May mga bagay talaga na hinahangad natin
Ngunit kaylan man ay di mapapasatin.
Isang tao na kung sino pa yung pinakagugusto mo
Eh hindi mapapasayo.
Parang ako..
Gusto kita pero di ako para sayo.Biktima Ako ng Pinagtagpo pero di itinadhana.
Dumaan lang sa buhay ko para bigyan ako ng sayaSabay ilalayo ka sa akin..
idudulot naman nito ay kirot sa damdamin.
Ang hirap isipin...
Na ikaw na pinakamamahal ko ay hindi para sakin.
Hanggang sa tuluyan ka ng lumisan.
Labis akong nasaktan.Naalala mo ba? Blinocked mo yung dalawa kong account sa fb?
Naisip ko paano na? Pano kita makakausap, ei ayaw mo na?
Halos tatlong taon din siguro yun.
Tatlong taong gumagawa ng paraan para maiunblocked mo na ko.
Nakagawa pa nga ako ng tatlong account pero di mo naman kino-confirm.
Hanggang sa nag message request na lang ako,
Nagrequest ako na sana kahit hanggang friends nalang tayo.
Wala din.. wala talaga.Sa loob ng tatlong taon, isang beses na may pumasok sa isipan ko.
Bakit nga ba ko habol ng habol ng habol sayo?
Eh di naman nga pala naging tayo
So paano mo papahalagahan yung ako?Sa tatlong taon na paghahabol ko sayo
Napatunayan ko...
Na ang hirap pala talagang ipagsiksikan yung sarili mo
Sa taong di ka gusto.Ang hirap maging tanga
Yung alam ko na, na wala akong pag-asa pero
Pinagpipilitan ko pa.
Wala eh tinamaan talaga...Isang araw nakausap ko yung best friend mo nung elementary.
So kinaibigan ko din sya tapos sinabi ko paki sabi sa pinakamaganda mong kaibigan na..
Pa unblocked ako.
Nung una ini-unblocked mo yung Fb ko pero...
Naka blocked message parin ako.
Nasa ibang bansa ka na nung mga panahon na yun.
Kahit naman hanggang ngayon.Hanggang sa lumipas ang isang linggo.
Ini-unblocked message mo ako.
Edi ako tong si excited nangamusta agad sayo.
Sabi mo okay lang sabay sabing
"Sorry nga pala sa mga ginawa ko sayo. Apaka brutal pala nung ginawa ko sayo. Paano kasi nainis mo ako".
Eto akong si tanga, kinilig kahit alam kong wala na.
Ang sagot ko, "okay lang hayaan mo na yun matagal na yun".
Naging magkaibigan na uli tayo.
Nakakapag usap narin kahit na araw at gabi ang agwat ng oras
Kahit na nasa kabila ka ng panig ng mundo.
Hindi ko ginawang hadlang, edi nag adjust ako.Masaya na ako kung ano ang pagkakaibigan na meron satin ngayon.
Di na mahalaga ang noon.
Masaya na ako ngayon.
Kahit na may pag-ibig pa din. Akin na lang ililihim.Natuto na ako at mag-iiwan nag kasabihang
"Hindi masamang ipaglaban ang pag-iibigan pero alamin mo muna kung iniibig ka din ba nya ng higit sa kaibigan".
Sa ating panahon maraming nagkakagusto sa kanilang kaibigan pero isinisikreto.
Dahil takot sila na mabago at masira ang pagkakaibigan na kanilang binuo.
Hindi masamang magsarili ng sikreto kung ang dulot naman nito ay makakabuti para sa inyo.Ako si PJMT.
Ako ay biktima ng mapaglarong tadhana.
Tinanggap ko na.
Na kaming dalawa ay pinagtagpo pero di itinadhana.
YOU ARE READING
BIKTIMA
PoetryPara sa mga Hanggang Friendzone lang yung mga nag assume na More than friends sila pero di pala. Tyaka para narin sa kaibigan ko na nasa Other side ng mundo. Ps: Beginner lang po ako. Hope na magustuhan nyo.