Poser - 14

148 6 0
                                    

Jammela Nathalie Castro

Nakaka-highblood talaga tong si Julia Erika! Sabi pala ng sabi ng POSER SI JACOB wala naman siyang pruweba! Nakakainis! Bago niya sana sabihin na ‘POSER SI JACOB’ dapat may pruweba siya na maipapakita sakin! Kung kaharap ko lang talaga tong si Julia Erika nako baka ano pang gawin kong masama diyan eh! Kalma lang Jammela kalma *inhale – exhale* Tumingin ako sa orasan, 6:45 pm nap ala. Bumaba na ako at pumunta sa kitchen maghahanap ng madi-dinner ko. -_-

Tinatamad na ako magluto kaya magd-de lata nalang ako. Binuksan ko yung Cabinet ko, uhmm Sirloin Burger? Ravioli? Meatballs? Vienna Sausage? Mega sardines? 555 sardines? Beefloaf? Sizzling Sisig? San Marino Chili corned tuna? Teka bakit ‘Corned’? Eh wala naman corn sa loob?! Pinagloloko ata ako neto. Isa pa tong Corned Beef! Hays. Ayun! Spam nalang. Binuksan ko yung Spam at nilagay sa plato at ini-slice ko yung Spam na kasing nipis ng papel lol joke lang! Syempre medyo makapal yung pagka-slice ko at ininit ko sa pan. Maarte ako eh gusto mainit yung Spam eh ba’t ba?

Pagkatapos kong kumain, hinugasan ko yung pinagkainan ko. Nagwalis-walis sa sala, nagpunas-punas ng mga furnitures, pinalitan ang kurtina, umakyat ako sa taas para palitan naman yung bedsheet ko. Pagkatapos ko palitan inayos ko yung mga pocket books ko sa bookshelf, ang dami ko na ngang mga libro eh may Mr. Maniac meets Ms. Pervert, For Hire: A Damn Good Kisser, She’s Dating the Gangster, Seducing Drake Palma, Special Section, Avah Maldita, A Hundred Days With You, AFGITMOFM, Bridal Shower, Ang Boyfriend Kong Artista, The Four Bad Boys And Me,Accidentally Inlove With A Gangster, The New Boss is my Husband, A Place in Time, Mapapansin Kaya? Tsaka yung Montello High.”  Oh diba ang dami? =)))

Ganyan ako kaadik sa mga libro karamihan ng mga libro ko ay tapos ko nang basahin! Minsan nga pumupunta yung mga kaibigan at schoolmates ko dati eh tapos sasabihin nila “Uy Jammela, pahiram naman ng libro oh? Isasauli ko nalang bukas? Pls?” Library lang ang peg no? Tcch. At dahil mabait ako, pinapahiram ko sila, hindi ako madamot tulad ng iba :P

Pagkatapos kong ayusin yung mga libro ko, kinuha ko na yung iPad ko at humiga ako sa kama. Teka ba’t walang wifi? Ay tangers. Nakalimutan ko buksan yung Wifi hahahahaha! -_- May nagpop-up agad na message. Galing nanaman kay Julia Erika?! Nakakainis! Kelan ba ako titigilan neto?!

Julia Erika: Poser si Jacob!!

Ayan nababaliw nanaman siya at sinasabihan na poser si Jacob.

Jammela Nathalie Castro: Oh nababaliw ka nanaman?!

Julia Erika: Hindi ako baliw! Nagsasabi lang ako ng totoo! Ikaw yung baliw! Nagpapakabaliw ka sa isang poser!

Taray neto. Ako pa yung baliw? Hahahahaha!

Jammela Nathalie Castro: Bago mo nga siyang sabihan na poser dapat may ma ipakita ka sakin na pruweba!

POSER (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon