♥Chapter One♥
Ang sarap tumingin sa kawalan lalo na kung boring yung subject nyo. Hayszxc. Ano ba namang buhay to! English na nga yung subject tapos nakakaiyamot pang magturo itong teacher ko. Buhay nga naman! Puno ng bunga! Hahahaha. Tawa tayo. Lugi ako. -_-
"Ms. Jackie Ford." bigla naman akong napatingin sa kanya. Itinaas ko lang ang kilay ko sa kanya habang nakahalumbaba parin sa desk ko.
"Why are you not listening in my discussion? You're new student here so respect me." So, kung di pala ako new student dito pede na kong di makinig at irespeto sya? Oh c'mon.
Yeah! Bago lang ako dito. Inilipat kase ako ni ate dito dahil daw malapit sa bahay namin. Tss. Para namang may nagbago. -_-
Natapos ang 2 subjects na puro discussion lang ang ginawa.
"Hi Jackie! ;))" Lapit sakin ng dalwang babae. Curly ang buhok nung isa at yung isa naman ay rebond ang buhok.
Nginitian ko lang sila at nagpatuloy na sa paglalakad. Wala kase akong balak na makipag-usap kahit kanino.
Naramdaman ko naman na sumusunod silang dalwa sakin pero di ko nalang yun pinansin. Hanggang sa makarating na ko sa cafeteria at umorder. Naupo ako sa may mesa malayo sa mga taong nandun.
"Pwede ba kaming makishare? ^^" tanong sakin ni curly hair. Tsk. Di ba nila ako tatantanan? Ipinagpatuloy ko parin ang pagkain ko.
"Thanks! :))" tapos naupo narin sila. I just rolled my eyes.
"Di mo ba kami kilala?" tanong ni rebond girl.
"Sa tingin mo?" sagot ko.
Sabay naman silang nagkatinginan sa isa't-isa. Natural! I don't know them because I'm new here! -_-
"Ah-eh. Sabagay! Bagong transfer ka nga pala dito. By the way I'm Shona Velasquez. You're classmate. :))" said curly hair.
"And I'm Heidi Montero. You're classmate too. :))) And I'm glad to meet you. ^^"-rebond girl
"Jackie." tipid kong sagot at ipinagpatuloy ko na ulit ang pagkain.
"Yeah! We knew it already! ;)" Hayszxc. -_-
Tatayo na sana ako ng biglang nag-iritan ang mga nandun na kala mo naman ay mayroong artista. Ganun din silang dalwa pero nag-iiritan sila ng nakaupo? -.- Well! I'm not interesting.
"Una na ko." pamamaalam ko sa kanila.
"Pe-pero!" narinig kong nagsalita si Shon pero di ko na un pinansin.
Nakasalubong ko ang isang grupo ng lalaki. 4 sila. So, ito pala ang iniiritan nila? Psh! Kapapanget naman! -_-
Tiningnan ako ng masama nung lalaking nakablack shirt and white pants. Tss. Porma nito? Ambaduy!!!
Nilagpasan ko sila pero may humigit sa braso ko.
Narinig kong nagbubulungan ang mga tao sa cafeteria at tila may masamang mangyayari.
"Problema mo?" tanong ko sa kanya.
"Ikaw at yang mapangahas mong bibig." sagot nya pero di sya nakatingin sakin.
Di ko sya naiintindihan sa pinagsasasabi nya kaya naman tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa braso ko.
"Wala akong pakialam sayo." saka pinagpatuloy ang paglalakad ko pero hinila nya ulit ako. Ano ba naman tong gagong to?
Hinawakan sya sa balikat nung kasama nya."Brad! Mukhang bagong transfer sya rito kaya siguro di nya alam." Di alam ang ano?
Tinanggal naman nya yung hawak nya sa braso ko at naglakad na papalayo.
"You're Lucky, Ms. Beautiful." bulong sakin nung may pagkachubby na lalaking kasamahan nila at lumakad na rin.