Reasons

6 0 0
                                    

Fenry's POV

Siguro iniisip nila na masama ako,pero mas iniisip kong mabait ako dahil ginawa kong kaibigan ang isang mahinang gaya ni Gia,pero ang pinaka magandang bagay na nagawa ko ay ang pag-awayin sina Tamara at Gia. Siguro dahil ayon talaga ang bagay na gawin.. o dahil gusto kong makakita ng dugo.

Band member nga ako pero hindi dahil sa insidente kaya ako nandito,inabuso ko ang lahat ng mayroon ako noon. Akala ko nga lalayo sila ng lahat sakin,thankful naman ako na hindi nila yon ginawa.

Pero nagdesisyon akong gusto ko nalang makipag-away,masaktan o kaya ay pumatay,pero hindi naman talaga ang pag patay ang gusto ko sa loob nito kundi ang kalayaan na mayroon kami rito.

Nagagawa ko ang lahat ng gustuhin ko,kaya kong pumatay kahit kailan ko gusto,pero isipin mo 'yon! Kahit ilan na ang napatay ko dinadalaw parin ako ni Konsensiya,baka boring ang buhay ni Konsensiya kaya nya ako binibisita tuwing gabi.

Akala ko nga mamamatay na ako o kaya'y mababaliw,buti nalang hindi yon nangyari. Nakakatakot diba? Wala eh,medyo nasanay na rin akong magsinungaling at dalawin ni Konsensiya tuwing gabi.

Siguro kapag nasanay ka na rin hindi ka na kakabahan. Pero naalala ko yung sinabi nila sa akin dati "kahit ilang beses ka man makakita ng mga namamatay,hinding hindi ka masasanay" hanggang ngayon iniisip ko parin ang mga katagang 'yan...

~Chel~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 18, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KILL THIS LOVE:REALWhere stories live. Discover now