Simula

8 0 2
                                    


Simula

SOBRANG lakas ng ulan

Napaka dilim na silid

Mga nagkalat na gamit

Puros basag na salamin at sira na gamit

Tunog ng dalawang batang nag iiyakan na gustong umuwi

Naghahalong takot at kaba

Na nakakulong sa Isang napakalaking abandonang bahay na hindi maayos ang lagay na tanging sinag lang ng buwan ang mismo nag susuporta ng liwanag sakanila

Puros mga dugo na nagkalat sa sahig at ang lansang baho nito ay nahahalo sa simoy ng hangin

Napagitad at hindi mapigilan humikbi ng isang batang lalake habang pinapanood niya ang bawat paghampas ng sinturon ng matandang lalake sa isang batang babae na kasama nito sa silid

Gustong nitong pigilan ngunit nakatali ang kamay at natatakot baka siya ang sunod na hampasin ng sinturon

Tanging ang tinig ng isang batang babae at tawanan ng mga matandang lalake bumabalot sa silid

"Hindi ba sinabi ko sayo na kahit anong gawin mo hindi ka makakatas sa bahay na ito!" Habang pinapalo ito ng malakas sa hita at likod

Bawat hampas nito ay palakas na palakas at mga ungol at hikbi ng batang babae ay pumapasok at naiiwan sa tenga ng batang lalake

"H-hindi k-ko n-n na p-po kaya. T-tama n-na p-po, m-maawa k-kayo sakin. T-tama na" Hindi na mabilang ng batang lalake ang pagmamakaawa ng batang babae

Ilang hampas sa hita,paa at likod ng batang babae ang natanggap habang dumadaloy ang dugo na natanggap nito

"TAAAAAAAMAAAAA NAAAAAAAAAA" sigaw ng batang lalake ngunit tumawa lang ang mga matandang lalake sa sigaw nito

Napabalikwas at humahangos akong napaupo sa aking upuan mula sa masamang panaginip ng aking nakaraan. Halos pagtulog ko ay hindi ako nilulubayan. Mga trahedya hanggang ngayon hindi parin ako pinatatahimik

"Buti naman Ace gising kana, nanaginip ka naman ng masama" sabi ng aking kapatid si Uno habang inaalis niya ang kanyang seatbelt

Nilingon ko siya at ngumiti ng mapait "Para namang hindi yun bago" habang inaalis ko rin ang seatbelt ko at lumbas sa kanyang kotse

Hindi na ito bago sakin, parati ko nalang itong pinapaginipan.

Pagbaba ko ay sinalubong ako ng simoy ng hangin na dumadampi sa aking pisngi

Pinagmasdan ko ang aking paligid at ang bahay na sa aking harapan.

Pumikit ako at napa buntong hininga

Im finally back in the Philippines

My childhood hometown that trap me in the past

Dumilat ako at napa buntong hininga naman

"Halika na ace pumasok na tayo at supresahin na natin ang ating magulang" nakangiting sambit ni uno at saka pumasok ng una

Matagal tagal narin ako hindi umuuwi ng pinas. Maraming bagay ang nakaligtaan ko at maramaing bagay na ang nag bago

Kamusta na kaya siya? Hindi ko maiwasan isipin siya sa tagal ba naman ng panahon hindi ko siya nakita

Ngumiti ako pero hindi abot sa aking mata at sumunod narin pumasok sa bahay kung saan naghihintay sa aking magulang at si uno

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Sweet Agnosia"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon