CHAPTER 18: PARK

24 3 0
                                        


Dara pov

Buti nalang weekend ngayon

Noong dumating si Ashley sa school biglang naging cold si Luhan. As in buong week siyang walang imik which is relly odd

I know there is a problem between Ashley and Luhan

Buong week kong inisip, di kaya dati silang magkaibigan, o si kaya..... Mag ex sila?

Ugh! Mababaliw ako kakaisip!

Alam kong nasasaktan silang dalawa dahil nakikita ko yun sa mga mata nila

Si Ash kahit ngumiti pa siya di maitatago ng mata niya ang nararamdaman niya

Si Chanyeol naman medyo nagiging close naman kami kahit papano

Makulit din pala yung mokong na yun. Akala ko kasi dati isa lang siyang mayangbang, sabagay mayabang din naman yun eh, pero in funny way

Pumunta ako sa kusina at kumain na. Pagkatapos kong kumain napagdesisyinan kong pumunta sa park. Tutal wala naman akong magawa sa bahay eh

Park na lagi naming pinupuntahan ng prinsipe ko

Pagkadating ko sa park meron akong nakitang familiar na lalaking nakaupo sa swing

Nakasandal ang ulo siya sa bakal ng swing, habang pinapaandar niya ito ng mahina gamit ang mga paa niya

"Chanyeol?" wika ko kaya napaharap ang lalaki

"oh Dara bakit nandito ka, sinusundan mo ba ko?" sabi ng mayabang na toh habang may nakakaasar na ngiti

"Hoy! Ang kapal ng mukha mo! Bakit bawal ba akong pumunta sa Park na toh? Bakit iyo ba ito?" sarkastiko kong sabi

"dami mo namang tinanong ko lang naman kung sinusundan mo ko, ang sagot lang naman ay oo at hindi. Umupo ka nga dito" iritang sabi nito

Sinunod ko naman ang sinabi niya at umupo ako sa isang swing

"bakit ka nandito?" mahinahong tanong niya

"bakit masama?" pagmamaldita ko

"tss tinatanong ka nang maayos tapos ganyan ang isasagot mo. Napaka maldita mo talaga noh" i chuckle by he said

"nakakabored po kasi sa bahay eh" pabiro kong wika

"eh ikaw bakit ka nandito" pabalik na tanong ko

"may na miss lang akong tao" sabi nito habang nakatingin sa malayo

"ahh ganun ba? May girlfriend ka na ba?" napatakip ako sa bibig ko nung nasabi ko yun

Napapikit ako ng madiin

Bakit ba lumabas sa labi ko yun

Di ko alam kung bakit ko nasabi yun

Dinilat ko ang mata ko at si Chanyeol ay nasa tapat na ng mukha ko

Konting konti lang yung pagitan namin as in KONTI

Di ko maigalaw ang katawan ko dahil isanh maling galaw ko lang mahahalikan niya ako

Napalunok ako ng madiin

"bakit? Gusto mo bang maging girlfrien ko?" sabi nito habang nakangisi

Di ko maialis ang mata ko sa mata niya

Ang ganda ng mga mata niya

Wala akong ibang naririnig kundi ang tibok ng puso ko, sobrang lakas ng tibok nito

Loving You MoWhere stories live. Discover now