Sa isang malaking paaralan, merong isang babaeng nangangalang Maria Cassiopeia Alexandria Atravas. Siya si Ms. Perfect kasi na sa kanya na ang lahat lahat. Siya ang pinakamaganda, pinakatalino, pinakatalented, pinakamayaman ng lahat pero siya rin ang pinakamasama dahil narin sa katangian niyang marahas, salbahe at matindi sa kanyang mga kasamahan.
Masama ang ugali niya kaya walang gustong makikipagkaibigan sa kanya maliban kay Jamie Perez na siyang best friend nya simula pagkabata. Kilala siya bilang isang taong ipagpipilit ang kagustuhan niya kahit hindi naman para sa kanya o itinadhana sa kanya. Para sa kanya kasi, kung gusto mo kunin mo. Pero sa mundong ito, may mga bagay talagang sadyang hindi para sayo. Isa na dito ang pinakamamahal niyang si Migui.
Isang panibagong araw na naman para kay Maria. Excited na excited na siyang pumasok sa paaralan at mag aral. Graduating student na siya sa Dentleton University at pinangarap niyang doon sa ibang bansa mag kolehiyo kaya dobleng sipag siya ngayon sa kanyang pagaaral. Typikal na estudyante si Maria na maraming pangarap sa buhay. At syempre, hindi niya kinalimutang mag ayos ng bongga para sa crush niyang nag hihintay raw doon sa classroom nila. Simula bata palang, gustong gusto na ni Maria si Migui, pero itong si Migui kabaliktaran talaga ng ugali ni Maria kaya hindi sila gaanong nagkakasundo sa mga bagay bagay. Pero okay lang kay Maria yun basta ba mapakita niya kay Migui na nandiyan siya palagi para sa kanya. Ngunit, iba ang pagkakagusto ni Maria kay Migui dahil binabakuran niya ito at gumagawa palagi ng gulo sa kung sino man ang magtatangkang magkagusto sa lalaki.
Tumunog na ang bell, oras na para pumasok sa kanilang mga silid aralan. Umupo na si Maria sa kanyang upuan at hinihintay na niya ang pinakamamahal niyang si Migui na pumasok. Napaisip si Maria kasi hindi talaga na lalate yun si Migui sa klase o baka merong importanteng lakad lamang kaya naghintay nalang siya. Excited na siyang makita si Migui kasi dalawang buwan na silang hindi nagkikita dahil sa bakasyon. At dumating ang isa't kalahating oras dumating din si Migui pero meron itong kasamang babae. Tiningnan ni Maria si Jamie, yung best friend niya at itinaas ang isang kilay.
"Sino yan?" sabi ni Maria na naguusok na ang mga ilong sa selos
"New student?" hindi siguradong sagot naman ni JamieTiningnan lang ni Maria ang bagong babae at kinompara ang sarili niya na higit na mas maganda pa kesa dito. Ipinatawag ng kanilang guro ang bagong studyante at ipinapunta sa harapan.
"Ipakilala mo ang sarili mo sa lahat magandang binibini." sabi ng guro nilang may edad na
"Alouces po, Alouces Madrigal." Nahihiyang tugon naman ng bagong estudyante
Sa isip ni Maria hinuhusgahan na niya ang babae na talunan at lampa lampa. Dala na siguro sa selos niya ng makita niyang sabay sila ni Migui pumasok at magkaholding hands pa.
Makalipas ng ilang oras tumunog yung bell hudyat na break time na nila at naisipan ni Maria na pumunta sa rooftop ng eskwelahan nila at magpahangin."BAKIT?!?!?!" sigaw niya sa hangin
"BAKIT SIYA? MAS MAGANDA PA NAMAN AKO AH? MAS MATALINO! MAS MATANGKAD! MAS SEXY AT MAS MAS MAS!"
"Mang toMAS!" biglang sigaw ni Jamie sa likod
Malapit ma out of balance si Maria sa bigalaang pag dating ni Jamie buti nalang meron siyang nakapitan agad.
"Jamie ano ba?! Papatayin mo ba ako sa gulat ha?" galit na sigaw ni Maria kay Jamie
"Sorry ha? Ang ingay mo kasi eh." Walang paki naman na tugon ni JamieBinalewala nalang ni Maria si Jamie at umupo na lamang sa isang bangko at tumingin sa langit. Pagkatapos ng ilang minuto napaisip si Maria na hindi na lamang muna papasok sa susunod na klase kasi nawalan siya saglit ng gana. Labag man ito sa loob ni Maria pero gusto niya munang hindi makita si Migui at ang babae niya kasi nakakusok talaga ng tenga ang budhi ng babaeng yun at kung ano pa ang magawa niyang masama dun.
"Balita ko raw, mahal ni Migui yung babaeng yon. Kaya hindi ka niya napapansin dahil meron na palang ibang mahal." Biglang sabi ni Jamie sa kanyang natuklasan bago siya pumunta sa rooftop at sundan si Maria.
"Ah okay." walang paki na sagot naman ni Maria
Masakit sa puso ni Maria na ang taong pinaglalaan niya ng atensyon sa buong buhay niya ay meron palang mahal na iba. Noon pa man, inaangkin na ni Maria sa lahat na si Migui ay sa kanya at siya ay kay Migui. Wala ring nagbabalak umapila kahit madami rin ang nagkakagusto kay Migui dahil sa mga banta ni Maria. Lahat ng kumalaban sa kanya, talo. Maliban kay Migui. Hindi naman siya pinapansin ni Migui at wala namang sinasabi si Migui sa lahat ng pakulo ni Maria sa buhay. Kaya para isang bomba na sumabog noong nalaman ng lahat na meron palang ibang mahal si Migui at hindi siya. Kahihiyan sa sarili niya at sa buong paaralan nila. Umaapoy si Maria sa galit, selos at paghinayang. Hindi siya dapat nagpapatalo sa isang lampa. Siya si Maria, hindi siya papatalo ng ganun ganun lang kaya naisipan niyang paginitan ng ulo ang bagong dating.**
Pagsapit ng lunch break pumunta na sina Maria at Jamie sa cafeteria nila para kumain ngunit habang patungo sila sa kanilang upuan ay may nakabangga si Maria na siyang dahilan kung bakit tumilapon sa kanya ang mga pagkain niya.
"Ano ba?! Ang tanga tanga ha!" galit na galit na sigaw ni Maria habang pinupunasan ang damit niyang na mamantsahan na.
"Sorry po! Sorry hindi ko po sinasadya!" hinging paumanhin naman ng babaeng parang gusto na yatang lumuhod sa nagawang kasalanan.
Napansin ni Maria na parang pamilyar ang boses ng babae at doon niya natagpuang si Alouces pala ito. Napangisi si Maria kasi umaayon ang panahaon sa kanyang sitwasyon."Ligpitin mo ang mga natapon at kainin mo sa harapan ko." Walang awang utos ni Maria kay Alouces na parang gusto ng umiyak sa kahihiyan kasi nakatutok lahat ng estudyante sa kanila.
"Huwag naman po...bibilhan nalang po kita ng bago...sorry na talaga." Iyak na iyak naman si Alouces sa kahihiyan
"ISA! GAGAWIN MO BA O AKO PA MISMO MAGPAPAKAIN SAYO NIYAN?!" sigaw ni Maria na ikinagulat ng babae at ng lahat ng nanunuod. Wala silang magawa sa takot nila ni kay Maria.
Sa huli walang nagawa si Alouces kundi pulutin ang mga kalat at unti unting kinain sa harap ni Maria at pagkatapos ay tumakbo itong umiiyak. Tawang tawa naman si Maria sa pagkakapahiya ng bagong estudyante at binantaan ang lahat na kung ayaw nila ng gulo ay huwag na huwag siyang babanggain. Nakita siya ng isang janitress at puno ng dismaya ang mukha nito sa ugali ng babae."Hoy ikaw! Gawin mo na trabaho mo at linisin mo itong kalat na ginawa ng babaeng yun." Sigaw niya sa janitress na malapit sa kanila na inoobserbahan siya kanina pa.
**Lumipas ang ilang mga araw hindi na naging maayos ang pakiramdam ni Maria at nagkaroon ito ng malubhang sakit. Hindi na nagging madali ang buhay ni Maria pagkatapos ng insidente na nangyari sa cafeteria nila. Sa sumunod na araw kasi bigla na lang siyang nahimatay at dinala sa ospital. Ang pangarap niyang grumadweyt with honors ay hindi na natupad sa kadahilanang hindi na siya nakapag-aral ng maayos ng dahil sa sakit niya. Si Jamie at ang kanyang pamilya lang ang palaging bumibisita sa kanya sa ospital. Sino nga ba naman ang gustong bumisita sa isang kagaya niya na magaspang ang ugali? Doon na siya lumalagi sa nakalipas na limang taon hanggang sa araw na binawian siya ng buhay. Ng dahil narin sa mabigat na damdamin mas maaga siyang nabawian.
*Ang kabutihan ay tungkol sa pagkatao – integridad, katapatan, kabaitan, kabutihang-loob, lakas ng loob, at iba pa. At higit sa lahat, ito ay kung paano natin tinatrato ang kapwa natin tao. Walang presyo ang pagiging mabait kaya kung gusto mong may iiyak sa libingan mo maging mabait ka sa kapwa tao mo.