"Ate nakita mo ba yung mga papeles?"
"Anong papeles ba?"
"Yung andito sa folder! Nako ate kaylangan ko yun ngayon" halos maiyak nako kakahanap sa papeles na iyon.
"Tao po! Alvie! Alvie!"
"Ano? Aga aga nambubulahaw ka nanaman Chardie!" Padabog na binuksan ni ate ang pintuan. Pero asan naba kase yun?
"Alvie, diba kay Alyra to? Eto oh, Alyra Joycee E. Ragolosa"
"Aba oo nga Chard! Yra! Yra halika nga rito! Diba eto yung papeles mo? Heto"
Dali dali naman akong nagtungo kay ate. Thank God nahanap rin! Kamuntik-muntikan na talaga.
"Charrdd! San mo to nakita? Nakooo salamat talaga ha?"
"Naiwan mo dun sa tindahan ni Melena, buti di niya natapon." sagot naman ni Chard
"Ohh umalis kana dito nabigay mo na eh" pagsusuplada naman ni ate kay Chardie
"Oh? Paalisin mo na ko? Di mo ba ako papapasukin o aayain mag agahan?"
"Wag kang gago wala pa ngang kanin na nakasaing dito kapa kakain, ang kupal mo talaga umalis ka na nga" saka na siya sinarhan neto ng pinto.
"Ate naman oh ang suplada mo naman kay Chard. Dapat maging mabait karin sa kanya minsan. Kaya ka pumapanget eh"
"Pumapanget? Kung dos por dosin kaya kita?"
"Ate naman oh! Bat ba ang init nang ulo mo pati saken? Meron kaba ngayon? First mo?"
"Hindi panga ako dinadatnan ngayon eh. Mag dadalawang buwan nato."
"Imposible namang mabuntis ka eh tomboy ka kaya! Ganda mo sana eh kaso maganda rin gust--" di ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla siyang tumakbo papuntang cr at nag suka. "Ayan kasi ang siba mo! Hahaha" pero nang pagharap niya sakin namumutla siya. At bigla nalang siyang nahimatay.
"Ate? Ate gumising ka! Ate!"
"Alyra naiwan ko lang yung sumbrero ko ja-- Alvie? Anong nangyari?"
"E-ewan ko, nagsuka siya tapos bigla nalang siyang nahimatay! Tulungan moko"
"Oo ihiga muna natin siya doon" saka na niya binuhat si Ate.
Pero mas nagulat kami nung may nakita kaming dugo na umagos sa may paa ni Ate.
"C-Chard dalhin na natin siya sa ospital. M-may d-dugo.."
.
.
."Alyra, anong nangyari? Dok? Anong nangyari sa anak ko?"
"The patient is stable for now ma'am. I have a good news and a bad news ma'am. The Good news is, your daughter is pregnant but the badnews is, mahina ang kapit nang bata. Kaya bawal po sa kanya ang mastress ma'am. May I excuse myself"
"Sige po dok, salamat po." pero halata ang pagkadismaya sa mukha ni nanay.
.
.
."N-nay, T-tay s-sorr--" bago paman matapos ni ate ang sasabihin ay nakatanggap siya nang malakas na sampal mula kay itay.
"SORRY? ANONG IDADAHILAN MO? AKSIDENTE LANG? ANO YAN NATUSOK KA NANG T"*TE TAPOS BIGLANG SUMABOG? HA? WAG MOKONG GINAGAGO ALVIE HA!"
" T-tay... H-hayaan n-nyo p-po m-muna a-akong mag-mag paliw-wanag.. "
"Mag paliwanag kana habang nakakapagtimpi pako Alvie" pagsasalita ni inay pero hindi siya nakaharap kay ate.
Kitang kita ko mula rito sa taas ang pagagos nang mga luha nila kaya napaluha narin ako.
BINABASA MO ANG
The 50% Chance For Us
General FictionPag nalaman mo ba ang pinaka iingatan niyang sekreto, mananatili kapaba o iiwanan nalang siya? Pano kung yung nalaman mo ay habambuhay mo nang pagsisihan? At ang chansang ipaglaban nyo ang isa't isa ay wala nang kasiguraduhan? Itutuloy mo pa ba?