Nahihirapan na ako sa buhay ko... Palagi nalang akong umiiyak at nasasaktan sa mga sinasabi nila.
Gusto ko nang tumigil, gusto ko nang tumigil sa pag iiyak at gusto ko na ring mamanhid para 'di na 'ko masasaktan pa.
Si Van, siya nalang ang pag-asa at kakampi ko sa mga panahong 'to. Mahal na mahal ko siya at 'di ko siya kayang iwan!
Pero kailan? Kailan ba titigil ang lahat ng 'to?
Titigil lang ba ang lahat ng 'to kung... patay na ako?
xxx
"Hoy! Gillianne! Asan na ang pambayad para sa kuryente, tubig at tuition ni Alice?!" Yan agad ang pambungad ni mama pagkagising ko, hay.
"Ah, ma. May binigay naman po ako sa inyo kahapon ah? San po ba napunta 'yon?" Tanong ko.
"Wala na! Ubos na! Ang liit-liit lang kasi ng sweldo mo ipinagmamalaki mo pa!" Palagi nalang talaga ganito. Oo, sanay nako pero ang sakit parin na pagsalitaan ka ng ganito mismo ng mama mo.
"Sa makatapusan pa ang sweldo ko, ma. Pero sisikapin ko po para sa tuition ni Alice." Sabi ko. Except kay Van, mahal na mahal ko rin 'tong bunsong kapatid ko, si Alice. Kaya hanggat buhay pa 'ko sisikapin kung makatapos siya sa pag-aaral niya.
"Aba! Dapat lang! 'Wag kang tatanga-tanga Gillianne at wag ka ring madamot diyan sa sweldo mo!" Sabi ni mama at saka umalis na.
Hay, naghanda na ako pagkatapos ng scene namin kanina. Of course, morning rituals tapos kumain. Natapos na ako at lumabas na ng bahay.
xxx
'Di naman talaga sila ganyan sakin noon. Sa totoo lang masayang-masaya kami noon. Marami akong mga kaibigan at mga kapamilya na proud na proud sakin.
Pero nung nag graduate nako ng highschool sinabi nila sakin na gusto daw nila ako na mag Nursing pero ang gusto ko kasi mag teacher gusto ko mag take up ng Education. Pero sige, sinubukan ko ngang mag Nursing..
Pero wala e. Fail! Nag enroll uli ako pero this time Education na and this time I passed. I was so very proud of myself nung gumraduate na ako ng college.
But the other side, they were so very dissapointed. Nagtanim sila ng galit sa puso nila at ang galit na 'yon ay para sakin. Galit sila kasi hindi daw ako naging Nurse. Galit sila dahil hindi ko raw sinunod ang sinabi nila.
And then BOOM! everything was changed! 'Di na nila ako pinapansin, galit na galit na sila sa 'kin, lagi nila akong sinisigawan at lagi nila akong minumura.
Nasanay na ako na araw-araw nila akong ginaganyan. Pero hanggat sa makakaya ko tiniis ko lahat ng sakit, gabi-gabi nga akong umiiyak at wala man ni isa sa kanila ang nagpatahan sa 'kin. Tinatawanan lang nila ako. Palagi kong tinatawagan at kinakausap si Van tungkol dito pero puro tango lang siya. Hinahayaan ko nalang siya.
BINABASA MO ANG
Baby Don't Cry (Oneshot)
Teen Fiction"Pagod na ako kakaiyak, pagod na pagod na ako kasi palagi nalang akong nasasaktan. Gusto ko nang itigil ang lahat ng 'to! Pero paano?"