Dear Papel,
Feel ko kumanta ngayun dear papel. yung kanta na magpapaulan ng malakas yung Malakas na hangin na ultimo magpapatanggal ng bubong para magkasama lang kami maghapon ni crush.
Opo Dear papel. magkasama kami ni crush ko yung tall dark and never mind. Alam mo kase dear papel never mind ang looks ni crush pero ayus na ayus ang IQ at take note dear papel may sense of humor si Crushy!
so ayun nga dear papel. as I was saying kanina magkasama kami ngayon dear papel. Group study kase namin sa Biochem. pak na pak kase naman nagsialisan na ang mga classmates ko at ako nalang ang naiwan sa bahay nila. umaambon sa labas at gustong gusto ko talaga bumagyo.
para naman makapagsolo kami at makagawa na kami ng SCENE na Rated PG. ahehehe pero joke lang yung scene dear papel wala ko lakas ng loob ah basta! nevermind
yung scene.ayun nga para makapagsolo Kami at mag getting to know each other. ang kaso dear papel pinapauwi nya na ako. ang sakit dear papel kase naman moment ko nato eh! eto na yun kaso kj si crushy. huhuhu.
Palabas na ako ng bahay nila ng biglang hinawakan nya ako sa braso.
alam mo dear papel yung feeling na nakuryente in a good way? yun yung naramdaman ko dear papel syet lang kase naman pinigilan nya ko para payungan. thanks sa ambon sinamahan nya ako hanggang sakayan Like omg feeling ko boyfriend ko sya ang sweet lang kasi pinayungan nya ako.
kaso dear papel ang bilis ng oras eh. gusto ko Sana matigil kaso wala ko powers! kung may powers lang ako talaga. Papatigilin ko ang oras habang pinapayungan nya ako. naisip ko nga magselfie kami kaso hiya is me dear papel eh kaya diko nalang ginawa. bilis talaga! nagulat na lang ako nasa sakayan na kami tas pinapasakay nya na ako.
Yun na yun! pero kinikilig talaga ako
-Kriss's
PS: Nag 'ingat' sya sakin nung pasakay na ako. Ngiting aso ako hanggang sa makauwi :3