How you express yourself as linguistic dominant intelligent?"Matinik na Kaibigan"
Kung minsan may pagkakataon na gusto mo lang mapag-isa,
Minsan na wala kang masasabihan ng mga naisip,
Na satingin mo wala namang makikinig sayo ng walang panghuhusga,
Satingin mo sarili lang ang nakikiramdam at mayroon ka.Iyong tumatawa ka ngunit kabaliktaran naman talaga ang nadarama,
Tumatawa sa karamihan at kinukubli ang katotohanan,
Sa iba ay hindi mabuti ngunit takot ka'ng sila ay mabahala,
Iba man ang kanilang paniniwala ngunit para sayo ito naman ang tama.Sa pagsusulat ay naiilabas mo ang lahat,
Pagsusulat ng iyong nadarama at gustong akda,
Ng walang pagkukunwari at halong kasinungalingan,
Walang mata na tumitingin at bibig na bubunganga.Ito na ang libangan, sandalan, at naging nakasanayan,
Na minsan matagal nakilala at natutuklasan,
Minsan inaayawan at binabaliwala na lamang,
Inaayawan man ng iba ngunit Matinik na Kaibigan.