Ano nga ba ang dahilan ng pagkasawi ng mga babae?
Dahil ba sa kalokolohan ng mga lalake?
O dahil mas gusto ng mga babae
Ang gwapo at pormadong lalake?Sa ating mundong ginagalawan
Sa mga mata ng mga iniiwan.
Pare-parehas daw kaming mga lalake.
Wala daw kaming ibang alam kun'di mag-paiyak ng babae.Teka...
Nadadamay ata kami?
Ate! Magkaiba ang gwapo sa seryosong lalaki!
Wala kaming laban, wala kaming maipagmamalaki.
Sila, gwapo na nga pormado pa at lalo mayaman
Kami, wala seryoso tyaka masipag lang.Malaki ang pagkakaiba ng Gwapo sa Seryosong Lalaki.
Yung mga gwapong lalaki na yan.
Pinapaligiran ng mga chicks yan.
Kaming mga seryoso
Kami pa ang susunod sayo.Pano nyo nga ba kami magugustuhan?
Kung sa mundong ito, ang laban ay pagwapuhan.
Bakit nakakita ka na ba ng pageant na papangitan.
Tapos nakalagay Hashtag Seryoso lang?.Di sa dinodown ko kaming mga seryoso.
Kaso ang problema pinapadama nyo.
Sa Mundong to kapag yung gwapong lalaki at magandang babae ang nag katuluyan tawag nila Tadhana.
Kapag panget yung lalaki tapos maganda yung babae tawag nila love is blind pero pag parehas pangit tawag sinumpa?Apaka daya din ng mundo ano?
Lamang talaga yung gwapo sa seryoso.
Mas pinili mo syang habulin kahit ako yung nandito.
Mas pinili mong magpaka tanga kahit ako yung nagpapasaya sayo.Meron naman pala kaming kakayahan.
Kaya naming masaktan kahit walang karapatan.
Meron pang isa..
Kaya naming tumawa kung san kayo sasayaAte! Subukan mong mag mahal ng seryosong tao,pero di kagwapuhan.
Tyaka mo mapapatunayan.
Ang lalaking seryoso
Ay kailan man ay di magloloko.Ate baka di mo alam endangered na kami at malapit ng maubos
Kapag gwapo diba ang inibig mo puro pagseselos
Try mo Seryoso, pag-ibig at time nyan sayo lang ibubuhos.
Handang maging sunod-sunuran, ituturing ka na Boss.Sa kasamaang palad, sa kabila ng mga benefits na pwede mong matanggap.
Mas pinili mo parin yung gwapo na lalaki na sayo ay magpapahirap.
Magpapahirap ng damdamin mo.
Binalewala mo kaming mga seryoso.Ang alay lang naman namin ay tapat na pag-suyo.
Pero kahit kaylan ay di nyo binigyan ng puwang dyan sa puso.
Pilit isinasarado sa aming mga seryoso pero..
Giniba yung pinto para sa mga papasok na gwapo.Ipagpatawad mo Gwapo sila Seryoso lang kami.
Na kahit anong gawin namin na effort mananatiling huli.
Dahil sa mata ng mga dalaga.
Se
ryoso sya, Apaka gwapo nya.
BINABASA MO ANG
Gwapo Sila, Seryoso lang kami
PoetryPara sa mga babae na pinipili ang mga gwapong lalaki tapos kapag nasaktan, sisisihin na lahat ng lalaki manloloko. Para to sa mga lalaking seryoso na kinulang sa Kagwapuhan.