What is the true colors?

8 0 0
                                    

Makapal na ulap, madilim na kapaligiran. Isang malaking bilog ang nagsisilbing ilaw. Ang liwanag ang nagsisilbing linawag mula sa madilim na paligid. At ang mga malilikot na kulay sa alapaap. Habang pinapanuod ko ito, gumagaan ang ang pakiramdam ko. Nawawala ang problema. ang kulay ng bituin ang nagbibigay sa akin ng lakas upang maging makulay ang buhay.

Nawalan ako ng pansin sa mga bituin ng may marinig akong kuskos mula sa likod ng malaking puno. Nandito kasi ako sa gubat, sa taas ng mataas na lupa maging ang syudad ay matatanaw.

Teka...

Lalong lumalakas ang kaluskos.


"S-sino ka?" Tanong ko. Lumabas kasi siya sa likod ng puno at nakita ko siyang nakatayo at papapit sa akin.

"Ikaw sino ka?"

Napakahinhin ng kanyang boses, parang isang musika sa pandinig.

"A-alfred" Kabang kaba ako at pinagpapawisan. Papalapit na siya. Dahil malapit na siya nakita ko na naka coat pala siya at nakataklob ito sa muka niya.

"Ako ang taga pagbantay ng gubat! Ako ang Princess of forrest! Bakit ka nandito? Isa kang tao! Sisirain mo lang ang kagubatan! Puputulin ang nga puno at papatayin ang mga hayop!"

Napapaurong ako sa mga sinasabi niya. Naalala ko ang mga nagta trabaho ang gumagawa nito.

"Umalis kana dito kung ayaw mong mamatay! Wag kanang babalik!"

"Babalik ako upang ibalita sa'yo na ititigil na ng mga tao ang pagsira sa gubat."

"A-ano? Siguraduhin mo lang kung hindi alam mo na ang gagawin ko sa'yo lalo na sa nga taong pumuputol ng puno."

"Pangako"

Nagulat ako dahil nung iniangat niya yung kamay niya may lumabas na magic at biglang nag iba ang paligid. Nandito na pala ulit ako sa syudad. Kung saan sa kwarto ko.

Maghahanda ako bukas upang ipamalita sa kanila na itigil na ang pagpatay sa mga hayop at sa pag putol ng puno.






3 months.


"SHET! BAHA NA!" Sigaw ko ng bahagyang pagbukas ko ng pintuan ay pumasok ang tubig dito sa bahay.

Di na ako nagdalawang isip pa. Umalis na ako dala dala ang aking kagamitan, mahahalagang papeles at ibang produktong pagkain.

Sumama na ako sa evacuation at dinala ako kung saan nakausap ko ang prinsesa ng gubat.

Nalungkot ako, nanlulumo at lumalambot ang tuhod. Hindi ko nagawang sabihin sa mga tao dahil walang naniniwala sa akin. At sinasabihan pa akong baliw. Hindi ako nakakilos dahil sa maaring sabihin sa akin ng mga tao. Kaya nanatili nalang akong tahimik.

Talagang nagsisi ako. Hindi ko natupad ang pangako ko. Ito pala ang sinasabi niyang mamamatay ang mga tao. Nakikita ko nga palunta palang may mga patay na.


Nang ayos na ang lahat. Napagpasyahan kong pumunta muna kung saan ako kinausap ng prinsesa. Nagpakita siya sa akin.

Payat, mukang matanda, mukang napabayaan. Bakit naging ganon ang itsura niya? Isang mahinhing prinsesa at napakaganda at disenteng dalaga naging ganito?

"Nakita mo na. Dahil sa hindi mo pagsunod madaming namatay lalo na ang mga nagtatrabaho. Gumuho ang lupa sa ibang bulubundukin dahil sa malakas na bagyo. Dahil sayo lahat pinapatay mona!"

Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. Dahil una wala akong ginawang pagputol o patayin ang mga hayop. Bakit ba ako ang sinisisi niya?

"Bakit hindi? Ikaw ang nakakita ng lahat. Ang magandang sinag ng buwan ang magagandang kulay ng bituin at ang maamong ulap. Dahil sa hindi mo pagsunod. Sila ay nagalit at naglabas ng madaming tubig na nagsanhi ng baha!"

"Ano? Nakita ko! May kapangyarihan ka! Pwede mong ibalik sa dati! Ang buhay ng mga tao! Ang magandang tekstura ng bundok at ang mga matataas at matitibay na puno maaring maibalik!"

"Hindi lahat ng hiling nakukuha sa kapangyarihan, alam mo ba kung ano ang totoong kulay ng mundo?"


-----

Ano nga ba ang totoong kulay ng mundo? Ang nag bibigay ng kulay sa mundo? nagiging kulay sa mundo?

Alam natin yan kahit baliktarin ang mundo. Bilang tao alam natin iyan.

-GheeOfDestiny

True Colors(Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon