Wala Kang Alam

59 4 0
                                    

Noong bata pa sila ni Jon, sila ay nag-iibigan. Maraming gabi sila'y naglalakad, nag-uusap sa kalsadang puno ng niyebe. Isang bagay na hindi na masyadong mahalaga ay naisip nila, at hindi sila nagsalita. At sa isang iglap, si Ygritte ay nagpakasal sa taong akala nya ay mahal nya. At si Jon naman ay lumayo, may hinanakit sa mga babae.

Kahapon, naglalakad si Ygritte sa Long Islands Park, nakita niya si Jon sa unang pagkakataon sa taon na ito.

"Jon Snow!" sabi niya.

Huminto siya. Hindi kagad siya nakilala, para sa kanya ay nagmukhang matanda si Ygritte.

"Ygritte! Saan ka nanggaling? "

Itinaas nya ang kanyang mukha, naghihintay ng isang halik sa pisngi, ngunit nilabas ni Jon ang kanyang kamay. Sa pagkadismaya ay inabot nya na lang ito.

"Nakatira ako sa New York ngayon" sinabi niya.

"Oh" - nakangiti nyang sinabi. Hanggang sa nilamon ng simangot ang kanyang ngiti.

"Laging napapaisip kung ano ng nangyari sa iyo, Jon."

"Isa na akong abogado."

"Kasal ka na ba?"

"Oo, dalawa na ang anak ko."

"Oh," sinabi niya na may halong gulat sa mukha.

Maraming tao ang naglalakad sa parke. Mga taong hindi nila kilala. Dapit hapon na, palubog na ang araw, malamig na rin ang simoy ng hangin.

"At ang iyong asawa?" Tinanong niya kay Jon.

"Tatlo na ang anak namin. Nagtatrabaho ako sa isang university sa Columbia, bursar ako dun."

"Mukha ka ng. . . "(nais niyang sabihin na nagmukha syang matanda)". . . oh, well." sabi niya.

Naintindihan nya ang gustong sabihin ni Jon. Sa ilalim ng mga puno sa parke na iyon, nakita niya ang kanyang sarili lubhang nagbabalik-tanaw sa nakaraan nila ni Jon. Mas mukha syang bata kay Jon noong nasa Ohio pa sila. Ngayon, nagiba na ang itsura nya at si Jon ay ganun pa rin.

"Nakatira kami sa Central Park West." sabi ni Ygritte. "Pumunta kayo samin kahit minsan."

"Sure!" Sagot ni Jon. "Dapat ay magsama ang pamilya nating dalawa sa isang dinner sa bahay namin, kahit kelan! Ikagagalak ni Lucille na makilala ka!" "Ganun ba?! Ngayon palang ay natutuwa na ako!" siya ay sumagot.

"Siguro ay matutuwa rin kung makikita mo ang mga anak ko." Ngumiti siya na tila abot hanggang tenga.

Biglang nagsiliwanag na ang mga ilaw sa kahabaan ng Fifth Avenue, palamig ng palamig ang simoy ng hangin.

"Nandyan na ang bus na sasakyan ko pauwi." sambit ni Ygritte.

Iniabot nya ang kanyang kamay kay Jon sabay sabi ng, "Good-bye!"

"Kelan. . . " Nais niyang ituloy ang kanyang sasabihin, ngunit ang mga bus ay handa ng umalis. Ang mga ilaw sa kalye ay unti-unting lumalabo, at pawala ng pawala. At siya ay natatakot na buksan ang kanyang bibig pagpasok nya sa bus. Natatakot din sya na kung ano pa ang lumabas sa kanyang bibig..

Biglang siyang sumigaw ng malakas. "Good-bye Jon Snow!" Ngunit ang pinto ng bus ay sarado na.

Umandar na ang bus. Hindi na narinig ni Jon ang kaniyang sinabi. Ang mga tao sa labas ay naglalakad sa pagitan ng kanilang paningin, tumatawid ng kalye, mga taong hindi nila kilala. Hanggang sa nawala na sa paningin nya si Jon. Bigla nyang naalala na nakalimutan nyang ibigay ang kanyang address, o tanungin kung saan na sya nakatira ngayon, o sabihin sa kanya na ang kanyang bunsong anak na lalaki ay pinangalanan nyang "Jon". Naiyak sya sa pagkadismaya, habang sya ay nasa bus wala syang ibang binabanggit kundi, "You know nothing, Jon Snow. (I love you, Jon Snow.)"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wala Kang AlamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon