Nandito kami ngayon sa bahay nila Ben. Lunch break.
"Bro, sige na! Sabihin mo na!" Pagpupumilit sa akin ni Paul, isa sa mga barkada ko, sabay kuha niya ng ulam at nilagay niya sa plato niya.
"Ang torpe mo 'tol." Banat naman ni Ben habang nagigitara.
Lakas makadikta nitong dalawa, kung alam lang nila kung gaano kahirap.
"Hi guys! 'no gawa niyo?" Biglaang pasok ni Stephanie sa bahay.
Oh bullshit!
"Nagro-rosaryo." Pilosopong sabat ni Paul.
Umirap siya at naglakad sa direksyon ko.
Huminahon ka puso kung ayaw mong ilabas kita dyan!
"Pahingi." Sabay kuha niya ng pagkain sa plato ko.
"Ang takaw." Sabi ko't kumain ng hindi siya tinapunan ng tingin.
Umubo naman ang dalawa. Napapikit nalang ako. Kung ako talaga mapahaya dahil sa dalawang gunggong na ito, ewan ko nalang.
"Wow ha? at least sexy parin." Sabay walk out niya at naglakad patungo kay Ben.
"Pig." Biglaang sabi ko na siyang pinagsisihan ko.
"Ah ganon? Wait for it Ron, pag ako pumayat talaga hinding hindi kita kikilalanin!" And she walked out.
Kainis! Ba't ba kasi may sariling utak bibig ko?
"Hindi pa nga nagsisimula, tapos na." Biglang sulpot ni Mia.
How to do this? Damn.
Lumipas ang mga araw na parang aso't pusa ang turingan namin ni Stephanie.
Iniinis ko siya parati, pikonin naman kasi.
Isang araw, pumasok ako sa classroom na rebonded ang buhok niya at kulay dark red.
Beautiful view, it is huh?
"Uy matchy matchy!" Napatigil ako sa biglaang sigaw ni Shania sabay turo sa buhok ko at buhok niya.
Lumingon siya sakin at tumingin sa buhok ko.
Now we're like having a relationship goals. Deal with it Steph, I know you'll like it someday.
Namula siya at tumingin sa bintana ng nakangiti. She smiled? Really?
Pumunta ako sa upuan ko at pinanuod ang pang-aasar nila Shania kay Stephanie.
"Hindi kami nag plano ah! Gaya gaya puto maya lang talaga siya." lumingon siya sakin at nag-iwas rin naman ng tingin sabay tingin ulit sa bintana na siyang katabi niya.
Inasar pa nila si Stephanie hanggang sa nagsimula na ang klase.
Panay ang lingon ko kay Stephanie at sa di malamang dahilan sabay kaming napapatingin sa isa't isa.
Oh baby don't do those gestures.
Recess time at nagtambay kami ni Paul dito sa labas ng room.
"Uy bro ang ganda ni Stephanie ngayon ah." Sabi ni Paul at umakbay sakin.
Kung alam mo lang Paul. Mas maganda pa siya sa panlabas na anyo na nakikita mo ngayon.
Nakakabanas nga lang dahil maraming tumitingin sa kanya. Kung pwede lang angkinin.
May biglang lumapit sa pintuan ng classroom, mga grupo ng mga lalaki.
"Stephanie!" sigaw nung isa.
Lumabas naman siya at nag-apir sa kanilang lahat.
Tss.
Lumabas rin ang mga kaibigan ni Steph at nag-apir narin sa kanila. Huling lumabas si Jecyl na closest friend ni Stephanie at mukhang may hinahanap, nung nakita niya ako, umiling nalang siya.