Apat na araw na ang nakalipas simula nung sinabi ko lahat kay jc ang mga naramdaman ko.
Bakasyon na pala namin at pupunta muna ako sa maxwell para ipasa yung mga documents ko at aayusin ko yung magiging table ko sa Maxwell office dahil madaming nag boto sakin nung isang araw as a Vice President ng Maxwell..
Ayun at pumunta na ako sa school naka motor ako at sure ako na pupunta din sila dhen..pupunta naman talaga sila kase mag aayos din sila ng mga papers nila, ngayon kase ang last day ng pasahan ng documents.
At sure ako na andun din si jc, siguro di ko na lang sya papansinin, dahil sinisimulan ko ng kalimutan lahat ng mga nangyari at kakalimutan ko na din na may nararamdaman ako sa knya..
After 10 minutes andito nako sa school...habang nag lalakad ako sa hallway nakasalubong ko si Sir Alvarez sya yung may ari ng school na to at sya yung kaibigan ni mommy...huminto ako sa pag lalakad at binati sya
"Good morning Sir" at ngumiti ako sa knya
"Good morning din Vice President Athena, congrats sayo ikaw na ang VP ng maxwell"at niyakap ako ni sir
"Ay sus sir, maraming salamat po makakaasa po kayong pag bubutihin ko to"at ngumiti ako
"Tara na sa office"aya ni sir
"Ahmm sige po"
"Balita ko nag away kayo ni jc"sabi ni sir...Lahat ng mga kilos ko binabantayan ni sir sa knya kase ako binilin ni mommy bago sya mawala at tinuring ko na din na parang daddy ko si sir alvarez
"Ahmm opo di ko na po kase gusto yung ugali nya"pag uusap namin habang papunta kami sa office
"Alam mo anak mag kakaayos din kayo, hindi ngayon pero baka sa tamang panahon"pag papaliwanag ni sir
"Siguro po hindi na"malungkot kong sabi
"Bat nman?alam kong hindi ka ganun..mapapatawad mo din sya..at tsaka kung maliit na problema lang yan dapat di nyo yan pinapalaki kase yun talaga yung magiging rason kung bakit kayo masisira" sabi sakin ni sir at andito na kami sa tapat ng pintuan ng office at pinagbuksan nya ko ng pinto
"Ok po sir..Salamt po sa advice..babye" at umalis na nga si sir at ako andito sa office at andito din si dhenise, hindi sya officer pero photographer sya ng school .
"Woy! Musta na athena?"at nag beso sya sakin
"Ahm eto ok lng"at nilapag ko na yung mga papers ko sa table ko
"Kow ok lang daw nakikita ko sa mga mata mo na malungkot ka"
"Sus ikaw talaga"
at lumabas na kami ng office at puputa na kami sa room namin, kakausapin ko lng si mam kung pedeng sa office nako mag stay para maayos ko yung mga gamit ko dun, wala din namang gagawin sa room eh..
Papasok na sana kami pero napahinto ako nung makita ko si jc mula sa bintana na malungkot ang pag mumukha
"Bes baka matunaw"at tumawa pa sya
"Ano ba dhenise..tara na nga"
Umupo na kami saglit kase may announcement daw si mam
"Okay class gusto kong icongrats natin si Ms. Velasco dahil Vice President na sya ng maxwell mist next school year" sabi ni mrs.rivera at pumalakpak sila
Congrats athena
Congrats
Congrats sa bagong vice president
Blowout naman dyan oh
Yan ang mga narinig ko nung inannounce ni mam yung pag kapanalo ko, ang sarap sa feeling na ang dami pala ng mga sumusuporta sayo, parang mas masaya pa sila nung nanalo ako na vice president kesa mas masaya sila na nanalo na yung president na dati pa nilang pinag lalaban
Tumayo ako at lumapit na kay mam.
"Mam pwede po bang sa office nako mag stay, di ko pa po kase tapos ayusin yung mga gamit ko dun eh?"syempre mahina lang yung pag kasabi ko
"Ok Ms. Velasco dun ka na muna mag stay ,basta mag paalam ka sakin pag aalis kana"
"Ok po mam"
Kinuha ko na ang bag ko at nag beso kay dhenise at umalis na ng room, di pa ko nakakalayo ng room pero may narinig ako na may nag paalam kay mam na mag siCR daw panlalaki yung boses eh pero di ko na to pinansin nag lakad nako papuntang office
Habang nag lalakad ako may sumigaw ng pangalan ko
"Athena wait "lumingon ako at si jc na tumatakbo papalapit sakin ng makalapit nasya sakin
"What?"tanong ko sa knya
"Ahmm congrats"
"Oh salamat"papaalis na sana ako ng hinawakan nya ang kamay ko
"What?"tanong ko sa kanya
"Ahmm athena sorry"habang hawak nya kamay ko
"Sorry na naman?alam mo jc kung mag papaalam ka kung pede ka mag girlfriend sige, malaya ka na, pedeng pede ka na mag girlfriend kahit sampu sampu pa yan..Alam ko na yang sorry na yan eh, makikipag bati ka sakin tapos may papagawa ka sakin para sa liligawan mo..Simula ngayon malaya kana, malaya ka na kung anong gawin mo, malaya ka na mag girlfriend kahit ilan pa yan pag sabay sabayin mo pa, dahil wala ng gugulo sayo, wala na!...titigilan na kita at titigilan mo na ako, tapos na wala ng problema.."at hinila ko ang kamay ko na hawak nya at nag lakad na ko
"Athena mahal na mahal kita"
at napatigil ako sa pag lalakad ng sinabi nya yun pero hindi nako lumingon at nag lakad na lng ulit ako at di ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko
Mahal? Sana di nya na ako paasahin..napakasakit sa damdamin, o kaya dapat dinugtungan nya ng AS A FRIEND para di ako masaktan
Ang dami dami kong iniisip habang nag lalakad ako at hanggang sa pag aayos ko ng gamit ko dito sa office
Lumabas nako ng office at bumalik na ng room...nakita kong andun pa si jc, natutulog sa table nya..pumasok ako at tinawag si dhenise
"Dhenise tara sa roof top may sasabihin ako sayo" at tumayo naman sya..umalis na kami ng room dahil wala namang teacher
Habang umaakyat kami papuntang roof top may sinasabi sakin si dhen
"Athena anong nang yari kay jc bakit nung pumasok sya ng room umiiyak?" Tanong nya sakin
"Wala sinabi ko lng yung mga gusto kong sabihin saknya" at sa wakas andito na kami sa roof top sabrang nakakapagod kase taas pa to ng 5th floor kung baga pang 6th floor na tong roof top
"Bat ba tayo andito?anong sasabihin mo?"tanong ni dhen
"Ganto kase yan, this summer vacation aalis ako pupunta ako ng korea, gusto ko sanang isama ka,kung pede ka?"sabi ko sa knya at parang tuwang tuwa
"Korea??"sigaw nya
"Oo, wag ka maingay baka may makarinig sayo"
"Ahmm sige, mag papaalam ako kay mommy" at nakangiti sya
"Sa condo ka na lang muna din mag stay for 3 days and after 3days aalis na tayo, bili na para may kasama naman ako sa condo para di ako malungkot dun"
|Please vote and follow me on wattpad alhexaxi17, thank you for supporting my first story|💋
BINABASA MO ANG
Im INLOVE With My BOYBESTFRIEND
Teen FictionPaano kung mahulog ang puso mo sa isang lalaking kaibigan mo, tulad ni Athena na nainlove sa kanyang kaibigan, kaya mo kayang itago yung nararamdaman mo para sakanya? Eh paano naman kung bumalik yung first love mo?at sabihing mahal ka pa nya? Pero s...