Special Chapter

18.6K 561 142
                                    

Started date: April 20, 2019
Ended: June 25, 2019

******

JACOB PoV:

Lakad dito! Lakad doon! Kaliwa, kanan. Atras, abante.

Hindi ako mapakali. Para akong buntis na manganganak na dahil sa pinaghalo halong emosyon na nararamdaman ko. Kaba, saya excitement.

Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Ang pinakahihintay namin ng baby Azami ko. Ang makasal sa taong mahal na mahal ko. At wala ng makakapigil pa sa amin na legal na magsama habang buhay.

"Pwede ba tumigil ka nga sa palakad lakad mo diyan."naasar na sita sa akin ni Bobby. "Nakakahilo ka na, kung hindi mo alam."dagdag pa nito.

"Eh sa kinakabahan ako. Pakialam mo ba."

"Daig mo pa ang babae sa kilos mo, kung paano ka kabahan. Asan na ba ang Jacob na kilala namin na wala sa bukabolaryo ang salitang kaba."si Sunny na napapakamot ng ulo habang sumusunod ang mga mata kung saan man ako magpunta.

"Hindi niyo pa kasi nararanasan ito eh. Tatawanan kita Bobby kapag kinasal na kayo ni Kelly at maramdaman mo ang ganito. Kung paano ang kabang nararamdaman ko. Kung paano ang excitement ko ngayon."sagot ko sa kanila.

"Oo na! Hindi ka na kasi makapaghintay eh. Akala ko ba naman mag iipon ka pa ng sarili mong pera bago kayo ikasal."

"Eh sa ayaw ko ng mawala siya eh. Tama na ang halos tatlong buwan noon na nawalay siya sa akin. At ayaw ko na ulit iyon mangyari baka maagaw pa siya ng iba sa akin."

"Hay naku. Pag ibig nga naman. Kung tinamanan nino man, hahamakin ang lahat masunod ka lamang." Si Clark na tatawa tawa din habang pinagmamasdan ako.

Tinignan ko sila isa isa.

Nakasuot din sila ng black american suit dahil sila ang mga abay ko. Habang nasa kabilang silid sina Kelly at Monica para magbihis.

Ang baby ko naman ay nasa isa pang silid. Para daw hindi kami magkasabay. Pero gusto ko na siyang makita habang nakasuot ng tuxedo.

Beach wedding. Iyon ang gusto ng magulang ng baby Azami ko. At iyon din naman talaga ang plano namin. So here we are. Our perfect beach wedding. At ilang oras na lang ba ang hihintayin namin.

"Parang timang talaga to. Nangingiti na lang ng wala namang nginingitian."si Bobby kaya naman napatingin muli ako sa kanya.

"Tigilan mo ako Bobby. Kanina ka pa. Sinisira mo ang pag iisip ko eh."paninita ko sa kanya.

Lalapitan ko sana ito para batukan ng makarinig kami ng sigaw mula sa labas.

"Azami saan ka pupunta." Narinig kong tawag ni tito Zyrel sa kanya kaya naman na usisa kami at pare pareho kaming lumabas ng silid.

"I want to see Jacob tito."sagot naman niya kay tito at bago pa man ako makalabas ng tuluyan ay nasa harapan ko na ang Azami ko.

Agad niya akong niyakap at saka hinalikan sa labi.

"Uhmp! W-wait. Bakit mo ba tinatakbuhan sina tito?"tanong ko sa kanya ng kumalas ako sa pagkakayakap niya.

Ngumiti siya saka ako pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Saka siya tumingin ng deretso sa mga mata ko.

"Your handsome baby. I love you."

"I love you too baby. And your handsome too."sagot ko naman sa kanya at muling nagdikit ang mga labi namin.

Nakalimutan tuloy namin na hindi lang pala kaming dalawa ang nandoon dahil narinig namin ang sabay sabay na pagtikhim nila Bobby at iba pa.

Kaya naman nagkangitian kaming pareho ng maghiwalay ang labi namin.

✅MC1 JACOB: MY PSYCHO STALKER (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon