SZ1

6 0 0
                                    

"OMG! Ali si Azi!" Sigaw nang bruha kong bestfriend na si Charity Perez. Hindi ko siya pinansin. Alam ko namang niloloko niya nanaman ako. Ilang beses niya na akong biniro na nandito nga si Azi sa mall, dalawa? tatlo? apat? naniwala ako nung una kahit alam kong bihira pa sa bihira na magpupunta nang mall ang isang tulad niya. Pero siyempre naniwala ako, bakit hindi malay ko bang sa bihira na yun e' swerte ang araw na ito sa akin at makikita ko siya dito. Inikot ko pataas ang mata ko at sumipsip sa kapeng in-order ko.

"Totoo na to best!" Pilit niya pa hindi inaalis ang tingin sa likod ko. Tss as if namang maniniwala pa ako. Ilang beses na ba akong nagmukhang tanga kaka-linga kanina para lang malaman na nagjo-joke lang siya.

"Totoo ring sasapakin na kita. Hindi mo na ako maloloko cha, so stop it" Walang emosyong sabi ko. Tinignan ko si Yna sa tabi niya.Tahimik lang siyang nagbabasa nang libro katabi ni Charity. Madalas may sarili siyang mundo kasama ang libro niya at tahimik lang din siya hindi katulad ni Cha na sobrang ingay.

Magkakaibigan kaming tatlo simula highschool at napag-disyunan naming parehas na Unibersidad ang pasukin pagdating nang kolehiyo.

"Anong binabasa mo Yna?" Siya na lang ang kakausapin ko kesa sa katabi niyang walang ginawa kung hindi asarin ako kay azi. Itinaas niya ang librong hawak niya. Napasinghap ako sa nabasa kong title nang librong hawak niya "Dead to the World" ni Charlaine Harris. Mahilid din ako magbasa nang libro pero tungkol iyon sa mga lovestory hindi vampires.

"Ali malapit na siya. Pupunta ata siya dito, dali mag-ayos ka!" Nakita ko ang pagkunot nang noo ni Yna at ang pagtaas niya nang tingin sa tinitignan ni Cha, lalong kumunot ang noo niya at pati ako napakunot-noo.

"Stop that Cha. Ang gulo mo sa tabi ni Yna nagbabasa siya nang libro" Nalipat sa akin ang tingin ni Yna at tinaasan ako nang kilay. May sinabi ba akong mali? Hindi ako pinansin ni Cha panay pa rin ang tingin niya sa likod ko.

"Sino na naman yang kasama niya?" Kung hindi ko lang alam na nagbibiro lang si Cha kanina pa ako lumingon para tignan ang sinasabi niya. But I know better, I won't give her a satisfaction. Tatawanan niya nanaman ako pag nahulog ako sa patibong niya.

"Hi Azi!" Bati niya sa likod ko. Pina-ikot ko ulit pataas ang mga mata ko. "Hay Cha tigilan mo na nga yan, hindi na ako maniniwala" Sabi ko sa kanya pero ang bruha hindi manlang ako tinignan, nakangiti pa na parang baliw.

"Si kuya mo?" Tanong nang isang boses sa likod ko. A familiar voice. That oh-so-damn-hot-voice. Hindiko alam kung lilingon ba ako para siguraduhin ang hinala ko o mananatili nalang sa inuupuan ko. Tumayo ang balahibo ko nang maramdaman kong malapit lang siya sa akin.

"Kasama ang varsity e" Pinanlakihan ko nang mata si Cha. Si Yna naman ay walang paki-alam na pinagpatuloy ang binabasa. Anu ba yan! kung kelan nag-give up na ako saka naman nagkatotoo ang sinasabi ni Charity kanina! Hindi ko alam kung anong itsura ko pero nakita kong may namumuong ngiti sa mukha ni Yna, hindi pa rin ako tinitignan ni Cha.

Hindi pa rin ako makagalaw. Para na akong matatae sa kabang nararamdaman ko. Ngiting Ngiti pa rin si Cha at sumulyap sa akin. Nakangisi na ngayon si Yna. What to do, what to do? Dahil sa pagpa-panic ko nakita ko si Charity na tumingin sa akin at itinuro ako.

"Ah Azi si Ali" Nanlalaki ang mga mata ko at mas lalong nagpanic sa ginawa ni Charity. Ano ba naman tong babaeng to. Para na akong mai-ihi sa upuan ko.

"Si Liz" nangunot ang noo ko sa sinabi ni Azi. May kasama nga siya? Narinig ko ang tunog ng takong na siguradong lumapit sa kanya at ang pagbati nang isang mahinhing boses sa likod ko. "Una na kami" Hindi ko na nagawang lumingon sa kanya, parang nawala lahat nang kabang naramdaman ko kanina. Nanghina ako. Sino yun? Flavor of the month niya?. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SnobZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon