Chapter 19

2.2K 46 0
                                    

Sumeryoso ang mukha ni Zues na matamang nakatunghay kay Maita. Kagyat itong natigilan at pagkadaka ay binitiwan sya saka ito tumayo.
"Am sorry.... "anito. Na sumulyap muli sa kanya. Naroroon pa rin sya sa kama nito. Di sya nakakilos. Akala nya talagang ipagpipilitan nito ang gustong gawin sa kanya. Pero ipinagtaka nya na di nito ginawa. Nakasunod lang ang tingin nya rito. Di sya nagtangkang ibuka ang kanyang bibig. Wala syang makapang sasabihin sa lalaki. Hanggang sa lumabas ito ng silid na walang paalam.
Saka sya parang natauhan at nabalik sa kasalukuyan. Napabangon sya sa kama at tinungo ang pintuan. Kagyat nya iyong inilock at napasandal roon. Saka nya lang nadama ang lakas ng tambol ng kanyang puso. Dahil sa nagpupuyos nyang galit kanina rito di nya nabigyan ng pansin ang nararamdaman.
Magkahalong kaba, alinlangan at lungkot ang nadama nya. Para syang hinang hina na hinayaan nya ang sariling dumausdos sa likod ng dahong pintuan habang nakasandal doon.
Napatitig sya sa malaking frame nito sa harap
ng pintuan. Nakangiti ito. . Para bang sya ang nginingitian.
"Isa kang lason na unti unting dumadaloy sa aking sistema zues. Hanggang sa ako ay mawalan ng lakas at tuluyang sakupin mo ang buo kung pagkatao."ang wika nya rito na para bang kaharap nya nga ang lalaki.
"Di ko kayang tanggapin na nahuhulog ang aking kaluoban sayo Zues. Sa araw araw na nasisilayan ko ang iyong mukha. Ang nangungusap mong mga tingin. Anu pa ang magagawa ko kung tuluyan ka ng nakapagkit sa puso ko. Pero anu nga ba ang tunay mong nararamdaman sa akin.? "Ang patuloy nyang kausap sa larawan nito.
"Pareho nman nating alam kung bakit ako narito. Iyon ay magpanggap na girlfriend mo hindi ang unti unting umasam na mahalin mo nga ako ng totoo. Sa malaon at madali malalaman mo rin ang katotohanan sa paghihiwalay nyo ni Glenda. "Aniya saka umalis sa pagkakasalampak sa sahig at muling tinungo ang kama.
Hinayaan nyang patihayang bumagsak ang katawan sa malaking bed saka napatitig sa kisame. Nalilito at naguguluhan na rin nman sya sa itinatakbo ng isipan . Di pa kasama ang puso nyang nagpupumiglas sa kanyang paninikil rito.
Nasa ganon syang posisyon ng unti unting hatakin ng antok at tuluyang makatulog ng mahimbing.

Umingit ng marahan ang pintuan ng silid na ginagamit ni Maita.
Gamit ang sariling susi ng silid. Pumasok si Zues ng walang ingay. Gusto nya lang eh check ang dalaga.
Di nya mapalis sa isipan ang poot na nakalarawan sa mukha ng dalaga sa kanya bago iniwan ito kanina .
Gusto nya lang sana itong sindakin ngunit napikon ata ito at tuluyang nagalit. Nagsisi sya sa ginawa rito.
Lumapit sya sa kama. Nakita nyang mahimbing ng natutulog ang dalaga. Nakatihaya ito at ang mga paa ay nakabitin sa gilid ng kama.
Napailing iling nyang inayos ang babae sa kama saka kinumutan. Bahagya iyong nagpalit ng posisyon. Humarap ito sa gawi nya. Nakalagay ang mga kamay sa gilid.
Napakaamo ng mukha nitong tingnan kapag tulog na. Para bang di makagagawa ng anumang hakbang na ikakasama nito.
Pinaglandas nyang mata sa buong mukha nito. simula sa kilay nitong inayos ng professional make up artist pababa sa pointed nose nito. Hanggang sa dumako ang kanyang tingin sa semi-pouted lips nito na bumagay sa dalaga.
Gusto nyang ikulong ang mukha nito sa dalawang palad. Paglandasin ang kanyang daliri sa buong mukha nito hanggang sa mapagkit ng kabuohan ng maganda nitong mukha sa isipan nya..
Napagpasyahan nyang umupo sa gilid ng bed kung saan naroon ang isang upuan malapit.
Bahagya syang napadukwang at matamang napatitig rito. Itinaas nya ang isang kamay pahaplos sa mukha nito ngunit nagdalawang isip sya. Nakabitin ang kamay nya sa ere. Pero sa huli pinili nyang haplusin ang mukha nito ng tuluyan.
Maingat nyang hinaplos ang pisngi ng dalaga na biglang napagalaw at napatihaya sa pagtulog. Kaya napagpasyahan nyang lumabas na lang ng silid baka kasi tuluyan itong makagising at makitang naroon sya baka bigla itong magalit at magwala.
Bago umalis napasulyap sya muli rito. Napatitig sya sa nakaawang nitong bibig. Di nya malaman kung bakit nya nailapit ang mukha sa dalaga. Pakiramdam nya nakakahalinang halikan ang labi nito. Na nanhihikayat nyang halikan at angkinin. Di nya nga napigil ang sariling sakupin ang labing iyon. Marahang idinampi ang labi sa malambot na labi ng dalaga saka bumulong.
"Have a good night sleep honey.... "aniya saka nakangiting nilisan ang silid at muli iyong inilock.
Past twelve na. Pagkatapos kasi nilang mag -usap kanina ni Maita niyaya nya ang amang samahan syang uminom. Ngunit di ito nagtagal kaya naiwan syang nag-iisa sa terrace nila. Nagtanong pa ito kung may problem ba daw sya kaya nagyayang makipag-inuman na agad nyang pinabulaanan. Sinabi nyang na miss nya lang ito.
Napailing iling na di naniniwala sya nitong iniwanan. Di sya kumibo kaya alam nyang di rin nman ito naniwala sa alibi na sinabi rito. Pagkalabas ng silid nya nagtuloy na sya sa guest room na pinagamit ng ina. Agad syang nagshower saka nagpalit ng damit pantulog. Ibinagsak nyang sarili pahiga sa kamang naroon at hinintay dalawin ng antok. Bago sya makatulog mukha ng dalaga ang nasa isipan. Kaya nakatulog sya ng may ngiti sa labi.

PAID TO SEDUCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon