Hatinggabi na nang pauwi ako galing sa computer shop matapos kong magpa-print.
Naglalakad na ako noon nang biglang may ipis na sumulpot. Wa pakels dahil parehas kami ng direksyon na pupuntahan. Sinundan ko nalang ng tingin para mabantayan. Kaso, bigla syang nagUTurn. Ako naman, nagPanic, bumilis ng lakad. Kaso siya din nagPanic, ginamit ang pakpak. Lumipad. Lumipad papunta sakin. Dumapo. Dumapo sa aking damit. E'di lalo akong nagPanic. Bigla na akon napasayaw. Naging instant dancer ako ng 5 seconds matanggal lang ang hayop na sumasapi sakin. Cramping, creepwalk, moonwalk, cha cha, etc. Minura ko sya ng lahat ng mura sa aking galit. Laking saya ko ng lumipad na din sya papalayo. Laking hiya ko ng may mga tambay na nakapanood. Tawa sila ng tawa. Tawa sila ng tawa. Tawa nalang din ako. Gusto kong umiyak sa hiya, at tumawa dahil na-imagine ko kung pano ako nagmukhang sira.
Ako lang ba sumasayaw kapag dinapuan ng ipis?
Scream, Dance and Shout
2014
College of Nursing
