Nag doorbell ako sa bahay nila kim.. sure ako na dito yun kasi dito ko sya hinahatid..
Maya maya lumabas ng bahay si kim.. naka white dress sya..
"Wow" narinig ko si kyle na napa wow kay kim habang tinititigan nya ito..
Habang ako na pa nga nga nalang.. literal na nga nga...
"Ano? Titigan nyo nalang ako?" Natatawang sabi ni kim habang palapit saaming dalawa ni kyle..
"Ahh o tara na" sabi ko
Sumakay si kyle sa front seat katabi ko at si kim naman sa likod..
"Meron ako chichirya sa likod? Gusto nyo?" Alok ko..
Bumaba ako ulit ng kotse at binuksan yung compartment ng sasaksakyan
Kinuha ko yung mga pinamili ko kanina sa convenience store at pumasok ulit sa loob..
Nilagay ko sa likod yung lalagyan sa tabi ni kim..
Kumuha si kyle at kumuha din si kim... habang kumain kain sila.. pinaandar ko na yung kotse..
"Keon.. nag text na sakin si matt.. malapit na daw sya.." sabi ni kyle habang hawak hawak nya ang cellphone nya habang kumakain ng chips..
"Sabihin mo hintayin natin sya sa may guard house sa kanto.." sabi ko habang naka tingin sa daan at mahigpit ang hawak sa manibela..
"Ok ok.." sagot lang ni kyle..
Nung medyo nawalan ng sasakyan sa daan.. binilisan ko ang pag papatakbo ng kotse..
Nag suot bigla ng seatbelt si kyle hahahaha.. ganun din si kim..
Binilisan ko pa ng kaonti ang pag papatakbo nung nakapag lagay na sila ng mga seatbelt nila...
"Keon di nako natutuwa" sabi ni kyle halatang kinkabahan
Hahah easy.. magaling ako mag drive atsaka wala namang sasakyan masyado..
"Easy lang kayo dyan... di tayo mamatay hahaha" pabiro kong sabi para di sila kabahan
"Nako keon.." angal ulit ni kyle hahahahah..
Maya maya medyo malapit na kame at meron naring mga sasakyan
Pag ka dating namin sa guard house wala pa si matt..
"Hintayin nalang natin dito si matt" sabi ko..
"Loko kaba keon?! Alam mo ba di ako makapag salita sa sobrang kaba kanina ha!?!" Sabi ni kim
Natawa kaming dalawa ni kyle habang si kim naka simangot
"Buhay panaman tayo ea" biro ko kay kim..
Maya maya may nag park na itim na kotse sa harapan namin.... mag kapareho kami ng kulay ng kotse..
"Baka si matt nato..." sabi ko..
Bumaba ako ng kotse at may bumaba din sa kabilang kotse.. si matt...
"Yo matt" bati ko..
Nakipag apir sya atsaka nakipag dibdiban.. tinap ko yung likod nya at umatras nako para makipag usap..
"Kumain kana matt?" Tanong ko..
"Ahh oo kanina pa.. bago ako umalis ng bahay.. kayo? Kumain na kayo?"
"Ahh oo.. kumain na kami.." sabi ko
"Asan sila kim at kyle?" Tanong sakin ni matt.. habang nakangiti..
"Asa loob ng kotse ko."
"Ahhh ocge..." sabi ni matt..
"Palipat ko nalang dyan sayo yung isa..." sabi ko para matapos nayung usapan.. Ang init kaya dito sa labas..
BINABASA MO ANG
Unsure For Love
Teen FictionBest friend.. di nya ito kaagad nakita dahil nasa maling tao ang kanyang atensyon.. Let see.. kung anong mang yayare sa buhay ni keon at ng mga kaibigan nya