My Last Smile

80 2 0
                                    

After Heart&Key and I'll be there..

ito ako ulit with another one shot na siguradong magugustuhan nyo.

iba ito!

isinulat ni @sabiniLah

"Punta ka ha?!"

"Opo! Ilang beses mo na yang tinatanong?"

"Eehh..Indian Mango ka eh.."

"Indian Mango?"

"Indianero..kyaah..basta Carlito, pag di ka pumunta..magtatampo ako"

"Oo na..Kulit! O cge na at may klase pa ako. Kita na lang tayo mamaya.."

Tumayo na sya at naglakad palayo..

Kyaaah! Pate likod ni Carlito ang gwapo.

Hay. For sure nakulitan na naman yun sa akin.

Eh kasi pag 'di ko yan kuinulit for sure hindi talaga yan aatend.

Opo, tama kayo..ako na naturingan nyang best friend eh iniindian nyan.

Hindi kasi sya mahilig sa mga party eh.

Kilala kaya yan sa school namin sa pagiging bugnutin..boring..at emo.

Ewan ko ba dyan..

Tanda ko nga dati, 18th birthday ko. Naging escort ko ang pinakamamahal kong younger brother na si Sky na dapat sana ay sya, eh kasi natatakot yung event organizer na hindi umattend. Pero kahit na ganoon, inilista ko pa rin sya bilang last dance ko. Do or die. Alam nyang magagalit ako kapag hindi sya umattend.

So, alam nyo ba ang nangyari? Saktong 18th dance sya ng dumating. As in patulo na ang luha ko. yun ang una at huli nyang attend nang party, late pa ha, and the rest Indian Mango mode na sya.

Kinahapunan. As usual, magkasama kami ng Mr. Poker-Irritado-Bugnutin na nilalang na ito. Bakit ba ganito ang kaibigan ko? Samantalang napaka energetic ko naman?

I feel so secure when I'm with him. Holding hands pa kami ha. Karamihan nga inaakala na kami, kasi kung maka act kami parang mag girlfriend-boyfriend. Pero, hindi eh.

Hindi. As in, hindi.

Kasi ang type nya CHUBBY..SEXY ako e.

type nya yung MORENA..MESTISAHIN ako e.

type nya yung ATHLETIC..TAMAD ako e.

at higit sa lahat SILENT TYPE..hinding-hindi ako yun.

idagdag mo nang sobrang addik ako sa mga aso..samantalang sya. ayaw ng kahit anong alaga sa bahay..

Haiiii :/

Oo na, sikreto lang natin..aaminin ko na...

May gusto ako sa kanya..

hindi bilang isang kapatid, kapamilya, kapuso, kabarkada..

pero bilang sya..

kaya lang bukod sa di nya ako type..wala e. 'di kami talo. Brothers kami eh..

Gawain nya nang ihatid ako kapag umuuwi, kasi sa kabilang Subdivion lang sya..

He makes sure na nasa loob na ako nang gate namin pag-iniiwan nya ako..

Bumalik na sya agad nang..

"Carlito?"

"o?"

"salamat.."

"salamat sa?"

"sa lahat.."

My Last SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon