Chapter 37 - Flashback Friday

1.5K 37 0
                                    

Parang ang bilis bilis ng mga pangyayari. Nung dati lang, masaya akong nakikipaglandian kay Sky sa Paris. Naalala nyo yun? Bigla ko kasing naalala. Ewan ko din. Alam nyo yung sabi nila, na kapag time mo ng mamatay, biglang magpaflashback sayo yung buong buhay mo. Or yung mga masasayang alala na nangyari sa buhay mo. Kung napanood nyo yung Armaggedon, yung time na mamamatay na si Bruce Willis, naalala nya yung anak nya.. (Favorite ko kasi yun. Haha.) Ganun yung nangyayari sakin ngayon. Not that I’m saying na mamamatay na ako ha (knock on wood). Nung narinig ko kasi na may sakit ako, parang lahat ng masasayang nangyari sa buhay ko biglang nagplay sa utak ko.

Naalala ko nung bata ako, favorite ako ng lahat ng tao. Tuwang tuwa sila sa akin kasi ang cute cute ko daw. Super adorable, yan ang describe sakin ng mga kamag anak namin. Paano naman daw kasi, lahat ng ipagawa nila, ginagawa ko. Para daw akong laruan. Sobrang masiyahin, pala sayaw at pala kanta. Paborito ko pa nun kantahin sa mga family gathering yung kanta sa Casper, yung Remember me this way. Oo, kumakanta ako. Kung hindi ako naging arkitekto, malamang singer ako ngayon.

Alam nyo ba na dati, may kumukuha sa akin na maging recording artist? Nagbakasyon lang kami nun dito sa Manila, eh yung tita ko parang sa isang malaking recording company sya nagwowork. Hindi lang ako pinayagan ni dad kasi nga ayaw nya na maiwan ako dito kasi yun yung time na sa London na kami titira. Sayang noh, siguro kung naging artista ako, sana kami ngayon ni Sky ang magkaloveteam. Nasan kaya yung tita ko na nagwowork sa recording company? Baka pwede na ako ngayon mag artista! Lol. Ay, hindi din pala. Hindi na nga pala pwede lalo. Kasi may sakit nga pala ako. Sigh.

Naalala ko din pala yung time na naging kami nung ex ko, si Tyler. Kilala nyo na un diba? Simula nung bumalik ako dito, hindi ko pa sya ulit nakikita. Actually, simula nun naghiwalay kami, wala na akong narinig sa kanya eh. Kamusta na kaya sya? Ang dami din naming masasayang memories nun ah. Kaya nasaktan talaga ako nung naghiwalay kami. Niloko kasi nya ako. Pero kahit na ganun, masaya pa din ako na naging parte sya ng buhay ko. Madami akong natutunan sa kanya. Lalo na at sa kanya ko natutong magmahal. Naks. Sana magkaroon ng time na magkita kami para man lang magkaroon ng closure yung mga nangyari samin.

Pagkatapos ni Tyler, dun ko nakilala si Sky. The ever famous, Shane Keann Yap. Ang pinakagwapo sa lahat ng gwapo na nakilala ko. Ang lalaking muling bumuhay sa sawi kong puso. The guy who captured my heart. Nung naging kami ni Sky, sinabi ko sa sarili ko na sana sya na ang huling lalaking mamahalin ko. Sya kasi ang nagparamdam sa akin na ako ang pinaka importanteng babae sa buhay nya, na ako ang pinakamaganda at ako lang ang mahal nya. Mahal na mahal ko yung taong yun, alam nyo ba? Siguro nga nung bumagyo ng kasweetan, nasa VIP din sya. Ganun sya kasweet. Naalala nyo naman siguro yung mga pakana nya diba? Mga makalaglag panty na paeskembot nya. Sino naman kasing hindi maiinlove sa ganun. Hay. Kaso wala eh. Iniwan din ako. Pagkatapos akong painlove-in ng sobra sobra, ayun, narealize nya na iba pala ang mahal nya. Saklap, mehn.

Bakit kaya ganun sila? One day, mahal na mahal ka nila. F n F mo yung mga ginagawa nila para sayo. Tapos the next day, wala na. Para ka lang nanaginip, tapos bilang naalimpungatan. Wala na, hindi ka na pala nila mahal. Sakit. Pero mas masakit yung malaman na magkakaroon sana kayo ng anak. Yung akala mo bunga ng pagmamahalan nyong dalawa. Yung nagiisang proof na nagmamahalan kayo. Eh kasooo.. Wala! Ayun, nawala din. Parang kahit yung magiging anak nyo sana hindi naniwala sa pagmamahalan nyo kaya ayun, nawala na lang din bigla. Hindi ko alam kung magagalit ako o ano eh. Alam nyo yung masama ang loob nyo pero hindi nyo sya kayang i-hate kasi nga mahal mo. Yung kahit na nasasaktan ka eh mas gusto mo pa din na mahalin sya, kahit na alam mong never ng maibabalik yung kung ano man ang meron kayo noon. Mahal mo pa din sya kahit na alam mong never na nyang masusuklian ng same love na gusto mo.

Sabi naman kasi sa inyo eh. Martyr ako! Kaya pag namatay ako, ilakad nyo agad ang petition na maging santo ako sa Vatican, malay nyo diba!

Hinde, kidding aside, yung totoo? Hanggang ganto na lang ba talaga? Sa tingin nyo pag nalaman ba nya na may sakit ako, babalikan nya ako? Siguro hindi. Tsaka ayoko din naman ng ganun na babalikan nya lang ako dahil may sakit ako. Ano ako charity case? Binalikan kasi naaawa? Hindi ko naman kasi kailangan ng awa. Kailangan ko yung pagmamahal nya. Oo, NYA. Pagmamahal ni Sky. Kahit na alam kong hindi na mangyayari, hoping pa din ako na mamahalin nya ulit ako. Eh diba yun nga ang rason kung bakit pinili ko na tumira dito sa Pilipinas.

Pero alam nyo nung nakita ko sila ni Zoey last time sa bar, parang ang saya saya nila. Kitang kita yung pagiging head over heels ni Sky kay Zoey. Napaka swerteng nilalang noh? Biruin mo naman kasi, matagal na nyang mahal si Sky tapos narealize din ni Sky na mahal din pala sya. Meant to be siguro sila. Tapos ako eto, umaasa padin kahit na wala namang nagsasabi na umasa ako.

Tanga nga siguro ang tawag sakin. Masokista. Yung okay lang na masaktan ako, okay lang na makita ko siyang masaya kasama ang iba. Mahal ko pa din sya kahit ganun pa man. Yung pag nakikita ko sila ng girlfriend nya, para akong sinaksak ng ice pick sa sakto sa puso. Ako kasi dapat yun eh. Kung hindi kasi kami magkalayo, malamang hindi nya marerealize na iba ang mahal nya. Kung hindi kami magkalayo, kami pa din sana.

“Baby..” sambit ni mom.

Bumalik ang pagiisip ko sa loob ng kwarto ko sa hospital. Nakatayo, nagaayos para sa pag labas ko. Sa wakas ay makaka-alis na din ako sa kwartong ito. Makaka-alis na din ako sa lugar kung saan biglang nasira lahat ng pangarap ko na parang sinalanta ng bagyong Yolanda. Pagkatapos ng isang napakasakit ng linggo, eto ako ngayon, babalik na sa realidad ng buhay. Pero ngayon, iba na. Hindi na normal ang pamumuhay ko. Kasi hindi na lang ako isang simpleng babae na gusto lang sumaya. Isa na akong babae na nakikipaglaban sa isang sakit na imposibleng labanan.

“Are you okay?” tanong ulit ng nanay ko. Tumango lang ako.

Niyakap nya ako. “Gagawin naming lahat ng dad mo, para gumaling ka.” Sabi nya. Hindi nanaman napigilan ng mom ko na umiyak.

Simula nung nalaman namin na may sakit ako, hindi ko na nakikita ang mom ko na ngumingiti. Lagi na lang syang umiiyak. Kung ngingiti man sya, halatang pilit lang. Nalulungkot ako na makita silang ganun. Alam kong nahihirapan sila sa sitwasyon ko ngayon. At wala akong magawa para mawala yung sakit na nararamdaman nila. Ang tanging magagawa ko lang ay ang piliting maging malakas para sa kanila.

Sa ngayon, malakas naman na ako. Wala naman akong ibang nararamdaman. Medyo nanghihina pero keri naman. Hindi nga lang tulad dati na parang wala talagang iniisip. Ngayon, kahit na alam kong malakas ako, kahit na paniwalain ko ang sarili ko na okay ang lahat, hindi na mababago yung katotohanan na may sakit ako. At may posibilidad na mawala ako ng maaga.

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon