Nang ako ay isinilang na marikit,
Ngalan ng ama't ina ay pinagdikit.
Prinsesa Azizah kung ako'y iturin,
Alaga'y diyamante kung mumunihin.
Isang munting kulisap ay narinig ko,
Hanapin si Lakan ang binulong nito.
Pag-ibig na tapat ang aalay sa'yo,
Mahanap ka lamang, ang laman ng puso.
Pag-ibig sa'yo mahal ang aking hangad
kung tantuin ito'y walang katulad.
Ang pagmamahal ko sa iyo ay wagas,
Mangyari man huwag mauwi sa wakas.
Mabigo man ako sa aking pangarap,
Tatayo ako muli't muli sa harap.
Hirap ng paghanap hindi isisisi,
Mahanap ka lamang ang pusong susi.
Oh, ginigiliw kong aking nasilaw,
Selos ang nadama ng ika'y natanaw.
Kasa-kasama mo siyang iyong sinta,
Nadurog baga ang pusong napakanta.
Ang mga mata mo tila kumikislap,
Dama'y saya para akong nasa ulap.
Ako ay totoong iyong nabighani,
Pagmamahal ko'y walang halong kawani.
BINABASA MO ANG
Prinsipe
PoetryLimang saknong tula tungkol sa iniirog ng isang babae. Tagalog na tula na may tugma. (Check it out)