CHAPTER-5

12 3 5
                                    


Thank you po sa mga Votes...

Athena's PoV (Continuation)

"M-meme s-sure ka po bang d-dito a-ako t-titira?"kinakabahan kong sabi.Close din ba sila ng parents ni Ryle?Bakit di ako nainform.


"Oo pero pansamantala lang naman kaya pag tyagaan mo muna"pansamantala?niloloko ba ako ni meme?15 years yun tol tapos pansamantala?tapos halos lahat ng gamit ko dala dala namin tapos pansamatala ulit?



Hindi na ako kumibo dahil wala rin naman akong magagawa pa kundi sumunod sa boss ko.Agad na nag dorbell si meme at automatic naman na bumukas ang pinto.Mga mayayaman nga naman.




Agad naman naming nasalubong ang parents ni ryle.Ano ba tong ginagawa namin nakakahiya.




"Magandang gabi ho ate vicky halika pasok ho muna kayo"kilala ko tong si meme eh alam kong papasok yan sa loob pustahan bente bente.




"Ay hehe nakakahiya naman ho madam pero kung mapilit ho kayo edi tara na ho sa loob"sabi na eh style nya yan lagi pag magagandang bahay yung pupuntahan nya tsaka hindi ba sila magka kilala?




"Hahahaha oo nga mare eh"kanina pa yang si meme kwento ng kwento wala namang kwenta yung sinasabi.



"O sya mare aalis na ako at m-maaga pa yung f-flight namin hehe"bakit parang may mali kay meme?.Baka ganun talaga sya kasi mawawalay na ako sa kanya.Mamimiss ko sya ng sobra sobra.




"Anna anak alis na ako ah pakabait ka dyan mamimiss kita"naiiyak tuloy ako pero pinigilan ko kasi nakatingin yung parents ni ryle tsaka sya baka sabihin ang drama namin.



"Ba bye meme ingat po kayo ni kuya ah tapos pag umuwi kayo wag nyo na pong isama si kuya"hehehe para masaya kasi busit yung kuya ko na yon eh sarap ihagis sa bangin.





"Iha dalin nyo na yang gamit mo sa kwarto mo,Ryle tulungan mo syang i akyat ang gamit nya"agad namang hinawakan ni ryle ang maleta at tumingin sakin sabay kindat.Shete naman oh kinakabahan na nga ako kinindatan pa ako monyo yan lakas tuloy ng kabog ng dibdib ko.




"Ah iha kumain ka na ba?"oo nga pala bago kami pumunta dito dumaan muna kami kanina sa karinderya para kumain."uhm opo tita kanina po dumaan po kami sa karinderya"





Sabi kasi ng mommy ni ryle tawagin ko na lang daw syang tita.Hindi ako masyadong sanay pa pero sasanayin ko para maging natural na lang ang buhay ko dito sa bahay na to pero parang hindi magiging natural eh parang lalong gugulo sa puso ko.



********



Ako na lang mag isa ngayon sa kwarto at nag aayos ng gamit ng may maalala akong isang pangyayari-



"What the fuck is happening?"anong fuck ka dyan may multo sa room ko!!"m-may p-pumapas-swit k-kasi dun sa r-room ko eh"kinakabahang sabi ko.



Y-yung m-m-multo-.Kinabahan ako kaagad at tumingin tingin sa paligid na para bang takot na takot kung may papaswit sa akin.



Pero habang nagtatagal wala ng pumaswit sakin katulad kahapon hayst baka talagang guni guni ko lang yun,kung ano ano kasi iniisip ko eh.



"Ik-ik-ik-ik"



Agad akong napalingon sa pinagmulan ng tawang nakakatakot at hindi ako nagkakamali sa labas ng pinto ko ito narinig.


The Secret DareWhere stories live. Discover now