Page 1♠

0 0 0
                                    

Cer's POV

''Audrey!!!! Bakit ang tagal mo? Hindi naman kalayuan ang canteen para magtagal ka ha? Nilandi mo nanaman si kettle noh? Malandi ka talaga!" Boom sabunot ang abot mo ateng!

Hayyyst. Kung iniisip niyo na may salamin ako,manang manamit at laging may hawak na libro. Tama kayo. Normal na istudyante lang ako. Sa Pharell Academy. Ang ganda sana ng meaning ng name nitong school. Pharell means Heroic. Pero kahit kailan walang nagliligtas sa mga nabubully nitong si Victoria. Siya lang naman kase ang pamangkin  ng dean nitong skwelahan nato. Kaya feeling boss ang Lola mo!
Ako nga pala si Audrey Cer Hutton---

"Hoy ate! Kakain na daw! Napaka bingi neto! Kanina pa tinatawag di makarinig!" Bulyaw ng kapatid kong si France habang nakasilip sa may pinto ng kwarto ko.

"Panira ka naman! Binabasa ko yung gawa kong story eh! Bwisettt!" Padabog kong sinarado ang notebook kung saan naka sulat ang bawat kabanata ng istoryang ginagawa ko.

Hehehehe ang boring kase ng life ko kaya dinadaan ko nalang sa pagsusulat ng kwento ang gusto kong mangyari sa buhay ko ganon!

"Tsk. Eh bakit hindi mo ipasa yan sa mga publishing company? Malay mo naman makatulong ka sa ekonomiya." Sabat nitong pinsan ko na si Blythe. At naghahanda na ng plato sa lamesa.

"Nakakahiya kaya noh! Isa pa di pako professional! Mapahiya pako dun" pangangatwiran ko.
At tumulong nalang din sa paghahain.

"Anak, Subukan mo. Baka sumikat ang mga gawa mong istorya. Malay mo lang naman. Makakatulong din yan sa tuition ng kapatid mo." Sabat naman ni papa habang tinutupi ang diaryong binabasa niya kanina.

"Pag iisipan ko po " sagot ko nalang para matapos na ang usapan.

Ayyy weyt a minute kapeng mainit! Ako si Audrey Cer Galleon. Ganda ng pangalan ko noh at yung apilyido pang ibang bansa diba? Pero no! Hindi ako half half! Or ano man. Pure pilipina to! 20 years old. A college student.  Oh pak diba?. Marami akong kaibigan, pasado naman ako every sem., may kaya naman sa buhay, ayos naman ang pamilya pero walang jowa mwehehehe diko kelangan non. Dami kong jowa sa wattpad and other novels na nababasa ko noh. Perfect na. Okay nako sa ganitong set up. Pero alam mo yun? Sa sobrang ayos ng lahat. Masyado nang nakakaboring! Kase paulit ulit nalang ang mga nangyayari. Gusto ko sana yung may action na may romance na may fantasy na may... Bastaaa gusto yung di boring. Yung parang wala kang alam sa mangyayare sa buhay mo kase may nagtatangkang patayin ka. Yung hindi ka makakatulog kase natatakot ka. Di ka makakatulog kase iniisip mo kung anong mangyayare sayo kapag natulog ka. Gusto ko ng adventure manlang sa life! Haysst.

"SANA AKO NALANG SI AUDREY THE NERD!!!!!" sigaw ko sa loob ng kwarto.

Btw, baskasyon ngayon kaya wala akong pasok. At tanghali palang naman kaya bakit hindi ko subukang pumunta sa publishing company tulad ng sinabi ni Blythe? Prinint ko ang Description ng istorya ko at ang unang kabanata nito.

Naligo ako at nagbihis ng desenteng damit panlakad. Isang navy blue           T-shirt,isang jeans at rubber ang suot ko. Nang bumaba ako nakita ko silang lahat na nanonood ng TV sa sala. Luhh movie marathon?

"Oh San ka pupunta?" Tanong ni mama nang mapansin ang presensya ko.

"Sa tabi tabi lang ma." Sagot ko rito at nagpaalam na.

Pumara ako ng taxi at nagpahatid ako sa STORY MAKER isang malaking kompaniya ng mga nagpapublish ng libro. Mga isang oras at kalahati ang inabot para makapunta ako sa Story Maker company. Pumasok ako at kinausap ko yung babaeng nasa counter ng building. Ngumiti ito sakin.

"What can I do for you miss Audrey?" Nakangiti nitong tanong.

Luhhh? Kilala niyako? How? Eh ngayon palang ako naka punta dito eh. Tinignan ko yung name plate niya at ang pangalan niya ay Layla at walang surname.

I Make My Own Story♠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon