"Hi bessy Valencia!" Masaya kong sinabi.
"Hello bessy Kaila." Malungkot niyang sinabi.
Ilang araw ko nang hindi siya nakikitang masaya... lagi na lang siya malungkot.
Nang malapit na ang Intrams... niyaya ko siyang pumunta ng Horror House at pumayag naman siya.
"Bessy! Punta tayo ng Horror House!" Excited kong pagkasabi.
"Sige." Malungkot niyang sinabi.
Nang maka pasok kami sa loob tahimik lang siya at naka yakap ako sakanya dahil takot ako sa multo o zombies...
Siya naman ay nakababa ang kamay at nakatingin lang sa mga nananakot, hindi kasi siya takot sa mga multo at zombie dahil madalas siyang nanonood ng mga ganoon.
"Awwwwooooooo~!" Sabi ng nananakot na babae na naka baba ang bohok.
"Kyaaaaaa!!" Ang sabi ko.
"....." -Valencia.
Kahit anong pananakot talaga hindi siya sumisigaw! Ang tapang talaga niya...
Pagkatapos ko siyang dalhin sa Horror House, ay pumunta naman kami ng Marriage Booth, nanonood lang kami doon at pagkatapos ay bigla siyang hinila ng isang lalaki na may suot na headset. ayun yung nag aya sakanya na mag kasal kasalan. Natuwa ako kasi kahit papaano medyo ngumingiti na siya kaso...
Maya maya hindi nanaman siya ngumingiti. May nagawa kaya ako sakanya na masama? O galit ba siya saakin?
"Valencia! Galit ka ba saakin? Sabihin mo lang~ ok lang." Mahinahon.
"Hi-hindi! Wa-wala naman..." Natataranta niyang sinabi.
"Sige na please? Para hindi ka na magalit saakin! Ayokong mag away tayo kasi Bestfriend kita!"
"Mamaya ko ke kwento sa pag-uwi natin."
"O-o sige.." Malungkot kong sinabi sakanya.
Maya maya din ay pauwi na kami, pero bago iyon ay bumili muna ako ng shake. At siya naman ay nasa kabilang kalsada bumibili ng malaking lolipop.
Tapos bigla niya akong tinawag.
"Kaila!!" Masaya niyang sinabi at kumakaway pa para makita ko agad siya.
Saktong pag lingon ko may malakas na "Beep peeep!!" bandang kanan ko, at biglang nawala sa paningin ko si Valencia.
"Va-Valencia?"
".....Kaila!" Habang umiiyak siya. "Ba-bakit sobrang sakit? Ba-ba-bakit may pu-pula sa pa-paligid ko?"
"VALENCIAAA!!!!!!!!!!" Dahil sa hindi ko alam ang gagawin ko sumisisigaw nalang ako sa harapan niya at nakalimutan kong tumawag ng Ambulansya.
"Tumawag kayo ng ambulansya! Tumawag kayo ng ambulansya!!" Isang lalaking sumisigaw.
Nang nahawakan ko ang dugo niya biglang naglabasan ang mga luha ko saking mga mata.
At nadala na siya sa ospital. At ang balita ng doctor ay...
"Ikalulungkot ko pong ssasabihin sainyo po ito, dahil maraming dugo ang nabawasan sakanya at maraming buto po ang nabali sakanyang katawan, hindi na po kinaya ng pasyente kaya wala na po siya, Patay na siya.