Entry

18 2 1
                                    

Dear papel,

Today nabaliw ako. pati yung classmate ko, tawa sya ng tawa habang nagsusulat ako.

Ang weird ko daw kase bakit daw Dear papel eh pwede naman Dear diary. sinimangutan ko lang sya at sinabi ko 'Gusto ko unique'. tawa lang sya ng tawa at lumabas ng room.

So ayun nga nabaliw na ko. kase naman hindi ko iisipin na magsulat sayo dear papel kung di ako nababaliw. Parang wala ako sa sarili ko ngayun Dear papel, Syet kase yung crush ko Pasimpleng tumitingin saakin. Yung crush kong tall dark and never mind. kinikilig yung hormones ko kapag nakikita ko syang tumitingin saakin pero dapat hindi ko ipahalata na kinikilig ako Dear papel kase baka alam muna mag take advantage sya.


Sayang ang kagandahan ko kung ganun lang mangyayare diba? dapat challenging. manliligaw sya tapos sasagutin ko sya yung ganun, ayoko yung modern na makita kalang kiligin yayain ka na magsogo. gets mo yun dear papel? magtetake advantage na sya kase nga alam nyang may gusto ako sa kanya. paano naman kinabukasan ko? dapat hindi ganun kaya pinigilan ko talaga kiligin ayus lang kahit maihi ako.


kaya ngayun dear papel wala ako sa sarili kase kanina lang niyaya nya ako maglunch. like Oh My gosh! lumelevel up na yung crush life ko.

ang kaso Dear papel epal yung monggoloid kong classmate na si caloy niyaya nya yung crush ko magdota kaya ngayun heto ako ngayon nagiisa. Feel ko nga gumawa ng MV na Ulan by aegis dahil sa kalungkutan ko.


Badtrip ako dear papel. Nawalan ako ng gana kumain saka makinig sa klase. Nagditch kase yung crush ko at si caloy ng last subj kaya nanlulumo talaga ako.

-Kris's

PS: taena dear papel! gusto ko ingudngod si caloy sa imburnal sa pagiging epal nya sh*t!

Entry#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon