#1: Jacob

80.3K 1.1K 102
                                    

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters,
businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved.

No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the writer/publisher, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.

P.S

I do not owned any of the pictures used in this story. All Credet go to the artist/ owners of the images.

This is a BOYSLOVE story. It is related to a men-to-men relationship. If you were not into these relationship nor even a certified homophobic, better leave the book.

There are some matured scenes in the book that is not suitable for minor ages below. Read at your own risk.



*******

Hindi ko mapigilan ang magalit. Magalit sa sarili ko. Ang lakas pa ng loob kong maghamon kay Zoey, pero napahiya lang ako sa harapan niya.

Hindi ko naman akalain na sa liit ng katawan niya at magandang mukha ay may bilis at lakas siya sa katawan na itinatago.

Oo! Alam ko namang sumasali ito sa mga martial art compitetion at napapanuod ko minsan ang mga laban niya dahil kay Master Clyde. Palagi itong panalo sa mga laban. Halos siya ang nangunguna sa mga kasabayan niya. Pero naisip ko na sadyang mahina lang ang nakakalaban niya kaya siya siniswerteng manalo. O di kaya naman pinagbibigyan siya dahil sa ganda ng mukha niya at ayaw nilang makitang magalusan ang ganda niya.

Lalo na ng makita namin ng isang araw si Master Clyde na dumating sa Monster Club na may pasa sa mukha at napag alaman namin kay Zoey niya iyon natamo. Kaya mas lalong hindi ako naniwala na malakas siya. At umigting ang pagnanasa kung masubukan ang galing nito. Dahil hindi ako naniniwala na ang isang Clyde Alcaide, na master namin.Na si Master Clyde na walang sinasanto pagdating sa laban? Na ni minsan hindi ko nabigyan ng pasa kapag nag prapractice kami o di kaya naman nagkakainitan kaming dalawa. Ay binigyan ng pasa ng isang Zoey Salvador lang. Na isang Zoey Salavador na mas makikita sa future look nito ang isang babae kaysa sa lalaki? Sino ang maniniwala doon. At naisip ko din na ayaw lang niya itong saktan kaya hindi tinutoo ni master Clyde ang paglaban sa kanya.

Kaya naglakas loob akong hamunin ito mismo para mapatunayan ko mismo sa sarili ko na hindi siya malakas. Na pinagbigyan lang siya ni Master Clyde. Pero iyon nga, napahiya ako sa harapan ng mga kaibigan ko dahil inilampaso lang niya ako. Hindi lang ako kundi pati sina Sunny ay nadamay pa.

Kaya nag aapoy ang galit ko ngayon. Lalo na ng hindi mawala wala sa isip ko ang huling sinabi niya sa akin bago niya kami iniwan. Na kung gusto ko siyang labanan, kailangan ko na munang matalo si Master Clyde. Dahil kung hindi ko siya matatalo, lalong wala akong laban sa kanya. Para na ring niyang sinabing puro lang ako salita at wala sa gawa.

Fuck! Sino ang hindi magagalit sa sinabi niyang iyon. Minaliit niya ang kakayahan ko. At ako si Jacob Sandoval. Isa sa tinagurian athlete master. Tinalo ng isang bagong estudyante lang ng walang kahirap hirap.

Kaya hiyang hiya ako sa sarili ko. Dahil hindi ko man lang siya nabigyan ng kahit na anong pasa sa mukha. Paano pa kaya kung sa harap ng lahat ng estudyante sa AU ang nakasaksi. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko kung malaman nila na tinalo ako ng isang transfery lang.

✅MC1 JACOB: MY PSYCHO STALKER (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon