" Danson ano ba " saway ko sakanya ng subukan niyang halikan ako sa leeg
" Danson May kiliti nga kase ako jan " saway ko rito pero di parin niya ako pinakinggan, nakangisi pa ito sakin
" Danson isa kapag di mo tinigil ang paghalik mo sa leeg ko i-iwan kita " pagbabanta ko rito na nga yun ay hinahalikan ang leeg ko
" hahaha ok fine naglalambing lang
Naman " nakangusong sagot niya sakin" Uwi na tayo Danson " tumayo na ako at naglakad palabas ng restaurant
Tatlong taon ko ng boyfriend si danson
Nakailang break up narin kami kase ilang besses ko na rin siyang nahuli na may kahalikan sa kotse at sa iba pang pwedeng pagraosan ng pangangailangan.Binuksan ko na ang kotse at sumakay sa front seat at hinintay si danson para magmaneho ng sasakyan
Nagtataka kayo kung bakit ko siya binalikan? Oo na itawag niyo na lahat ng klaseng salita sakin pero mahal ko talaga siya Noon...
Pero hindi na ngayun nagiba lahat siguro namulat na ako sa katotohanan.
Namalayan ko na lang na may humalik sa pisngi ko at tiningnan si danson na ngayun ay inaayos na ang pagkabit ng seatbelt binuhay niya na ang makina at nilisan ang restaurant tahimik lang kami boung byahe.
At alam ko may babae na naman siya
Sa tuwing nagpapaalam siya na pupunta lang siya sa kaibigan niya alam kong hindi barkada ang pinupuntahan niya kundi babae
palihim na sinundan ko siya nong araw na yun papunta sa isang hotel pumasok siya sa isang condo at dalawang oras di lumabas sa inip kong antayin siya pinasok ko ang kwarto at ayun nga nakita ko silang hubo't hubad na nagtutukaan
Syempre hindi ako gumawa ng skandalo
hello!?
para saan pa ang pagwawala ko kung ginusto niyang lokohin ako
nag aantay na lang ako ng tamang tyempo para makipaghiwalay sakanya
Kailangan ko pa siya para may magbuhat sakin mula sa mababang posisyon sa ML
Joke! Kailangan ko pa siya para may sumuporta sa maliit na negosyo na pinatayo ko
So asan yung kailangan doun?
Kailangan ko siya kailangan ko ang pera niya para matulungan ako sa unti unting paglaki ng negosyo yes! Ginagamit ko siya.
Masama ba? Tsk.
Bakit yung ginawa niya hindi?
Yung pag siping sa iba't ibang babae habang may KAMI pa Hindi?
Yung pagsisinungaling niya habang paulit ulit niya akong sinaktan hindi?
Yung mga pangako niya bulok na di naman kayang panindigan tsk.
Di qualified? Hindi parin pwedeng sapat na dahilan yun para mang gamit ng tao para sa sariling kapakanan at kaligayahan huh!? Excuse me! Edi siya na! Siya na mabait ako na tong masama!
Buti nga hindi ko sinusumbat sakanya ang lahat lahat ng ginawa niya kung tutuusin di kayang bayaran ng pera niya ang Sakit na naramdaman ko sa bawat babaeng naisisiping niya na sa tuwing hinahalikan ka niya sa labi nasasaktan ka dahil kahit kailan hindi naman naging tapat sayo.
Kapag sinasabihan ka ng 'mahal kita' 'ikaw lang ' aysus! Mas masakit pa yun
kase kung di ko pa alam at patuloy akong nagbubulagbulagan para siguro akong bata na uto uto mabilis maniwala tsaka para siguro akong teenager kung kiligin