Shin POV
'Mommmm Im Hooomee!'
'O baby nandyan kana pala'
'Si Dad,ma?'tanong ko
'Im here son!' sagot ni dad habang pababa ng hagdan
'Daaaaaddd!'maktol ko.
'Why sweetheart?' inosenteng sagot nya
'Hmp.Mom,may meryenda po bang niluto si Nani Elsa?'tanong ko.
'Ohh,oo nga pala! nagpaluto ako ng Kamote que kay Nay Elsa alam kong paborito mo yun! O sya doon ka muna sa garden ipapasunod ko nalang dun'sabi nya.
'Sige mom.Thanks'
Garden.
Nakakarelax talaga dito. Sa tuwing nabobore ako dito ako namamalagi. Wala naman akong ginawa kundi pagmasdan ang magagandang tanim na roses ni Mommy. Hindi lang bastabastang roses,Imported galing sa ibatibang bansa.
Ang swerte ko sa mga magulang ko.
O nga pala,alam nilang ganito ako. Bihira lang akong magtago ng sekreto sa kanila. We are bestfriends. Napakadown to earth nila kahit kilala ang pamilya namin hindi lang sa bansang ito pati narin sa International.
At ngayon, Nahihiya akong sabihin sa kanila na may babae akong gusto.
Yung babaeng nakabunggo ko ilang oras palang ang nakararaan.
Hindi ko alam pero nung napatingin ako sa mga mata.Naging iba yung pagtibok ng puso ko. At yung labi nyang mapupula parang ang sarap hal---
'Ehem.mukang malalim ang iniisip ng binata ko ah. Mas malalim pa sa balon.'
'Daddd! ang corny mo.' nakapout kong sabi.
'Ano nanamang kasalanan ko? Haha' nakatawang sagot ni daddy.
Minsan hindi ko alam kung anong topak ng tatay ko eh.Parang may toyo sa utak!
'Lemme guess? Babae yan no?'
Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Dad.
'Sinasabi ko na nga ba eh.Alam mo son,pinalaki ka namin ng mom mo na mabuting tao.Wala kaming pakialam kung ano ang sasabihin ng ibang tao kung ano ka dahil higit kanino man kami ang nakakakilala sayo.Tulad ng lagi kong pinapangaral sayo,sundin mo ang iyong puso at magiging masaya ka' saad ni dad.
sundin mo ang iyong puso at magiging masaya ka
tama si Daddy,napakabuti talaga nya.
'Thanks Dad. Sa pagsuporta nyo kung ano ako.Thankyou sa inyo ni Mommy kasi kapakanan ko parin ang iniisip nyo'
'Anak,maaaring isa tayo sa mayamang pamilya sa bansa pero lagi mong tatandaan na handa kong iwan ang lahat para sa inyo ng Mom mo'
'I love you Dad'maluha kong sabi sabay yakap sa kanya
'I love you too son'
'Ang mag-ama ko naglalambingan ng hindi ako kasama. Nakakatampo' pareho kaming napalingon kay Mommy na dala ang meryenda
Napatawa nalang kami ni Dad sa pagdadrama ni mom.
BINABASA MO ANG
THE FORBIDDEN LOVE COMPLETE LOVE STORY by christinerosary
RomanceNaranasan mo na ba magmahal ng kapwa mo babae o lalaki? kung OO. this STORY is for you. kung HINDI naman. Pwede ka din dito. any VOTES,COMMENTS,SUGGESTION, ACCEPTED! paFOLLOW nalang din po ako mga mahal. salamatttttt po!