Akoy isang babae lang
Minsan kagalanggalang
Minsan mahinang nilalang
Depende sa pakinabang
Paano ang sarili
Kung hindi ako pinili
Maging babae pa ba
O tutulad nalang sa iba
Walang direksyon
Walang kwenta
Inaalipusta
Ni isa walang sumang-ayon
May hagganan pa ba ang buhay ko
O magtatapos nalang dito
Salamat sa tulang ito
Napadaan at dumako
Alin, saan, papaano at bakit
Mga tanong na kay sakit
Kung hindi maipilit
Tuluyan kayay mawawaglit?
Kay lamig ng hangin
Sing lamig ng pagmamahal
Tayo pa kayay tatagal
Mahal, tumingin ka sa salamin
Isipan ko ay gulong gulo
Katulad ng tulang ito
Hindi alam ang patungo
Kung sayo ay wala ng pagsuyo
Mahal akoy babae lang
Nasasaktan
Nagdaramdam
Nawawalan din nag pag asa
Mahal pasensya na
Wala ng sukat at tugma ang tula
Katulad ng pag ibig mo
Wala na, kahit akoy mawala pa.
Palaging pakatandaan
Ang lahat ng itoy di ko malilimutan
Dadalhin hanggang sa kamatayan
Dahil minsan may napatunayan
Salamat sa pag uumapaw mong pag ibig
Nasira ko man ang tiwala
Dahilan ng iyong biglang pagkawala
Patawad, sa urong sulong kong pag ibig
Mahal tulungan mo naman ako
Nagmamakaawa ako
Mahal parin kita
Ikaw lang, at wala ng iba.....