Sembreak nung mga panahon na ‘yon. Nagbakasyon ang pamilya nila Gabriel sa Baguio. May kaya ang pamilya nila, sa isang unibersidad sa Maynila silang magkakapatid nag-aaral. Ang kanyang ama ay nagtatrabaho sa ibang bansa kaya naisipan nilang magbakasyon ng isang linggo sa Baguio upang masulit na rin ang panahon na nasa Pilipinas ang kanilang ama. Wala pa ngang balak sumama si Gabriel dahil hindi siya malapit sa ama, napasama lang siya dahil pinilit na rin siya ng kanyang ina. Buong byahe tulog lang si Gabriel, kapag kinausap siya tumatanggo lang, halatang hindi siya interesado.
Nang makarating na sila sa tutuluyan nila, nagpaalam si Gabriel sa kanyang ina na maglilibot-libot muna sa lugar. Sa paglalakad, nakarating siya sa isang parte na puro bulaklak. Iba’t ibang bulaklak ang nakita niya. Sa pagmamasid niya sa lugar, may nakita siyang isang nakaputing babae, nagdidilig ito ng mga bulaklak at makikita mo sa mukha niya na masaya siya sa ginagawa niya. Hindi namalayan ni Gabriel na lumalakad siya papalapit sa dalaga. Para bang may nagsasabi sa kanya na kailangan niyang makilala ito at maging kaibigan.
Napansin ng dalaga si Gabriel at napatigil ito sa ginagawa niya. Ningitian niya ang binata dahil mahahalata sa mukha nito na wala siyang ibang intension. Napangiti na lang din si Gabriel dahil talagang mahahawa ka sa mala-anghel na ngiti ng dalaga. Umupo ang dalaga sa mga damo kaya umupo na din si Gabriel. Napatitig siya sa dalaga na nakangiti parin habang nakatingin sa kalangitan. Kinausap niya ang dalaga, nagpakilala siya at parang di siya naririnig nito. Napatingin din si Gabriel sa langit, naisip niya na parang hindi interasado ang dalaga na makipag kaibigan, napansin niya na lang na nakatingin na pala ang dalaga sa kanya at ngumit. Tumayo ang dalaga, hahabulin na niya sana pero pumasok ito sa isang bahay kubo. Napahinga siya ng malalim, nasabi niya sa sarili na talagang magiging boring talaga ang isang lingo niyang bakasyon dito.
Nagulat siya ng biglang dumating ang dalaga na may dalang bulaklak, isang pink na rosas na nakalagay sa isang puting paso. Napatingin siya sa dalaga, kinuha niya ito at nagpasalamat, nginitian lamang siya nito. Salita ng salita si Gabriel pero tahimik parin na nakatingin sa kanya ang dalaga na tila binabasa ang mga sinsabi ng labi niya. Maya maya ay may lumapit na matandang babae at niyaya ng pumasok ang dalaga sa kanilang bahay. Nakatingin pa rin si Gabriel sa dalagang tumatakbo na parang bata papasok sa kubo nila. Bigla siyang kinausap ng matandang babae, nagulat na lang siya sa nalaman niya na hindi na pala nakakarinig at nakakapag salita si Sam, na simula bata pa lamang daw ay may gano’n nang karamdaman ang dalaga dahil sa isang aksidente. Iniisip ni Gabriel pauwi kung paano niya matutulungan ang dalaga. Napatingin siya sa hawak niya, isang rosas. Napangiti siya, nakahanap siya ng isang kaibigan, hindi nga lang niya alam kung paano sila magkakaintindihan.
Nakarating siya sa tinutuluyan nila ng mag gagabi na. Kumain sila ng magkakasama at nagkwekwentuhan, nananatili lang siyang tahimik at iniisip parin ang kalagayan ng nag-iisa niyang kaibigan na si Sam. Napansin ito ng kanyang ina kaya kinausap siya pagkatapos nilang kumain, sinabi niya lahat-lahat. Sinabihan siya ng ina niya na ipakita na lang niya na lagi siyang nasa tabi nito at sinusuportahan siya sa mga bagay. Nilagay niya ang paso sa may bintana upang masinagan ng araw sa umaga, diniligan niya ito at natulog na. Naisip niya na maghahanda siya ng simpleng salu-salo para sa mag lola bukas. Kinaumagahan, maagang nagising si Gabriel para magluto, umalis siya bago magtanghalian. Nang makarating siya sa lugar nila Sam, naabutan niya itong nagdidilig ng mga bulaklak. Napansin siya ng lola ni Sam at tinawag. Hinanda nila pareho yung dalang mga pagkain ni Gabriel. Nung handa na ang kakainan nila, pinuntahan na ni Gabriel si Sam. Halata ang pagkagulat sa mukha ng dalaga dahil nakita nya ulit ang binata. Hindi niya inaasahan na babalik ito matapos sabihin ng lola niya ang kalagayan niya. Natuwa siya kaya tumakbo siya papasok ng kubo nila ta binigyan ulit ng bulaklak si Gabriel. Nagulat si Gabriel dahil isang dahon ang ibinigay sakanya pero may isang maliit na puting bulaklak. Ngumiti si Gabriel at sinabi ang salamat ng dahan dahan upang mabasa ni Sam ang kanyang sinasabi.
Pagkatapos nilang kumain ay namasyal ang dalawa. May pinitas si Sam na isang maliit na bulaklak,kulay violet, ito ata yung iris na bulaklak, nasa isip ni Gabriel. Kinuha niya at ningitian ulit si Sam. Lumipas na naman ang oras na magkasama sila, kailangan nang magpaalam ni Gabriel. Bago siya umalis, binigyan siya ni Sam ng isang bulaklak,tulip na kulay red. Natuwa si Gabriel dahil ngayon lang siya nakakita ng tulip na kulay red. Tinanggap niya ito at nagpaalam na sa mag lola.
Pagkadating niya sa tinutuluyan nila, nilipat niya sa may beranda ang mag bulaklak. Tinitigan niya ito. Di niya mapigilan ang mapangiti. Nakatulog siya ng may ngiti sa kanyang mga labi. Ikatlong araw na nila sa Baguio, dalawang araw na lang at babalik na sila sa Maynila. Malapit na din siyang magpaalam kay Sam.
Hapon na niya nabisita si Sam dahil sumimba pa ang pamilya nila. Nakita niya si Sam na malungkot habang nakatingin sa isang bulaklak, isang bulaklak na medyo light yung pagka purple. Lumapit siya sa dalaga at ningitian. Napangiti ang dalaga at inabot ang bulaklak sa binata,tinanggap naman niya ito. Bilang kabayaran sa mga bulaklak na binibigay sa kanya ng dalaga, binigyan niya ito ng isang kahon ng brownies na niluto niya. Maya-maya lang ay nagpaalam na ang binata sa kanya. Nalulungkot na naman ang dalaga dahil nararamdaman niya na mawawalan siya ng isang taong pinagkakatiwalaan ng sobra maliban sa kanyang lola.
Kinabukasan, hindi nakabisita si Gabriel kay Sam dahil umalis ang pamilya nila para mamili ng mga ipapasalubong nila. Sa buong araw na ‘yon, iniisip lang ng binata ang dalaga. Pagkauwi nila ay agad niyang diniligan ang mga bulaklak. Nalulungkot siya habang pinagmamasdan niya ito dahil bukas ay magpapaalam na siya kay Sam at babalik na ng Maynila. Di man lang niya naintindihan ang mga gustong sabihin at iparamdam ni Sam. Bigla siyang naalimpungatan at binuksan ang kompyuter niya. Hinanap niya ang iba’t ibang ibig sabihin ng mga bulaklak.Nakita niya dito na ang kulay pink na rosas ay sumisimbolo sa pakikipag kaibigan. Napangiti si Gabriel, naisip niya na una pa lang pala kaibigan na tingin sakanya ni Sam. Nakita rin niya yung dahon na may maliit na bulaklak, ang holly, sumisimbolo sa kaligayahan. Tiningnan nya rin ang ibig sabihin ng iris, inspirasyon niya pala si Gabriel. Nakita niya rin ang ibig sabihin ng kulay pulang tulip na sumisimbolo sa pagmamahal at ang huling bulaklak na binigay sakanya ay lilac na ibig sabihin ay unang pag-ibig. Napatayo siya sa mga nalaman niya. May ngiting nabuo sa mga labi niya at naisip na niya kung paano siya magpapaalam kay Sam ng hindi niya ito nasasaktan.
Kinaumagahan,nagpunta si Gabriel sa isang bentahan ng mga bulaklak. Binili niya lahat ng bulaklak na makakapagsabi ng tunay nyang nararamdaman kay Sam. Pagkadating niya sa lugar nila Sam ay dinala niya ang dalaga sa may ilog kung saan siya binigyan ng dalaga ng isang pulang tulip. May konting oras na lang siya para magpaalam sa dalaga.
Binigay niya ang dalaga ng isang puting Tulip na sinasabi ang kapatawaran,binigyan niya din ng pulang rosas ang dalaga na nagsasabi ng totoong pag-ibig, sunod na binigay niya ay putting Chrysanthemum na nagsasabi na ito ay katotohanan, binigyan niya din ng Apple Blossom at Hyacinth ang dalaga para sabihin na siya ay nangangako at may halong sinseridad ang kanyang sinasabi at ang huli nyang binigay ay
ang Forget-me-not na sinasabing tandaan siya habang buhay at wag kakalimutan.

BINABASA MO ANG
Love Blooms
RomanceStory ng isang babae, WAIT! Story pala ng isang lalake. Teka nga! Story ng isang babae at isang lalake na lang. May isang lalake na nakatagpo ng isang babae pero sa sitwasyon nilang dalawa ay mahirap ang makipagkomunikasyon lalo na kung pareho kayon...