Hanggang dumating ang lunes di pa rin kami makapaniwala sa nabasa namin na pinsan ni Ray ang pinalit ni Mariel sa kanya. Paanong nangyari ang ganun?

“Cha, matagal ka pa?” nagulat ako sa katok sa pinto ni Kuya Gino.

Sasabay nga pala ako sa kanila ngayon dahil hindi pa rin nakukuha sa pagawaan yung sasakyan ko.

“I'm done Kuya. Wait lang.” sagot ko sabay kuha ng mga gamit ko.

“Okay, I'm gonna wait you downstairs.”

Chineck ko ulit yung mga gamit ko bago bumaba.

Doon nakita ko ang mga kapatid ko na ready na din umalis.

“Di ka magdadala sasakyan mo Kuya Charlie?” tanong ko sa isa ko pang kapatid.

“Nope. Tinatamad ako mag drive.” sagot nya kaya napatingin na lang ako sa Kuya Gino ko. Nagkibit balikat lang siya.

Kuya Gino and Kuya Charlie are twins. Sunod sila kay Ate Ella. Si Kuya Gino ay nagmemedicine sa University din kung saan ako nag aaral while Kuya Charlie is working as an IT expert sa isang sikat na company.

“Saan kita idadrop, bro?”

Nagtataka pa rin ako bakit di nagdala ng sasakyan today itong si Kuya Charlie. Sa pagkakaalam ko kasi ayaw nitong nag ko commute.

“Dyan lang sa bus stop.” simpleng sagot ni Kuya Charlie.

Napatingin ako sa kanya parang wala kasi sya sa mood ngayon. Sa amin kasing magkakapatid sya ang pinaka hyper kaya nagtataka ako bakit ganito siya ngayon.

“Stop looking at me, Cha.”

Nawala lang ako sa pag iisip ng kung anu ano nung sinabi ni Kuya Charlie yan ng hindi lumilingon sa akin. Siya kasi ang nakaupo sa shotgun seat.

“What's wrong Kuya?” di ko na napigilan itanong.

“Nothing's wrong baby.” sagot nya at ngumiti ng matamis sakin kaya sumilip yung dalawang dimples nya.

Sakto naman na hininto ni Kuya Gino ang sasakyan dahil nasa bus stop na kami. Tinapik nya sa braso si Kuya Gino tapos lumapit sakin at kiniss ako sa noo. Nang makababa si Kuya Charlie lumipat naman ako sa tabi ni Kuya Gino.

“Kuya, may problema si Kuya Charlie?” pangungulit ko pa sa kapatid ko.

“Nalaman niya na may iba na naman boyfriend yung crush niya.” napapailing na sagot ni Kuya.

“Anong problema dun? Crush lang naman pala niya. Gwapo naman ang Kuya Charlie maghanap na lang siyang bago.”

Tumatawang ipinark ni Kuya Gino ang sasakyan nang makarating kami sa University.

“Kasi baby ilang buwan na din pinopormahan ni Charlie yun. Akala niya okay na.”

Napa Oh ako sa sinabi ni Kuya Gino. Kawawa naman pala si Kuya Charlie ko.

“Sige na. Pumasok ka na. Malapit na mag start classes ko. Text me or Kuya Top pag magpapasundo ha?”

“Okay Kuya. Bye.” after ako ikiss sa noo ng kapatid ko ay umalis na sya.

Tinawagan ko sila Ash at Gwyn kung nasaan sila nasa bahay pa daw sila pareho. 9:30 pa lang kasi 11 am pa pasok namin sumabay lang ako sa kapatid ko kasi ayoko mag commute kaya napaaga ako.

Sinabihan naman ako nung dalawa na papasok na rin sila dahil alam nilang wala akong kasama.

I decided na pumunta muna ng cafeteria dahil hindi naman ako nakapag breakfast.

DevastationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon