++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Nung nauso yung Adventure Time na cartoons, ginanahan kaming gumawa ng sarili naming adventure-adventuran kuno at dahil mahilig ako sa aso syempre ako na yung gumanap bilang si Jake the dog at si Lance naman si Finn the human :)
"Ate Sai tara Adventure tayo!"
"Ano nanaman bang kalokohan yang naiisip mo?"
" hmmmm.. wala naman aakyat lang nan tayo ng puno tapos tatalon pababa at dahil nakakasawa kapag inulit iba naman gawin natin..."
"ahhmmm.. sige payag ako pagtapos dun sa puno gumawa tayo ng..."
"baril-barilan! yung gawa sa papel."
"psh! ang old class mo naman! gahawa nalang din tayo edi lubos-lubusin na natin."
at ayun nga ginawa namin ang pag akyat sa puno at pag talon sa baba, pag akyat ulit sa puno at pagtalon sa baba.. pagkatapos nun naghanap kami ng dalawang used na kahoy tapos ikinorte namin yun na parang baril tapos nag collect kami ng mga rubber bands tapos nilagay dun sa
dulo nung baril tapos yung kabilang dulo ay dun sa pako na napipindot kapag pinindot mo yung pako na may na attach na maliit na kahoy ay tatalsik na yung rubber band at yun ang magsisilbing bala nung baril.
"Ate Sai anong gagawin mo kapag nawala bigla yung mga tao?"
"Mga tao lang? dapat tumigil din yung oras, yung parang na-freeze."
"Oo nga no?! tapos tayong dalawa nalang yung natira... ang saya nun party party tayo! ate sai!"
"Mag-aaral akong mag drive ng kotse, tapos pupunta tayi sa mall tapos mag Arcade tayo.. play all you can!"
"haha tapos kapag nagutom tayo kuha nalang tayo ng gusto natin dun no? hahha"
At syempre isa nanaman yan sa mga daydreams namin.
Kung titignan kami parang hindi kami bagay na magkalaro dahil unfortunately ako ay 13 years old na at that time tapos si Lance 9 years old palang. Dahil ang alam nila magkaiba na kami ng state o kalagayan..ahhm yung pag-iisip ba or yung mga gusto. Pero yun lang ang alam nila.. tsk Hanggang doon lang.
+++
Nasubukan ko narin nga na maghanap ng babaeng bestfriend tapos kasing edad ko lang. Pero wala eh hindi nag click, hindi umubra, bukod sa sakanya ko pa mas naranasan yung pagkakaiba tulad ng likes and dislikes eh mas nauna pa ata syang naging dalaga kesa sakin, kaya sa huli si Lance parin yung BESTFRIEND ko. pssh I don't even need a Girl-Bestfriend.
pero naaalala ko pa.. nung time na may sumubok na manligaw sakin...
habang busy kami sa paglalaro ni Lance biglang may lumapit sakin at kinausap ako...
"Sai..."
"oh?"
"ahhh...ano..kasi pwede bang manligaw?"
"SYEMPRE!!... HINDI!"
"ano? Bakit? sige na pumayag ka na!"
"Narinig mo si Ate Sai diba? Hindi daw! H-I-N-D-I.. o baka naman bingi ka? gusto mo ispell ko pa?!"
" Tama na yan Lance.. Tandaan mo wag makikipag usap sa mga Mahihina pumick-up.. nakakahawa yun.. kaya tara na umuwi nalang tayo."
"tsss panira naman ohh! naglalaro pa kasi tayo ehh"
tapos nun habang papalayo na kami nakita ko si Lance na dinilaan pa yung lalaki, hindi ko na nga rin matandaan pangalan nun eh.
kinabukasan nung mga hapon..
"Ate Sai sabi ni mama uuwi na daw kami sa probinsya namin sa December :("
"Ayy ganon.. mawawalan na pala ako ng kalaro :("
"ok lang yan Bespren naman tayo eh ^oo^ "
"haha ganon? dapat walang kalimutan ahh?"
"Oo ba, aabi sakin ni mama dun na din daw kami mag-aaral pero promise lapag graduate na ko tapos may trabaho nako hahanapin kita ^_^"
"Okay sabi mo eh :) eh pano yun baka di na kami nakatira dito tapos malalaki na tayo edi di mo na makikilala muka ko?"
"tss Ate Sai naman ehh.. anong silbi ng Facebook diba?"
"haha sige, ngayon mas matangkad pa ako sayo tapos pagnagkita ulit tayo mas matangkad ka na sakin"
"syempre lalaki ako no! pero kapag nagkita ulit tayo reregaluhan kita ng Aston Martin na favorite sports car mo :)"
"haha mayayaman na tayo nun, tapos yung mga buisness natin pwedeng pagsamahim tapos magiging sobrang yaman na natin!"
"Talaga! tapos magiging sikat tayo dahil tayo ang magiging pinaka mayamang mag Bestfriend sa buong mundo"
"Promise yan ah?!"
"Oo naman tayo pa!"
pagkatapos ay ginawa namin yung hand shake namin at nag pingky promise at pagtapos nag batukan ti seal our deal and promise.
"Please fasten your seatbelts, we are now taking off at the NAIA International Airport"
haha tama na ang pagbabaliktanaw..maiwan pa ako dito sa airplane. .
++++++++++
Nakababa na ako sa eroplanong sinakyan ko at pauwi na ako sa bahay pero parang may gusto akong puntahan.
"Miss Sai diretso na pi ba tayo sa bahay nyo?"
"Aaahh manong gaan po muna tayo dun sa bahay namin dati."
"Ok po Miss"
.............
Ang.... ang tagal na..
hahaha madaming taon na ang naka lipas at ngayon...
nandito ulit ako..
nandito ulit ako sa lugar kung aaan 'Kami' lumaki.
nakakamiss yung dati.
"Ang dami nang pinagbago dito after ilang taon no?"
"Oo nga..... Teka bakit ka nandito? Diba kausap mo yung isa nating client?"
"Ahh yun ba? kahapon siya nakipag meet sa akin, may gagawin daw kasi siya ngayon."
" Oh I see... Nga pala umuwi ako dito sa Pilipinas para sunduin ka tsaka kunin yung mga papers, bukas kasi kailangan na nating bumalik sa London para sa meeting at Welcome party para sa atin."
"Sige pag-usapan natin yan mamaya Ate, but for now bilang mas nakakaTANGKAD sayo..."
"SIRA TUKTOK!"
"hehe... magpahinga muna tayo..."
"eh pano yung---"
"sige na pleaseeee!"
"tsk sige na nga."
"haha! ehem ehem... Ate Sai! Laro tayo!" ^_^
"Ang tanda na natin pero... sige! tagal narin simula noon eh namiss ko to!"
"Yeah! Let's Goooo!"
sa huli magBESPREN parin kami pero hindi lang Bespren kundi ang Pinaka mayamang magBESTFRIEND sa buong mundo.
"Ako nga pala si Saiya Mei Lares"
"At ako naman si Lance Tim Sarga"
"At eto ang Storya Namin."
but who knows? maybe this is not the end.. but for now.. we will enjoy this another chance to look back.. at the time where our genders and age Don't matters :)
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++%%%%%%%%%%%%%%%%
^^OO^^
**
bluetoonie
2014