"Mabait akong tao pero wag mo namang abusin dahil sa oras na maubos ang kabaitan ko baka magtago ka na sa palda ng nanay mo." -Jamiach Jen G. Vemonity
♣♣♣
NAKAUPO lang sa isang sulok ang dalagita na si Jamicha habang nakaka-anim ng baso ng tequila. Titig na titig ito sa isang binata na masayang nakikipagusap sa mga kaibigan nito.
Ang binata ay kanina pa nya napapansin ang paninitig ng dalagita kaya't hindi na ito nakatiis ay lumingon ito sa gawi kung nasaan nakaupo ang dalaga. Nang magtagpo ang kanilang mga mata hindi maipahiwatig ng binata kung bakit tila matagal na niya itong kilala.
Tatayo pa lamang ang binata na agad namang tumayo ang dalaga at dali-daling umalis..
Naguguluhan ang binata kung bakit gusto ng kanyang puso sundan ito at siilin ng halik sapagka't sinasabi naman ng kanyang isipan na wag ito sundan sapagka't hindi nya naman ito kilala..At higit sa lahat may babae na syang papakasalan.
Umiiyak ang dalaga habang nagmamaneho ng sasakyan pauwi sa kanyang tinitirhan..Bakit? Bakit nya ako iniwan? bakit hindi nya tinupad ang pangakong kanyang binitiwan bago ito lumisan? tanong ng dalaga sakanyang isipan habang patuloy na tumutulo ang kanyang mga luha sa kanyang matang nasasaktan.
"S-sobra..s-obrang sakit..sobrang sakit..at sa sakit na pinaramdam mo..Hindi ko na alam k-kung magagawa p-pa k-kitang pagb-b-bigyan..."
♣♣♣
NAKATITIG lamang ang binata na nangangalang Kien Sebastian Ferrer habang patuloy na binabagabag ng dalaga ang kanyang isipan lalo na ang pusong tila sya ang dahilan kung bakit tumitibok ito.
Sino kaba? Bakit parang tayo'y matagal ng magkakilala. Nakita nya ang mga mata nito bago umalis..Matang nangungulila at...nasasaktan. At ang mga mata iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay binabagabag parin sya nito. Limang linggo na ang nakakaraan simula ng kanyang makita ang dalaga sa isang sikat na bar. Pero habang tumatagal mas lalo nya itong iniisip kung sino ba ito at ano ang parte nito sa buhay nya na kailanman ay hindi nya na maalala pa dahil sa trahedyang nangyari sakanya matagal na panahon na ang lumipas.
Kaya naiisip nito na posibleng may parte ang dalaga sa nakaraan na matagal ng binaon sa limot."Maalala kita kung sobrang pinahahalagahan kita noon o hanggang ngayon pa man."
♣♣♣
PATULOY paring umiiyak si jamicha habang nagkukulong sa kanyabg silid..Bakit ba kasi hindi sya maalala nito...Kaya tuloy sobrang nasasaktan sya ngayon. Hindi na ba sya ganun kaimportante? Kaya ganun nalang kadali kalimutan sya?
Oo napakatagal na nun..7 year's na ang lumipas pero hanggang ngayon mahal na mahal nya parin ito..At ang hindi nya maitindihan kung bakit sya nakalimutan nito..Wala syang kaalam alam na aksidente na pala si kien dahil hindi ito sinabi ng mismong magulang ng binata kaya wala ni isa mang alam si jamicha kung ano ang totoong nangyari 7 year's ago.
NANDITO kami sa isang sikat na restaurant upang mag-hapunan kasama ang kanyang fiancée at ang magulang nito at nya.
Agad siyang ngumiti sa fiancée na si Alexa Marie Henndora ng ngitian sya nito at ganun din sa mga magulang ng dalaga.
"Hi babe.." Matamis na sabi ni alexa
Agad namang tumugon si kien.Masaya silang nagsalo-salo kasama ang pamilya ng dalaga at pinaguusapan ang kanilang nalalapit na kasal sa darating na Enero.
NAIINIS na pumasok si jamicha sa restaurant habang nasa harap nya ang kaniyang magulang at nakakatandang kapatid na lalaki.
Bakit pa kasi sya isinama nito? E pwede naman sila-sila nalang ang kumain e.
"Alam ko ang ganyang muka anak.." Huminga ng malalim ang kaniyang ina bago magsalita muli.
"....Minsan lang kami umuwi ng daddy mo kaya pagbigyan mo na kami ngayon hmm?" Huminga nalang ng malalim si jamicha at ngumiti ng pilit at tumango."Haha..Jamicha is Jamicha as always." Bulong ng kapayid nyang loko-loko. Binigyan nya nalang ito ng -FYI-Hindi-ka-gwapo-para-ganyahin ako-Look-
Tumawa nalang ito at patakbong pumasok sa resto. Nababagot namang sumunod si jamicha sa kuya nitong tukmol.NAGPAALAM muna si Kien upang pumubta sa palikuran sandali nang mahagip ng kanyang mata si Jamicha papasok sa resto na naka-busangot pero sa hindi malamang dahilan natawa na lamang sya dito.
Agad namang napansin ni jamicha ang binata na si kien na nakatitig sakanya habang tumatawa pero sa halip na mainis napangiti nalamang sya dahil kanya muling nasilayan ang ngiti at oagtawa ng binata na matagal na niyang hindi nakita.
Nagtagpo ang kanilang mga mata ngunit sa oras na iyon ang kanilang tibok ng puso ay isisinisigaw ang pangalan ng isa't isa.
♣♣♣
YOU ARE READING
A Different Color Of Lipstick's (ADCOL #1)
FanficDisclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual event...