Back to our dayPinagmamasdan ko si Victorio habang tinuturuan ang dalawa kong nakababatang kapatid na lalaki mula sa pintuan, Hindi ko mapigilang ngumiti sa aking nakikita.
Napalingon sa akin si Victorio, at binigyan ako nang ngiting matamis akin naman itong sinuklian.
"Oh! Kumain muna kayo at kanina pa kayo dyan sa ginagawa niyo.Nagluto ako nang minatamis na saging"
Pag-aanyaya ko sa kanila habang nakangiti parin ako. Dahan-dahang tumayo si Victorio mula sa kinauupuan nito at lumapit sa akin."Ako na mukhang mabigat." Hindi ako umangal sa pag-aalok niya nang tulong sa akin, Kinuha niya sa akin ang tray at inilapag sa La mesita nang may pag-iingat.
Nasa Veranda sila nakatambay,Maaga pa lang ay nandito na siya upang turuan ang aking mga kapatid mag-ensayo sa paggigitara at pagguguhit,Noong unang alok niya ay hindi ko siya pinayagan pero dahil sa gusto nang kapatid kong matuto ay pinayagan ko na lamang siya,Pumayag si Naman is Ina pero ang sabi niya dapat tuwing sabado lang siya nandito at kailangan nasa bahay sila Ina at itay.
Tinitingnan ko si Victorio na nakikipagtawanan sa aking mga kapatid habang kumakain ng aking niluto. Sa tuwing nakikita ko siya talaga gumagaan ang araw ko,Ito yong pakiramdam na hindi ako kulang na masaya ako at kontento ako .Inilihis ko ang paningin ko sa kaniya.
"Kuya kailan ka muli bibisita dito?" Maligayang tanong ni benjamin ang bunso kong kapatid.
"Ikaw benjamin hindi pa nga aalis si manong, Nagtatanong ka na agad." Masungit nitong pagsasabi ni arturo kay benjamin. Napanguso naman si benjamin sa pagsita nito.
"Sige mag-away kayo at hindi nayan babalik pa dito.." Pananakot ko sa kanilang dalawa. Nagtungo ako sa rehas na semento sa aming veranda na katapat lamang nang kanilang upunan at umupo ako doon.
"Depende kung kailan niyo gugustuhin..." nakangiti niyang sagot sa dalawa, Kapag si Victorio nandito laging kompleto kaming magkakapatid dahil hindi na nila kailangan na pumunta sa kabilang bahay at kani-kaniya nilang kaibigan upang magpaturo sa hilig nila.
"Sus. Manong baka kung kailan gusto ni manang Carol.." Pang-aasar sa akin ni arturo na agad na ikinainit nang pisngi ko.
"Siguro nga..Kung kailan nya gusto" Nakangiti niyang sagot habang nakatingin sa akin ang mga mata niya. Kasabay nang pag-ihip nang hangin ay ang paggulo nang kaniyang buhok na nakaayos at ang pagsabay nang aking nakalugay na buhok sa ihip ng hangin. Naestatuwa ako sa aking posisyon, Kahit kailan napakalakas nang tama sa akin nang ngiti niya at ang mga mata niyang mapungay.
"Manong nahihirapan parin akong makuha sa pagkalabit ng kuwerdas at sa paglipat nito." Kapansin-pansin sa mukha niya ang pagkabigo, Lumapit ito ginulo ang buhok ni arturo.
"Wag kang mag-alala dahil nakukuha naman yan sa ensayo..." Pagpapalakas nito nang loob.
Tumingin siya sa akin at bumulong ako sa hangin habang nakatingin sa kaniya "salamat" tumungo siya sa akin bilang pagsagot at pagkakaintindi sa aking sinabi.
"Kuya ako rin hindi ko parin makuha-kuha ang ibang pagguhit nang desinyo.." ang pagmamaktol ni Benjamin. Binuhat siya ni victorio at inilagay sa kaniyang kandungan.
"Alam mo ba ganiyan din ako dati,Pero sa kakaensyayo ko ay natuto ako ako at tingnan mo isa na akong arkitekto." Ang makabuluhang sabi ni Victorio sa mga bata.
Nakakatuwa silang pagmasdan mula sa aking kinauupuan, Para kaming isang pamilya na walang pinoproblema at tanging pagtawa lang ang aking naririnig at asaran. Sana hindi matapos ito.
BINABASA MO ANG
Be With You
Teen FictionAnda arsia started to find her mother first love...Victorio tuazon. Sa paglipas ng panahon pinangarap niya na makita ang mukha nito. She want her mother to be happy after losing her father. Sa kabila nang paghahanap niya sa taong mahal ng mama niya...