CHAPtER 12 AFTER

12 0 0
                                    

     CHAPTER 12 After

Ang daming project, assignment, Requirements, Thesis, Reporting, At Reaction papers.

Yan ang mga kailangan kong matapos bago ako makapag  Fourth year College. Lahat ng yan hindi ko pwedeng takasan dahil sa Accounting nga ang course ko.

Pero hindi lahat yan naging hadlang sa akin para hindi mabisita at mapasaya si Peter sa hospital. Yun lang kasi ang alam at kaya kong gawin para alisin lahat ng mga negatibo sa isip nya. Lagi ko syang pinupuntahan, may mga pagkakataon na nga na doon na minsan ako nag re-review kapag malapit na ng mid terms exam ko.

.......Yun ang tinatawag na law of diminishing return. Now, let's move on.

The Difference between Demand and supply is.......

Nasa kalagitnaan ako ng reporting namin ay tumawag sa akin ang mom ni Peter.

"Excuse me , Sir!"

Agad akong bumaba ng stage at sinagot ang phone ko.

"A-Ashtrid, S-si Peter" Kinakabahan at Nauutal na sinabi sa akin.

"Po! What happened?"

" Bigla syang intake sa puso, Sinusubukan na syang i-revive ng doctor."

"S-sige pupunta po ako dyan." Agad kong binaba ang phone ko. Hindi na ako nakapagpaalam sa Professor ko, Kahit ang bag ko ay hindi ko na Kinuha. Nagmamadali akong pumunta ng hospital, Magulo ang buhok at wala ng sapatos dahil sa kakamadali ko. Mataas ka ang heels non, At sagabal sa pagtakbo ko.

"S-si Peter po?" Nagmamadali kong tanong.

"Diyos ko! Ashtrid.. Puntahan mo na si Peter."

"Okey lang po kayo?"

"Oo! Sige na!"

Agad din akong pumasok at Naabutan ko sya na natutulog.

"Peter?"

"Ikaw na ba yan? Ash."

Tanong ni Peter.

"Oo!"

"Sabi ko na nga ba eh. Boses mo palang nakaka-in love na."

"Loko!"

"Okey ka lang ba?, Hindi ka ba napano sa pagpunta mo dito?" Peter asked.

"Huh?"

"Alam ko na kinabahan at nagpanik ka papunta dito nung tinawagan ka ni mom."

Malambing na boses ng binata.

"Okey lang ako."

"You know, Ash, Habang tumatagal l-lalo akong nahihirapan sa sakit k-ko. Pero dahil nag promise ako sayo na l-laban ako, K-kaya ko tinitiis ang lahat."

Naiiyak na sinabi ng binata.

"Kung may magagawa lang ako para mawala nyang sakit mo."

Naiiyak na sinabi ng dalaga. Habang hawak nya naman ang kamay ng binata.

"Basta dyan ka lang sa tabi ko, Okey na ako."

"Kung....kung ... kung pwede ko lang gawin na ibigay sayo ang puso ko at paningin ko......" Agad na mang nagsalita ang binata.

"Don't you ever do that! Mamatay ako. Hindi mo kailangang gawin ang bagay na yan!"

"Pero, Ayoko ko na nakikita kang Nahihirapan." Sunod-sunod ang pagpatak ng luha ni Ashtrid.

Ever After (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon