Woo! Ansaya ng bertday ko na 'to! So ito diary na 'tonyung gift sakin ni Tita Rose. Hahaha.
Kung mababasa mo ito tita. Thank you ah! Yeah! \m/
So ito kakagising ko lang. Inaantok pa ako. Wait. May text ako.
Kay Nhicole galing, alam niya kayang crush ko siya? Manhid kasi ng 'baeng yon.
Hindi pa marunong magspell ng tama yung nanay. Tsk tsk.
Pupunta kami sa MOA ngayon. hehe. May Krispy Kreme nanaman ako.
--- March 4 2006 --- 11:36 pm ---
Ngayon ko lang naisipang maglagay ng oras. Haaaaay.
Kakauwi lang namin galing sa MOA! Langyatalaga. Hindi kami nakabili ng KK.
Naliligo pa si ate. Dito pa sa banyo ko! Kainis!
Ayan na. Lumabas na siya, ligo muna ako. Pause lang muna. Pause.
--- March 5 2006 --- 7:26 pm ---
Multitasking ako ngayon, nag-aasayment, nagsusulat ng entry dito, kumakain.
Ano ba 'tong mga asayment ko, puro kailangan ng net.
On ko lang muna yung DSL.
--- March 5 2006 --- 7:39 pm ---
Napasabay pa ng pagkain ng skyflakes haha. Nainggit kay ate.
Ayan na-on ko na hahahahaha. Gawin ko na nga ito! Mamaya na 'tong diary.
--- March 5 2006 --- 7:42 pm ---
O diba? 3 minutes lang. xD
Hindi ko pa tapos, nawalan lang ako ng gana kasi nag-off yung net.
Not connected yung wireless network. Anyare? Check ko muna.
Ayun, naka-off, tinanong ko kung ginalaw nila, walang um-oo.
In-on ko nalang ulit, asayment na ulit ako! HAHAHA.
--- March 5 2006 --- 7:45 pm ---
Nawala ulit yung net, siraulo 'tong mga...
--- March 7 2006 --- 5:26 pm ---
Isang araw ko pala itong hindi nagalaw. Nakita ko lang sa ilalim ng unan.
Hindi ko pa pala nakekwento, nung last kong entry, anim na beses pang namatay yung net.
Wala paring sumagot ng oo tapos tinapos ko nalang asayment ko ng mabilis.
Hindi ko na yun pinansin, pero hindi ko parin makalimutan, hindi ko maintindihan.
Sige, maghanda pa ako ng merienda.
--- March 9 2006 --- 10:21 pm ---
Walang asayment! Nag-PS2 lang ako pag-uwi! \m/
Ayon nagsusulat lang ako ngayon.
@$#%! Kumalabog yung pintuan ng cabinet ko!
Kinkilabutan ako. Hindi lang siya simpleng pagbukas, para siyang sinipang pinto.
Grabe, matutulog na ko, ayoko na magpuyat.
--- March 10 2006 --- 9:12 am ---
HAMBORING NG KLASE! Kunyari nalang kumukopya ako, nasa labas naman si Mam e.
Hayyy. Naalala ko nanaman yung nangyari kagabi, bakit kaya yun bumukas?
Malapit na magbell! Ayan naaaa! MALAPIT NAAAA!
MaGin gaT a sa asamienqas HUmANFDA ka nfae3 IWAsaeq n a MoU ANQ akf i
--- March 10 2006 --- 10:04 am ---
BINABASA MO ANG
Poltergeist
HorrorMulto. Madaming klase ng multo. E yung hindi nakikita? Nagpaparamdam lang? Anong klaseng multo to?