Matagal ko ng hindi nakikita ang litrato na yun. Mula nung nawala siya. Mula nung iniwan niya ko.
Matagal bago ko makalimutan ang mga salitang nakapanlumo at nakapanghina sa akin.
HINDI NA KITA MAHAL KIEL. MAY IBA NA KONG GUSTO. NAGSASAWA NA AKO SAYO.
Huling salitang binitawan niya bago siya umalis at hindi na magpakita pang muli.
Siya ang naging dahilan kung bakit ako naging Playboy at Cold-Hearted. Mula ng iwan niya ko ng basta basta, namanhid na ko. Wala nakong maramdaman. Sobrang nasaktan ako kase sobrang mahal ko siya.
At ngayon, nalaman ko na siya ang ina ng anak ko. Naghalo-halo ang mga emosyon ko. Hindi pala. Parang naglaho lahat ng galit ko sa kanya at gusto ko na lang na makita siya ulit.
Pagdating namen sa bahay. Nadatnan namen si Ate Cindy na pinapatulog si Baby Kieffer.
"Salamat po Ate Cindy sa pag-aalaga kay Kieffer ah. Sige po. Ako na pong bahala dito. Lumalalim na ang gabi." sabi ko.
"Ok lang yun noh?. Parang kapatid naden ang turing ko sayo eh. Hehe. Sige. Mauuna na kame." -Ate Cindy
"Tol. una na kame . Huwag mo masyado isipin yun ah." -Timothy
"Oo nga. Baka mahalata ng anak mo na iniisip mo Mama niya tapos hindi rin makatulog.Haha." -Mark
"Balik na lang kame bukas tol" -Christian
Tumango lang ako at tuluyan na silang umalis sa unit ko. Karga ko ngayon si Baby Kieffer. Payapa siyang natutulog sa bisig ko. Pinagmasdan ko siya. Napangiti ako bigla. Naaalala ko sa kanya ang features ng mukha niya. Narealize ko na Mahal ko pa talaga siya at sigurado din ako na siya nga ang mama ni Kieffer.
Kinabukasan ....
Naisipan kong paarawan si Baby Kieffer. Sabi ni Ate Cindy mga nasa 10 months na daw si Baby Kieffer. Dahil wala naman nakalagay sa letter kung ilang buwan na sya at kelan ang birthday niya, tantsa lang niya yun.
Andito kame sa park malapit lang sa unit ko. Madami ng naglalarong bata, Sunday kase ngayon. Naalala ko tuloy, sa isang park ko din siya unang nakita at nakilala.
4th year high school ako nun. Nakita ko siya sa ilalim ng puno. Naka-headset at nakapikit. Dun ko siya unang natitigan. Yung maamo niyang mukha.
Napatingin ako kay Baby Kieffer na nakatingin pala sakin sabay humalakhak. Napatawa din ako. Nang biglang may nakita akong pamilyar na babae.
Hindi ako maaaring magkamali. Siya yun! Yung babaeng matagal ko ng hindi nakita. Yung babaeng sobrang namiss ko. Ang First Love ko, si Annaliese.
Parehas ng senaryo, sa ilalim ng puno, nakapikit, ang pinagkaiba lang wala siyang suot na headset ngayon. Pumayat din sya di tulad ng dati na mejo may laman pa siya. Maganda paden sya, walang duda yun. Habang pinagmamasdan ko siya si Baby Kieffer biglang humalakhak kaya ayun nagising siya.
Nagulat pa siya nung nakita niya kame. Nanlaki ang mata niya at tila na-stroke siya dun.
Niyakap ko siya bigla. Sobrang higpit. Yung yakap na nagsasabing Hindi na kita papakawalan pa.
"Ki-Kiel?" sabi nya at niyakap din ako.
Annaliese's POV
"Ki-Kiel?" sabi ko sabay yakap din sa kanya. Yung mahigpit.
Nung maghiwalay na kame sa pagkakayakap ay kinabig niya ko at inabot ang labi ko. Saglit lang yun pero punong-puno ng pagmamahal. Namiss ko siya. Sobrang namiss ko siya.
May dahilan ako kung bakit ko siya iniwan dati. Kung bakit sinabe ko sa kanya yung mga masasakit na salitang yun. Ayaw kong gawin pero kailangan. May sakit ako, sakit sa puso. Kailangan kong pumunta sa ibang bansa para dun magpa-opera. Ayokong umasa si Kiel na babalik pa ko kase sabi ng doctor 50/50 lang ang chance na magiging successful ang operasyon. Kaya mas pinili kong kamuhian niya ko.
Nung araw na sinabe ko kay Kiel yung masasakit na salitang yun, yun din yung araw ng alis namin. Nagdadalawang-isip pako nun kung aalis ako. Parang gusto kong bumalik kay Kiel at bawiin lahat ng sinabi ko. Sabihing mahal na mahal ko siya at magpaalam na lang ng maayos pero pinigilan ko paden ang sarili ko.
Naging maayos ang operasyon ko. Sobrang laki ng pasasalamat ko sa Diyos nun. Habang nagpapahinga ako dahil sa kakatapos na operasyon, nalaman ko na nagdadalang-tao ako.
Si Kiel ang ama nun sigurado ako.
Bumalik kame sa Pilipinas nung 3 months na kong buntis. Nais ko sanang magpakita at sabihin kay Kiel ang balita ngunit naisip ko na isinusumpa niya na ko ngayon.
Nakita ko si Kiel. Iba na siya. Yung mata niya na kung tumingin dati ay nakakapanlaglag panty sa mga babae, ngayon ay punong-puno ng coldness at playboy na din. Kaya napagdesisyunan ko na wag na lang magpakita sa kanya.
Hanggang sa ipinanganak ko na si Baby Kieffer. Nung una, ok pa. Kaya ko pa siya alagaan at buhayin. Pero di nagtagal namatay si Mama. Ang kaisa-isang karamay ko nawala pa. Hanggang sa naging desperado ako. Kahit wag na lang ako, kahit anak lang niya tanggapin niya, ok na saken yun.
Dahil nga stalker niya ko dati nung buntis pa ako. Alam ko yung unit number niya. May napakiusapan naman ako na ihatid dun si Baby Kieffer. Alam ko na kakarating lang niya galing trabaho, sinakto ko talaga yun.
Naging masaya na ko nung nakikita ko kahit sa malayo lang na minamahal niya ang anak namin. Pero hindi ko akalain na may mas sasaya pa dun.
Yun ang malaman mo na masaya din siya na makita at makasama kang muli.
~The End