Andito ako ngayon sa unit ko. Naghahanda papunta sa Bar na usapan namen ng mga tropa ko. Maghahanap na naman ako ng Flavor of the night.
Kilala ako bilang Playboy.
Cold-Hearted na Playboy to be exact.Wala akong pakialam kung umiyak ang mga babae sa harap ko. Wala eh. Ganon talaga ako. Pero kahit Playboy ako, tumitikim ng iba't-ibang flavor, nag-iingat paden ako.
Andito na ko sa Bar. As usual, madami na namang sumalubong saken. Pero dahil wala pa ko sa mood, ignore muna. Papainit muna ko.
Kinabukasan. . .
Nagising ako sa isang kama katabi ang isang babaeng nakasama ko kagabi. Tinignan ko siya. Napangiti ako. Magaling siya. Panibagong lasa na naman.
Nagbihis nako at umalis na sa hotel.
Ganon naman ang routine ko lagi.
Flirt-Hotel-Alis . Sanay nako dun. Sanay nadin sila dun.
Pag-uwi ko sa unit ko. Pumasok na ko sa loob at nagpahinga. Pagod pa ko. Bukas na lang ako papasok sa trabaho ko. Tama. May trabaho ako. Sa trabaho ko, ako ang Presidente. Nakakastress ang trabaho ko kaya pwede naman na kahit minsan magpakasaya ako diba?. Wala akong pinagsasabihan na ganon ang trabaho ko maliban sa mga kaibigan ko.
Lumipas ang mga araw. Naging busy ako sa trabaho ko. Pauwi na ko galing trabaho ngayon. Nang makarating ako sa unit ko, humiga na ako agad at pumikit. Wala pang isang minutong pagkakapikit ko, tumunog ang doorbell ng unit ko. Kahit na tinatamad akong buksan yun, tila yung paa ko mismo ang kusang gumalaw para pumunta sa pintuan. Binuksan ko ito at nagulat ako sa nakita ko.
Isang bata. NO. Isang Baby!
Isang Baby na nakalagay sa basket.
Kinuha ko ito at binasa ang sulat na nakalagay sa loob ng basket kasama ng baby.
Kiel, Anak mo to! Hindi ko sya kayang alagaan. Alam ko na sayo magiging maganda ang buhay niya. Please! Mahalin mo siya. Kieffer. Kieffer Kiel ang pangalan niya.
Dun na natapos ang sulat. Nawala lahat ng antok at pagod ko ng nabasa ko yun. Tinignan ko yung baby sa basket. Payapa itong natutulog. Pinasok ko siya sa loob ng unit. Lalaki. Lalaki ang batang ito ayon sa pangalan na nakalagay sa sulat.
Ano ng gagawin ko? Wala akong alam sa pag-aalaga ng bata.
Tinawagan ko yung mga kaibigan ko. Dumating naman sila agad.
"Ano tol? Tatay kana!Haha." pang-aasar saken ni Mark.
"Kiel, kamukhang-kamukha mo to. CONFiRM! Daddy ka na nga!" dagdag pa ni Christian.
"Ano na plano mo ngayon tol?" tanong saken ni Timothy.
"Ewan ko. Diko alam tol. Hindi padin ako makapaniwala sa nangyayari. Pano ko to bubuhayin? Eh hindi ako marunong sa mga gantong bagay."