Simula

41 1 0
                                    

My Ghost Lover Characters 1.1

°Brent Santiago

°Janna Leyn Harrison

°Roxanne Kim Harrison

°Liam Lim Gervacio

°Bogart Julian Diodes

Simula

Sa isang malaking bahay ng mga Harrison, May dalawang batang masayang naglalaro sa kanilang harden habang nagtatawanan at naghahabulan. Hindi alintana ng dalawa ang madudungis nilang mga sarili.

"Janna...Habulin mo ako" sigaw ng walong taong gulang na si Roxanne sa kanyang  pitong taong gulang na kapatid na si Janna. Masaya namang hinabol ng kapatid ang kanyang nakakatandang ate Roxanne.

"Ang bagal mo talaga Janna!" sigaw ni Roxanne, saka natawa.

"Ang daya mo kasi ate!" Maktol naman ng kapatid nitong si Janna. Bumelat si Roxanne, animoy nang-aasar pa lalo.

Sa kabilang dako naman. May isang batang lalaki na edad siyam na taong gulang, at ito'y malayang nakikinig sa paborito nitong musika. Siya lang nag-iisa at tila walang pakialam sa paligid niya.

"Bogart dito mo ipasa sakin, dali!" Sigaw naman ng siyam na taong gulang na si Liam sa kalaro niyang si Bogart na nasa walong taong gulang din ang edad. Mabilis namang pinasa ni Bogart ang bola sa kinaroroonan niya ngunit biglang itong lumihis ng direksyon at aksidenteng tumama ito sa maling tao.

*Boink*

Tumama ito sa direksyon ng batang si Brent at saktong sa ulo nito lumanding ang bola. Kasabay sa pagtama ng bola sa ulo nito ay siya ring pagkahulog ng earphone sa tenga niya. Sa madaling salita. Nahulog sa lupa ang pinapakinggan nitong mp3. Naihilig rin ang posisyon ng ulo niya.

Doon natulala ang dalawang batang sina Bogart at Liam dahil sa blangkong mukha ngayon ni Brent.

"Gago ka Bogart! Patay tayo!" paninisi ng batang Liam sa kaibigan na si Bogart.

"Loko, Ikaw kasi eh! Sabi mo ipasa ko, ede ginawa ko sinabi mo." Depensa naman ni Bogart sa sarili.

"Bakit? Sinabi ko bang sa may nakaupong bata mo ihagis? Hunghang ka talaga kahit kailan Bogart!" Sabay kutos ni Liam sa ulo ng kaibigan at nakipaghabulan.

Halatang nagtatalo na ang dalawa sa kasalanang hindi naman nila sinasadya na mangyari.

Tumingin sa direksyon nila si Brent na ngayo'y walang bahid na ano mang expression. Napalunok sila pareho.

"Ano ... Liam? Tatakbo na ba tayo?" Mukhang kinakabahan na saad ni Bogart sa ngayo'y halatang takot narin na si Liam.
Biglang nag salita si Brent "Sino sa inyong dalawa ang humagis ng bola?"

Mababakas sa mukha nito ang pagka-inis dahil sa naidulot na disturbo sa kanya ng simpleng pagkakamali ng dalawa.

Pinilit namang hindi ipakita ni Liam ang nanginginig niyang mga paa.

Lakas loob na inamin niya ang kasalanang hindi naman niya ginawa. “Ako! Ako ang naghagis ng bola at aksidenteng napunta sayong direksyon” pag aamin nito. Napatingin sa kanya si Bogart.

"Anong ikaw pardz? Ako diba yun dapat?" bulong ni bogart.

“Basta sumakay ka nalang kung ayaw mo ikaw ang umako ng kasalanan”  Tumango tango na lamang si Bogart habang si Brent naman ay matalas na tiningnan si Liam.

My Ghost Lover [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon