Biktima (II)

27 0 0
                                    

Akala ko noon ang mga bagay ay permanente
Permanenteng mga bagay na may mabuti at di mabuting dulot.
Ang istorya ng pag-ibig nating dalawa na akala ko'y naging isang permanenteng hanggang magkaibigan lang ay tila ba mauuwi sa tayo ay isang magkasintahan
Pero teka muna
Wag masyadong advance mag isip
Baka maudlot ang inaasahan kong mistulang panaginip

Sinimulan mo ang ikalawang bahagi ng aking tula
Sa pamamagitan ng pag buhay sa pag-asa kong nalawang parang bula.
Nagsimula lang naman ito sa biglang pagtawag mo sa telepono
Na kahit isang beses sa buhay ko ay di ko 
inaaasahang mangyayari ang tulad nito

Na sa hindi kadalasang pag-uusap 
Ay may isang saglit na magdudulot ng labis na kagalakan
Tumawag ka nabigla ako at dali daling kumuha ng earphone at sinagot ka.
Dalawang minutong alang imik
Habang ako ay nag-iisa sa bahay na napakatahimik

Ikaw ang nagsimula at nagwikang "Seryoso ka ba talaga?"
Nanginginig sa kilig akong tumugon sayong tanong 
O. Oo ssssyempre.
Kahit ako'y naguguluhan at iba't ibang imahinasyon ang pumapasok sa aking isipan.
Pinilit kong magsalita at isiping ito na ang pagkakataon para masabi kong. "Maghihintay ako hanggang sa Pwede na Tayo"
Tinanong kita at ang sagot mo "Ewan ko. Di naman kasi natin alam ang mangyayari sa bawat araw na daraan"

Nagdaan ang isang oras ng hindi natin namamalayan.
Ako tong kahit anong topic ay aking sinasabi para tayo ay mapag usapan.
Pinapahaba at pilit kong sinabi ang aking mga nararamdaman.
Isang oras at apatnapung minuto ang itinagal ng Unang Video Call sa aking talambuhay kausap ka.
Nagpaalam na ako at sinabing "Sa uulitin ha"

Lumilipas ang mga araw oras mga minutoy nagdaraan
Mas lalo kong napatunayan at tumindi ang aking nararamdaman
Sa bawat araw na lilipas ay hindi pwedeng hindi ikaw ang bukang bibig
Hindi pwedeng hindi ikaw ang dahilan ng aking pag-ibig

Handa na ang sarili sa mga maaaring mangyari
Pag-ibig ko't paghahangad ay hindi na maikukubli
Kasama ko na ang posibilidad na kalungkutan at kagalakan
Sa mga susunod na araw, sa pagpapatuloy nitong pagsinta ko na walang katiyakan.

BIKTIMAWhere stories live. Discover now