Part 8: Staring at your soul

11 2 1
                                    



Juliet's POV

Ang bagal ng bawat segundong lumilipas. "Bakit ba tumititig ka?!" Inis kong sabi at muling sumubo ng kanin at adobo mula sa plato ko.

Lumabas ang isang matamis na ngiti sa kaniyang labi, ang weird niya. "Joshua! Paalisin mo nga si Austin!" Kasalukuyan kaming nasa canteen kasama ang iba kong ka classmate at iba pang mga taga ABM section two.

It turns out that Joshua was once an ABM two student kaso lumipat siya dahil nakakabobo raw sa Math.

Tahimik kaming kumakain ni Joshua habang nagdadaldalan ang mga kaklase ko at mga taga ABM, marami pala talaga ang second day palang sa ABM ay sumuko na at ang bagsak nila ay STEM, GAS or HUMSS.

"Uy! Paturo naman ako ng assignment! Gago! Ang hirap!" Angal ng kaklase kong si Charity kay Austin. Teka magkakilala sila? Ay oo nga pala! Dating magka klase ang dalawang 'yan.

Napatitig ako sa kanilang dalawa kasi nga taena! Komportableng komportable sila. "Ahh, kababata ko, taga La Salle kasi kami since Kinder kaya gan'on. Sobra ka naman kung makatitig! Ikaw lang nga kasi!" Makahulugan ani ni Austin sabay ngiti.

Bwiset! Hindi naman ako tumititig eh! Parang napatingin lang? Napansin ko lang uy! Nacurious gan'on kaya napatingin ako! Titig agad!

"Ehh." Walang buhay kong ani, bumalik na rin ako sa pagkain since food is lifeu!

"Mamaya pala guys gagawa na tayo ng mga props, meron na ring binigay na design si Kuya Yuan para sa props." Napatango na lang ako. Ang sipag talaga ng President ng ABM two, si Anastasha.

Napatingin ako bahagya kay Josh na concentrate sa pagkain. Susubo pa sana ako ng biglang dumating si Erick, ang Mr. Model ng Levis. Hala? Anong ginagawa niya dito?

Hindi ko maiwasang mailang. Parang kanina lang pinag iisipan ko este pinag uusapan namin siya,

"Austin, I need to talk to you now." Napatingin ako sa gawi niya at laking gulat ko na lang ng nakatingnin pala siya sa akin ngunit inalis niya naman agad 'to ng mapagtanto niyang nakatingin na rin ako sa kaniya.

"In private. I just need to clear things out. Please excuse Austin." Magalang na bata!

Tumango na lang kami. Hinabol ko sila ng tingin at ng mapagtantong wala na nga sila ay naging maluwag na rin ang paghinga ko.

"Salamat naman." Bulong kong ani na mukhang na rinig naman ni Josh.

"Do you like Erick?" Walang pakundangan niyang tanong kaya naibuga ko na lang ang kinakain ko.

"Kadiri ka naman Juliet!" Tawa tawang sabi ni Charity habang inabutan ako ng tissue. Tinanggap ko naman agad ito't nilinisan ang aking nakalat.

"Ito kasing si Joshua eh!"

"So crush mo nga?" Tanong naman ng kung sino. Yung tataa? Close ba kami? Nakalimutan ko na name niyan pero taga ABM two rin siya eh. Lalaking frog!

"Bawal siyang nagkagusto kay Erick Andrew! I'm not letting her." Iwas tingin niyang ani. Is it just me? Or nagseselos siya?

I don't want to assume pero parang gan'on na nga! Hindi naman kasi tanga ang ate mo. At mas lalong hindi manhid.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkain.

~~......~~

Ang boring naman ng klase mo Ser! Puro numbers at kung ano ano!

Napatingin na lang ako sa malayo. Ang hirap kasi talaga! Kanina ko pa tinatry intindihin ang hindi ko talaga maintindihan kaya ang ending? Hindi ko naintindihan. Magaling siya pero kasi!

Napatingin na lang ako kay Josh na nakatigtig lang sa blackboard. Parang ina annalyze ang problema at tinatry na intindihin ang hindi ko maintindihan. Napalinga ako sa iba kong kaklase na medyo bumibigay na rin.

"Psst." Napatingin ako sa cute kong kaklase. Koreano ang dating at baby face. Isama mo na rin ang height niyang pang cutie. Ehh mukhang grade 9 pa lang ang isang 'to.

Naka ngiti niya akong tinitigan at binigyan ng papel, kinuha ko naman ito't binuklat at anong pagsi sisi ko.

"Pfft." Napahawak ako sa bibig ng 'di oras. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa nakita ko. Isa itong drawing ng aming teacher na may nakatusok na pencil sa pwetan. Anime version lang nga.

Mukhang napatingin naman sa papel ko ang isang kaklase ko na dahilan upang humagalpak siya sa tawa. Hindi ata napigilan. Pilit ko sanang tinatakpan ang kaniyang bibig ngunit hindi siya nagpatalo.

Nakitawa na rin ang iba ko pang mga kaklase dahil sa nangyari. Agarang tumahimik ng tumingin sa amin ng matalim ang guro.

Patay akong bata ako.

Mangiyak ngiyak na lang ako ng bahagya siyang lumapit sa akin kaya wala akong nagawa kung din ang palihim na punitin ang gawa ng kaklase kong cute. Palihim ko siyang tingnan. Gumagalaw ang balikat ng hudas.

Mukhang tumatawa ang demunyo. Bwiset!

"Anong tinatago mo?" Maotoridad niyang sabi. Hindi naman ako umimik habang todo iwas ang tingin. At dahil sa katangahan ko nauwi sa malawakang war ang discussion.

Anong weapon? Bunganga niya. Bratatatata! Bratatatata! Nakakarindi.

Mabilis na lumipas ang oras. Kahit lutang pinilit kong itawid ang aking pag aaral. Mahal ang tuition fee. Mas mahal sa akin kaya bawal!

Habang inililigpit ang gamit ko ay naramdaman ko ang presensya ng kung sino kaya agad ko siyang tiningnan.

"Sinara mo yung drawing ko!" Naka pout niyang ani habang naka cross ang arms. Mas lalo pa siyang naging cute sa lagay niyang 'yan. Medyo masarap lang ngang kutusan.

"Ano kasi, baka mapagalitan ako ni Ser, patay tayo dun! Ikaw pa naman ang nag drawing." Mahinahon kong sabi. "Sana nga napahamak ka na lang." Pagpapatuloy niya at bigla na lang akong tinalikuran.

Hindi ko alam kung bakit pero kinabahan ako and at the same time na lungkot.

"Joke lang!" Sabi niya kasabay ang pagharap sa akin. Humagalpak na lang siya ng tawa ng makita niya akong halos mangiyak ngiyak. "Joke lang nga kasi diba?" Pag uulit niya.

"Tara na nga! Libre kita ng food! Yah!" Natampal ko na lang ang sarili kong noo. Ang kulit ata ng pandak na 'to! Hindi na ako umayaw pa't nagpatangay na lang sa Sa snackbar ng school namin.

"Uhm.. Isang hamburger, water, frosty pa po. Yung chocolate ahh!" Napangiti na lang ako. Nandito kami sa Wendy's, trip niya raw kasi 'to ehh.

Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kaniyang likuran. Matipuno kasi siya eh, pero yung cute na version. Korean skin care rin si Kuya niyo! Mas makinis pa sa akin. Nahiya tuloy ang pimples ko.

Yayamanin na batang 'to! Naka Wendy's pa! Soimai rice lang nga ang nais ko eh.

"Ate, make it two. Ang takaw kasi ng nililigawan ko eh. Tsalamat." Napa tulala na lang ako sa sinabi niya. Ano raw? Nililigawan! Baka mali naman ako ng pagkarinig.

Manliligaw? Ang batang 'to?

Itutuloy po...

AustinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon