LABING SIYAM

60 2 0
                                    

Pagpasok ko ng university, everyone was talking about something. Foundation day ngayon kaya kahit mga taga-ibang course, gumagala dito sa building namin. Habang naglalakad sa hallway, nakasalubong ko si Gina. Ngayon lang kami ulit nagkita kaya tinawag ko siya. She's actually with Jom, iniwan niya lang saglit to talk to me.

"You know what everyone's been talking about?" Tanong ko out of curiosity, para kasi akong alien na walang kaalam-alam sa nangyayari dito ngayon.
"May Facebook ka ba talaga, Ziana?" Tanong sa'kin ni Gina, I still have this questioning look on my face.

"It's Drake Montenegro's birthday, Z!" Sabi sa'kin ni Gina. Drake Montenegro? Sino yun? And why does everyone seem to be excited? Nagbibirthday rin naman ako pero di sila na-excite ng ganyan noon.

"Who that?" Tanong ko kay Gina.
"Isa sa pinakamayayaman sa university, like third na pinakamayaman kasi sina Bogs ang first then the second one is Primo Villaraza." Sagot ni Gina, tumango-tango na lang ako kahit wala talaga akong alam sa mga sinasabi niya.
"So bakit parang excited ang lahat?" Tanong ko pa.
"Because everyone is invited except sa mga kalye ones." Sabi ni Gina. Everyone? Meaning pati ako? Nagulat ako nung kinuha ni Gina ang cellphone ko mula sa kamay ko. Parang nag-scroll siya at pinakita sa'kin ang screen ng phone ko. She's on my message requests on Messenger and she's showing me a personal message from Drake Montenegro saying It's my 21st birthday tomorrow, care to come?

"Well, okay." Sabi ko at binawi na ang phone ko.
"Pupunta ka?" Tanong pa ni Gina. I shrugged my shoulders.
"I don't know yet," sagot ko. Lumapit naman samin si Jom at binabawi na ang girlfriend niya mula sa akin. I let them go while I walked to find a place that has minimal people in it.

Napadapad ako sa soccer field. Wala masyadong tao rito. Naghanap ako ng area for me at umupo ako sa grass. May ilang players na nagpapractice but I do not mind them. Nagsuot ako ng earphones at nagbuklat ng libro.

The book is entitled Under The Dome by Stephen King, may tv series na rin ang isang 'to e and I have already watched that too. Tinatapos ko lang 'tong libro. Honestly, Stephen King is one of the best. Also, mas gusto ko kapag naka-earphones ako tapos nagbabasa. Mas nakakapagfocus ako kapag ganun e.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nung biglang natamaan ako ng soccer ball sa ulo, dahilan para matanggal ang earphones mula sa tenga ko.

Inis kong hinanap kung saan nanggaling yung bola at nakita ko namang papalapit dito si Bogs. Kinuha ko ang bola at binato sa kanya. He came here anyway.

"Bakit ang sungit mo?" Tanong niya pagkalapit niya sa'kin. Yung bolang binato ko sa kanya kanina, inabot niya sa teammate niya tapos lumapit siya dito.
"Sinisira mo yung pagbabasa ko," sabi ko sa kanya. Umupo naman siya sa tabi ko at sinara ko na ang libro. Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko at ginamit ang t-shirt na suot ko para punasan yung pawis niya.

"Bogs, kadiri!" Sabi ko at tinulak ko siya. Tinawanan niya lang ako.
"Sama ka sa birthday na usap-usapan ng lahat?" Tanong ni Bogs sa'kin. I gave him the same answer that I gave Gina a while ago.
"I'll be there, Gina's gonna be there kaya paniguradong andun din si Jom, same with Kyril and Kiyo, Yno told me na pupunta rin siya. Sama ka na," pangungumbinsi ni Bogs.

"Birthday party na naman," I said and I let out a sigh. Parties don't make me feel safe anymore. Bogs held my shoulder at tiningnan ako.
"I'll protect you, I promise." Sabi niya pa. Panatag ako sa sinabing yun ni Bogs and I know him, he does not break his promises. Kaya pumayag na akong sumama.

Z: The VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon