“Cha, ano na? Di ka pa ba uuwi?” tanong ng kaibigan kong si Gwyn.

Tumingin ako sa labas ng library, madilim na nga. Pero hanggang 8 pm pa naman ito and 6 pa lang kaya pwede pa akong mag stay para maghanap ng mga kailangan ko sa report ko sa monday.

“Mauna ka na Gwyn. Medyo marami pa akong kailangan iresearch eh.”

Nag alinlangan siyang tumingin sakin pero alam kong kailangan na niyang umalis dahil magkikita sila ng pinsan niya ngayon.

“Are you sure?” sabi niya tapos tumingin siya sa phone niya “Wala pa naman si Lou samahan muna kita.”

Ngumiti ako sa kanya to assure her na it's okay.

“No. Okay lang. Sige na. See you tomorrow. ”

Bumuntong hininga na lang siya bago tumayo at bumeso sa akin.

I spent another hour bago ko matapos lahat ng kailangan ko para sa report ko sa monday. Exactly 7:30 ako nagdecide lumabas sa library since 3 na lang yata kaming students doon plus the librarian.

Sa likod ako ng library dumaan dahil may shortcut doon papuntang 3rd gate kung saan may sakayan pauwi sa bahay namin.

Malapit na sana ako sa 3rd gate nang makarinig ako ng parang nabasag na bote sa gilid ng building ng mga Educ students. Kahit takot ay mas lumamang ang pagiging chismosa ko kaya lumakad ako papunta du’n at tinignan kung anong nangyari.

“Hello? May tao po ba dyan?” medyo malakas kong sabi.

Isang malaking bulto ng anino ang nakita ko bahagya itong nakalingon sa kinatatayuan ko.

‘Shet, ang creepy. ’ sabi ng subconscious ko.

“Hi, are you okay?” tanong ko ulit. Pilit nilalakasan ang loob.

“I’m not.” malaki at basag ang boses na sagot niya.

Maya maya ay unti unti siyang lumapit sakin kaya naman nakilala ko rin kung sino siya.

Rayden Merchall Bourne. Isa sa pinakasikat na lalaki sa batch namin dahil matalino, gwapo (dahil may lahi), at mabait (daw)

Nang makalapit siya ng tuluyan sakin ay tsaka ko lang nakita ng malinaw ang mukha niya. He looks very wasted. As in sabog sabog ang buhok, namumugto ang mga mata, at gwapo pa rin.

“Can you accompany me for a while?” rinig na rinig ang accent niyang tanong sakin.

Medyo nalito ako. Gabi na at paniguradong hahanapin na ko ako ni Kuya pero parang di ko naman kayang iwan ‘tong si Kuyang Hilaw at baka mamaya ay mag suicide pa ito.

“Itetext ko lang iyong kapatid ko.” mahinang paalam ko sa kanya.

Tumawa siya pero hindi umabot sa mata. He’s so fucking sad.

“Yeah sure.”

‘Kuya  Top, medyo malelate ako ng uwi. Don't worry. I'll be safe.’

Pagkasend ko ng text message sa kapatid ko ay sumunod ako kay Ray (yup that's his nickname). Di na ako nagtaka nu’ng makakita ako ng ilang bote ng alak.

‘Damn it. Tama ba 'tong ginagawa ko?’

“Don't worry wala akong gagawin sa'yo, Cha. I just need someone to talk to. At saktong ikaw yung dumaan.”

Nakita niya siguro yung pag alinlangan ko kaya niya sinabi yun. Nagkibit balikat na lang ako at umupo across him.

Nakasandal siya sa pader ng room habang ako sa pader ng railings.

DevastationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon