~Hello @your_song .. I dedicated this one for you .. kasi, nung nag-post ka sa MB ko .. ginanahan ako ulit gumawa ng poem .. hehe .. Thanks .. Sana magustuhan mo ito :))
Author's Note:
Hindi ko alam kung BITTER ang kalalabasan ng tulang ito para sa inyo .. pero, ang gusto ko lang iparating ang sinasabi ng aking damdamin.
Sana magustuhan niyo readers,
Nagmamahal,
Inyong emoterang writer :))
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
Ikaw Lang Talaga
HIndi ko man isigaw sa buong mundo
Ikaw at ikaw lang talaga ang mahal ko
Sapat na na alam nating pareho
Na ikaw ang tinutukoy ko
Ang mahirap lang talaga kasi tanggapin
Ni minsan hindi ako magawang mapansin
Hindi na ako nagtatangkang ikaw ay habulin
Dahil alam kong atensyon mo ay hindi sa akin
Huwag kang mag-alala
Wala akong balak agawin ka
Bahala ka sa buhay mo
Dahil ikaw ang nawalan hindi ako
Hindi ba ang bait ko?
Dahil wala akong hininging kapalit sa'yo
Nakikipag-kaibigan lang naman
Bakit hindi mo mapagbigyan?
Inaamin kong ako'y tanga
At handa ako saluhin lahat ng sumbat nila
Magbibigay-daan sa kahit sino man
Huwag ka lang nilang masaktan
Kahit ganito ang aking natamo
Sayo parin ako'y nagsusumamo
Sa oras na kailangan ng kausap
Andito lang ako ASAP
Pag-ibig ko'y wag mo sanang pagdudahan
Dahil ikaw lang talaga at walang sinuman
Sana ika'y magising sa katotohanan
Na ika'y aking minahal at mamahalin hanggang sa dulo ng walang hanggan
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Author's Note :
Nagpaka-corny ako .. hahaha .. AN'SABI???? hahahahah
Pagpasensyahan niyo na .. hihi <3
Heart_broken