"Leo, anong nangyayari?" Tanong ko habang nakatingin sa kanang pakpak ng aming barko na umuusok. Oo, may pakpak ang barko namin. Ang Argo II ay isang barkong pamhipapawid na may ulo ng metal na dragon sa unahan.
"May malakas na pwersa ang humihila sa ating pababa. Di na kinaya ng pakpak ng Argo II ang lakas." sabi ni Leo. Bilang Kapitan o Piloto o kahit na ano gusto nyong itawag sa driver ng barkong ito, kitang kita ko na nahihirapan na sya sa pagkontrol sa Argo II.
"Oy, Jason kaya mo bang utusan ang hangin para hindi tayo mahulog?." tanong ni Annabeth.
"Sinusubukan ko pero masyadong malakas ang pwersang humahatak satin." sagot ko.
"Hazel, Frank, Piper kunin nyo ang mga parachute para sa ating pito." sabi ni Percy. Kahit sa nakabingit na ang mga buhay namin sa kamatayan, kalmado parin siya. Kasing kalma ng dagat. Di na ko nagtataka, bilang anak ni Poseidon, isa yun sa mga katangian nila.
"May idea ka ba kung nasaan tayo?" tanong ko.
"Hindi ko alam ang eksakto nating lokasyon. Malawak na kalupaan ang nasa ilalim natin. Pero naaamoy ko ang dagat, mga ilang daang milya ang layo. Pasipiko. Asya. Madaming pulo. Arkipelago. Pilipinas." sabi ni Percy habang tila nagkokompyut sa kanyang utak. Para bang may Navigation compass na nalunok ang taong to sa galing nya sa pag-estimate ng lugar lalo na sa mga karagatan.
"Ow. Masyadong malayo sa New York." ani ko. Lumapit ako kay Leo na hirap na hirap i -maniubra ang steering wheel ng higanteng sasakyan namin. Sakto namang pagdating ni Piper na suot suot ang brown na backpack, ang parachute. Kahit na hindi pambabae ang disenyo ng bag, bagay na bagay pa rin sa kanya ang mga ito. Para syang model ng parachute.
Inabot sakin ni Piper ang hawak nyang bag sa kaliwa nyang kamay. "Guys, suotin nyo to, in case na -" nakita kong natumba si Piper.
"Piper! Frank! Anna -" sigaw ni Percy.
Author's Note: Nagustuhan niyo ba?? Hit vote and comment kayo kung astig. Itututuloy ko ang pagsusulat kung madaming nagagandahan at nahihiwagaan sa adventure na ito!! Thamks. God bless :)
JapeMeteor
***
"Hindi!" nagising ako,. Kinakabahan. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Paglingon ko, may mga maliliit na nilalang na nakatingin sakin na para bang ako ang ulam nila ngayong umaga.
"Mabuti naman at ika'y nagising na ginoo." sabi ng lalaking may pagka-raspy ang bose mala Aerosmith ang dating, naka-dreadlocks din sya, mukang matanda pero maliit sya para sa isang rakistang lolo. Kasing liit nya si Yoda ng Starwars.
"Nasaan ako? Sino - Ano ka? Nasaan ang mga kaibigan ko?" tanong ko.
"Ikaw ay nasa Adamya, ang kaharian ng tubig."
Adamya. Kaharian ng tubig. Isa ba to sa mga branches ng palasyo ni Poseidon? Isip-isip ko. Hindi padin ako makapaniwala sa nakikita ko, 4-footer na matatabang nilalang na may suot na malalaking helmet, at naglalakad na parang penguin.
"Ako si Imaw, ang Pinuno ng Adamya. Ang tatlo mong kasamahan ay wala pa ring ulirat." sabi ni lolo raker.
Tatlong kasamahan? Sa isip-isip ko. Lumingon ako sa kanan at nandun si Leo, Percy at Annabeth na feel na feel ang pagtulog. Hindi ko alam kung tumangkad ba sila o ano - hindi sila kasya sa mga kama nila. "Ahm. Mr. Imay -"
"Imaw!"
"Okay. Okay. Mr. Imaw nasaan ang iba ko pang kasama? Pito kami." tanong ko.
"Paumanhing ngunit wala din akong alam."
Bah! Ano bang nangyayari? Nasaan ang flying titanic namin? Nasaan sila Piper, Frank at Nico.
"Banak, Nakba inyong dalhin ang ating mga bisita sa bulwagan sa oras na sila'y magising." utos ni Imaw.
"Broo. Broo." sabi ng dalawang nilalang. Para silang kambal dahil parehong pareho ang kanilang suot at hugis ng katawan. Pero di ko din masabi kasi nga may helmet silang suot suot.
***
Tanghali na nang magising sila Percy, Leo at Annabeth. At inexplain ko sa kanila ang mga nakita ko pagising ko. Sinamahan naman kami nila Banak at Nakba sa pinakamataas na lugar sa kanila. Siguro ito na ang bulwagan. Maliliit ang bahay sa kaharian nila hanggang dibdib ko lang. Pero ang bulwagan ay lampas tao kaya di sumakit ang likod namin sa pagyuko.
"Okay. Wag tayong gagawa ng kahit na anong bagay na makakasanhi ng gulo." sabi ni Annabeth. "Ahm. Magandang araw po ginoong Imaw." kami ay nasa isang bilog na mesa, si Imaw ay nakaupo sa silya nya habang kami'y naka-Indian seat lang dahil di kami kasya sa upuan at masyado din mababa ang mesa para sa amin.
"Avisala." bati niya.
"Avi salad?" tanong ni Leo. Kahit ako ay nagtataka kung ano ba talaga ang sinabi ng Imaw na to.
"A-VI-SA-LA. Iyan ang aming pagbati dito sa Encantadia."
"Encantadia?" takang takang tanong ni Annabeth.
"Oo. Encantadia. Ang Encantadia ay isang kaharian na binubuo ang apat ng lugar. Ang Lireo - kaharian ng hangin. Ang Sapiro - kaharian ng lupa. Ang Hatoria - kaharian ng Apoy at Adamya - kaharian ng tubig."
"Hangin, lupa, apoy at tubig? Parang Zeus, Hades, Hephaestus at Poseidon?" sabi ko. At lahat sila'y tumingin sakin.
"Paumanhin. Pero hindi kita maunawaan." sambit ni Imaw. "Saglit lamang. Maaari ba kayong magpakilala. At ano ang inyong pakay dito sa Encantadia?"
Nagsalita si Percy, "Ako si Percy Jackson, anak ni Poseidon - ang diyos ng karagatan."
"Ako si Annabeth, anak ng dyosa ng karunungan - Athena."
"Ako naman si Leo Valdez, anak ni Hephaestus - dyos ng apoy at tagapanday ng mga dyos."
"At ako naman si Jason Grace, anak ng hari ng mga dyos, dyos ng langit - Jupiter." di ko alam kung naiinis ba o ano ang mga Adamyan sa pagpapakilala namin.
"Adnes nesa aduwa iva?" sabi ng isang babae na nakasout ng tila kulay lumot na damit. Muka syang dyosa at parang tubig dagat ang kulay ng mga mata.
"Avisala Sangre Alena!" sabi ng mga Adamyan.
Author's Note: Avisala!! Vote and comment kayo kung nagandahan kayo sa storya ko. Kayo ang magsasabi kung dapat ko pang ituloy ang story na to!! Hope you like it!!! Thanks. Godbless :D
JapeMeteor
BINABASA MO ANG
The Heroes of Olympus and the Kingdom of Encantadia
FantasyAvisala! Pitong Demigods. Apat na elemento. Isang kaharian. Isang mahabang paglalakbay. Anong mangyayari kina Jason Grace, Percy Jackson, Piper Mclean, Annabeth Chase, Hazel Lavesque, Frank Zhang at Leo Valdez sa panibagong mundo na kanilang napunta...