Chapter Six
Bagong Simula
Nasa trabaho ngayon si Fredric habang hinihintay niyang dumating ang kanyang boss. Stressed na stressed ang mukha ngayon ng binata at 'yun yata ang dahilan kung bakit nagti-tinginan sa kanya ang kanyang mga katrabaho. Nakatulala lang siya sa kanyang pc at hindi siya kumikilos. Dahil sa nangyari kagabi, nawalan na siya ng ganang magtrabaho pa sa kanilang kumpanya. Bumaba ang tingin niya sa sarili at pakiramdam niya'y wala na rin ang kanyang dignidad sa sarili. Binaboy siya ng kanyang sariling boss kagabi at hindi niya iyon matanggap sa sarili. Sa kabila ng lahat, sarili pa rin niya ang kanyang sinisisi dahil hinayaan niya lamang na magpaubaya siya kay Mr. Gaston.
Wala kasi siyang laban. Hindi niya kayang lumaban. Pagdating sa mga ganitong bagay, mahina ang binata. Nakatulala pa rin ang binata habang dahan-dahang humihinga ng malalim. Nakakadiri ang sarili ko, nagpaubaya ako sa kanya. Ang sabi pa nito sa kanyang isip.
"Good morning, Mr. Gaston!" pagbati ng isa niyang katrabaho. Heto na ang pinakahihintay niya, dumating na ang kanyang boss. Galit na galit siya rito at hindi na siya makapagtimpi pa. Kahit nasa loob na ang pinakahihintay niyang tao, hindi niya naisip na lingunin kahit sandali ang taong ito. Naghihintay lamang siya ng tamang tiyempo. Hinihintay niyang makalapit ang kanyang boss sa kanyang pwesto.
"Good morning, Mr. Fredric." Pagbati sa kanya ng kanyang boss. Hinimas-himas pa nito ang kanyang buhok at ginulo ito. Matipid na ngumiti si Fredric at sandaling lumingon sa kanyang boss. Ang bango mo ngayon, ah. Bulong ng kanyang boss sa kanya. Walang nakapansin na palihim na siyang hinihipuan ng kanyang boss. Busy kasi ang kanyang mga katrabaho kaya hindi na napapansin ang ginagawa ni Mr. Gaston sa kanya. Gusto nitong sumigaw at humingi ng tulong pero hinayaan niya na lamang niya ang sandali.
"Hinding-hindi mo na ako matitikman." Sabi nito sa isip habang nakangisi.
Nang lumabas si Mr. Gaston sa kanilang workplace, sumunod ding lumabas si Fredric. Nagtungo siya sa opisina ni Mr. Gaston. Bumati pa ang binata sa kanyang boss at saka ngumisi.
"Yes, Mr. Fredric. Do you miss me?"
"No, sir. Actually nandito po ako para ibigay sa inyo 'to."
Nabigla si Mr. Gaston pero sa halip na ipakita niyang nabigla ito sa binigay ng binata, tinawanan na lang niya ito. Dinaan niya sa tawa ang kanyang pagkabigla habang binabalik ang puting envelope na binigay ng binata.
"Binibigyan mo ako ng resignation letter?" natawa si Mr. Gaston. "Nagpapatawa ka ba, bata?"
"I will leave now, whether you want it or not, Mr. Gaston." Aalis n asana ang binata nang abutin ng kanyang boss ang kamay nito.
"No! No one will leave. Ano bang gusto mo para hindi ka na umalis? Please, tataasan ko ang sahod mo. Anything else?"
"No thanks, sir. Maghahanap ako ng bagong trabaho. Kung saan walang amo o boss na kagaya mo!" tumakbo ang binata palabas ng opisina. Sa wakas at nakamtam na rin niya ang kalayaan. Kalayaan na wala nang Mr. Gaston ang magpapahirap sa kanya. Kalayaan na kung saan malaya siyang magmahal ng kung sino at hindi na siya hawak ng kung sino mang tao.
"Pagsisisihan mong umalis ka dito, bata!" pahabol pa ng kanyang boss. Sa wakas at nakalabas na ng building ang binata. Ngayong wala ng trabaho ang binata, nagpasya siyang umuwi na lang sa kanilang boarding house. Hindi pa kasi sapat ang kanyang pera para umuwi sa Pangasinan, kung saan siya nakatira. Siguro'y makikiusap na lang siya na tulungan siyang makahiram ng pera o kaya ng trabaho sa kanyang mga boardmates.
BINABASA MO ANG
The Possessive Boss (FULL VERSION)
RandomBago pa lamang si Fredric sa kanilang kumpanya ngunit hindi iyon naging dahilan para hindi siya mag stand-out. Sa kanyang kasipagan naakit at namuhaling ang kanyang half American boss na si Mr. Gaston. Si Mr. Gaston ang laging taga-utos sa kaniyang...