I know they are all looking at me.
Kahit na hindi ko nakikitata pero nararamdam ko namam ang bigat ng mga matang nakatitig sa akin. Binabantayan bawat lunok ng lalamunan, bawat pikit ng mga mata. Alam kong babantayan nila ang lahat ng sasabihin ko para hanapan ng mali.
Binaling ko ang tingin sa camerang nasa harap. A led light is blinking which means it is recording. I stared at it knowing that this recording will be used against me.
"Ms. Andrada, alam mo ba ang dahilan kung bakit ka nandito?" Hindi ko pinansin ang nagsalita at tinignan lang ang 2 way mirror sa likod nito. The bruised girl in the mirror is stared back at me. Puno ng preskong pasa ang balikat at kaliwang parte ng mukha nito. Namamaga ang mga mata at mamula-mula ang mukha dahil sa dugong natuyo.
"May kilala ka bang Patrick Castillo?" biglang humiwalay ang tingin ko sa salamin nang marinig ko ang isang pamilyar na pangalan.
Ramdam ko ang panginginig ng mga binti ko sa ilalim ng mesa. Bigla akong hindi makahinga. Ang dami kong gustong sabihin pero walang niisang salita ang lumalabas sa bibig ko. Tanging luha lang ang nagsalita para sa akin.
"Ano ba naman, Ms. Andrada. Hindi tayo matatapos dito kung hindi ka magsasalita. Malaking paratang ang kinahaharap mo," he smashed the table with his fist and stood up to turn the camera off.
Mas lalo akong kinabahan nang gawin niya iyon dahil alam kong pwedeng- pwede na niyang gawin ang gusto niyang gawin dahil pinatay niya na ang camera.
"Tang-ina kang babae ka! Magsalita kang kriminal ka! Ako pinapahamak mo kay boss nito eh," sigaw ng nakakatakot na pulis sa harap ko. Hindi ko mapigilang mas lalong maiyak. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa akin dito. Wala akong niisang pwedeng tawagan dahil wala naman ang koneksyon tulad nila.
"S-sir, parang-awa niya namam po, wala po talaga akong kasalanan," nanginginig kong sagot. Tumawa lang siya at sinabing kapag hindi ko sasabihin ang gusto nilang marinig ay may masamang mangyayari sa pamilya ko.
Bago ko pa man madepensahan ang sarili ko ay sinampal niya ang mukha kong puro pasa. Napatili ako sa sobrang sakit. Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko dahil sa takot na kung baka ano pa ang gawin sa akin pero bigla siyang bumunot ng baril at tinutok sa ulo ko.
He was furious at me. Any movement and he will pull the trigger down. They won't charge him anyway. They will find ways to acquit him if he were to hurt me. Gustuhin ko mang ipaglaban ko ang sarili ko pero wala na akong magagawa. They have the upper hand.
Lumapit siya sa akin habang nakatutuk pa rin ang baril sa ulo ko at pilit akong pinapaupo. Humahagulhol akong sumunod.
Pilit niyang pinapaamin sa aking ang isang bagay at gusto niyang sabihin ko ito sa camera. Inulit-ulit niyang pinaalala ang sasapitin ng pamilya ko kung magmamatigas pa ako.
Naalala ko ang kapatid ko. Grade five pa lang siya at walang kaalam-alam na puno ng masasasamang tao ang mundo. Napakabata niya pa para masali sa gulong ito. At si mama at papa naman. Lahat na ay sinuong nila para sa aming magkapatid. Malaki ang pangarap nila para sa akin dahil ako sana ang mag-aahon sa kanila. Hindi ko makakaya kung merong mangyaring masama sa kanila.
I was left with no choice. Pinunasan ko ang luha ko at pinilit na magpakatatag. Kahit ano pa man ang gawin ko ay di ko rin naman sila matatalo.
My interrogator turned the camera on again. This time, he looked calm as if he didn't do anything wrong.
"Ms. Andrada, sabihin mo sa akin kung ano ba talaga ang nagyari. Totoo bang pinatay mo si Minda Magbanua?"
I tried to clear my mind when I heard her name. Masasayang araw. Pagluluto ng kare-kare. Ang pag-alaga niya sa akin.
Nagbabantang tumulo ang mga luha ko. Ramdam ko ang kirot ng puso ko sa sobrang sakit.
"Ako po-" tumingin ako sa salamin. Alam kong nag-aantay silang lahat sa sasabihin ko. "Inaamin ko po na ako ang—" napatigil ako sa pagsasalita at napalingon sa pintuan. Pumasok ang isang lalaking naka suit na may dalang briefcase.
"Sorry for being late," he walked towards me and gently patted my back. He then set his attention to my interrogator. "I am Atty. Dante, legal representative of Ms, Andrada. From what I see, it seems like my client here is forced to make a statement."
This certain Atty. Dante stood firmly in front of an officer. He's challenging the interrogator.
Sino ba siya? Wala akong kilala ni isang abogado. Paano niya nalaman ang tungkol sa kaso ko?
"Sinong nagpapasok sayo dito? Ang kapal din naman ng pakmumukha mong manggulo," galit na sa nito kay Atty.
"Nonsense. Just show me the waiver signed by my client along with her sworn statement. I can clearly see the fear in her eyes. May kapit ka ba at parang walang niisang right conduct ang sinunod mo?" Tinulungan ako ni Atty na tumayo. Nagtataka pa rin ako sa nagyayari.
Hindi na nakapagsalita pa ang interrogator ko pero kitang-kita sa mukha niya ang sobrang galit.
"I'm taking my client. We will see on the inquest proceeding."
Inalalayan niya ako palabas ng interrogation room. Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero saka ko lang naramdaman lahat ng iniinda kong sakit sa katawan. Para bang nawawalan ako ng hangin at nandidilim ang paningin ko.
Bago pa man ako mawalan ng malay ay narinig kong sainabi niya sa akin ay kailangan naming magpa medico legal agad. Kung sino man tong Atty. Dante na ito, alam kong pati siya ay makakaranas din masama sa mga kamay nila.
BINABASA MO ANG
Saving Justice
RomanceAccused of a bloody crime, Justice Andrada fights to clear her name. Alam niyang hindi ito magiging madali dahil isang makapanyarihan at impluwensyal na tao ang kanyang makakalaban. Sa tulong ng isang abogadong handang gawin ang lahat para sa inii...